Chapter 29

878 17 0
                                    

CHEZKA'S P.O.V.

Another week had passed, pero wala pa ding pagbabago.

Minsan napapaisip ako, bakit kaya ganun noh?

Ang dali para sa ibang tao na itapon lahat.

Ang dali para sa kanila na balewalain lahat lahat.

Ang dali sa kanila na kalimutan lahat sa isang iglap lang.

Samantalang ikaw, hindi mo magawa.

Wala ka ng ibang magawa kundi umiyak at alalahanin lahat ng nangyari noon.

At mapapabuntong hininga ka na lang kasi sa huli mapapagtanto mo, hanggang don na lang yun.

Hanggang alaala na lang lahat.

"Lutang ka na naman. Ano na naman ba iniisip mo?" tanong sakin ni Lyle

Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Chill sis. I was just asking" sabi nito.

Inirapan ko lang siya.

Nagulat ako nung biglang nag ring ang phone ko.

Unknown number.

The hell, I wouldn't talk to a stranger.

"Bakit di mo sagutin? Malay mo importante" sabi ni Lyle

Saka siya tumayo at nagpunta sa kusina.

I sighed and answered the call.

"Who's this?" bungad ko agad.

[Woah, easy there. Ang sungit naman] sagot nito.

"Sino ka ba? Kung ayaw mo sabihin, better end this call. I don't have time for strangers!" inis na sabi ko

[Hanggang ngayon maldita ka pa din] sabi niya saka siya tumawa ng mahina

Who is he?!

"Sino ka ba?" tanong ko

Naiinis na ko. Kabwisit.

Pangalan lang naman, mahirap ba sabihin? Tsk.

[Have you really forgot 'bout me, Steph?] sambit

S-steph.

He.. H-he called me Steph.

[Speechless eh? Haha. I'll be back soon. Be ready. I missed you] sabi nito.

Napapikit ako at parang tumaas lahat ng dugo ko.

"Wala.ka.ng.babalikan.pa." matigas na sabi ko.

Saka ko pinatay ang tawag.

Sakto namang bumalik si Lyle na may hawak hawak na ice cream.

"Oh, anyare sayo? Bakit ganyan ang mukha mo?" pang aasar niya.

Tinitigan ko siya.

"What? Ano na naman ginawa ko?" inosenteng tanong niya.

"Alam mo na ba?" tanong ko.

Umiwas siya ng tingin kaya sa tingin ko nakuha niya ang ibig kong sabihin.

"Kailan pa?" tanong ko.

"Last week. Kinukulit niya ko kung saan ka makikita. Sabi ko tantanan ka na niya" sagot nito

"Why didn't you tell me?!" sigaw ko sa kanya at napatayo na ko

"Kasi hindi importante. Tell me Chez, may halaga pa ba siya sayo? Apektado ka pa rin ba?" seryosong tanong niya

"W-wala na" sagot ko at nag iwas ng tingin

He stared at me.

"Better fix yourself. Wag mong sirain yang buhay mo dahil lang sa nagbalik na siya. Baka nakakaimutan mo what happened to you, the day he left you. Damn it" sabi ni Lyle

True Love (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat