Chapter 5

1.6K 25 0
                                    

RENZO'S P.O.V.

Nandito ako ngayon sa bahay nila Chezka.

Inaantay siyang bumaba.

"Ah sir. Pakihintay na lang po si Ms. Ra diyan. Upo ho muna kayo" sabi ng isang maid

"Salamat" sagot ko

Saka ako ngumiti at umupo.

Ilang minuto pa ang lumipas, nakita ko na si Chezka na pababa ng hagdan.

Napatingin siya sakin at napatigil sa pagbaba.

Pero nung nahimasmasan na yata siya, bumaba din siya.

"Ya, pakidala 'to sa kotse ko. Salamat" sabi ni Chezka

Saka niya inabot ang gamit niya sa maid.

"Ano na naman ba?" Tanong niya

Ngumiti ako at tumayo. Saka ko inabot sa kanya ang bouquet ng rose.

Paborito niya kasi ang pink roses.

"Ano yan?" Tanong niya

Sabay tingin sa inaabot kong bulaklak.

"Para sayo. Roses. It's your favorite, right?" Sagot ko

Saka ko siya nginitian.

"Allergic ako sa bulaklak" sabi niya

"Pero, favorite mo 'to diba?" Tanong ko

Tinignan niya ko, mata sa mata.

"Alam mo Renzo, habang tumaktakbo ang oras madami at mayroon pa ring magbabago at nagbabago. Kagaya niyan. Kung noon paborito ko yan, ngayon hindi na. Naiintindihan mo ba?" Sabi ni Chezka

Inilapag ko na lang sa mesa, yung bulaklak.

"Ah. Hatid na kita sa office" sabi ko

"Hindi na kailangan. Dahil may sarili akong kotse. At, hindi kailangan, dahil hindi mo responsibilidad ang ihatid o sunduin ako" sagot niya

Saka na siya naglakad pero hinila ko ang kamay niya.

"Hindi mo ba talaga ako kayang bigyan ng isa pang pagkakataon?" Tanong ko

Liningon niya ko. Saka niya tinanggal ang pagkakahawak ko sa kanya.

"Una sa lahat, ano pa ba ang ginagawa mo dito? Hindi naman kita inimbitahan. Wala namang okasyon para pumunta ka. O di kaya, wala naman akong sakit para dalawin mo ko" sabi ni Chezka

Nanahimik lang ako.

"Pangalawa, anong pagkakataon ang sinasabi mo? Pagkakataon na bumalik ka sa buhay ko, para sirain ulit ang tiwala at puso ko? Para sirain ulit ang buhay ko? Para ano? Saktan at iwanan ulit ako. Pagkakataon na ano? Ipamukha mo ulit sakin na kayang-kaya mo kong ipagpalit sa iba, habang ako hindi ka magawang ipagpalit kahit may mas better sayo. Ang kapal mo din. At ang tanga ko pag binigyan ulit kita ng pagkakataon. Dahil sasayangin ko lang ang buhay ko sayo, at sasayangin ko lang ang panahon ko sa kagaya mong manloloko, mahilig mang-iwan, at makasarili" dagdag pa niya

Bawat sinasabi niya, nasasaktan ako.

Pero tama nga sila,
"Truth hurts".

Pero ngayon sincere naman ako, at di ko na ulit gagawin yon.

"Pangatlo, at higit sa lahat. Pwede ba Renzo? Tigilan mo na ko. Lubayan mo na ko. Tantanan mo na ko, utang na loob. Ayoko ng gulo. Ayokong mag-away kayo ni Brian ng dahil sakin. At mas lalong ayokong mag-away kami ni Brian ng dahil sayo. Naiintindihan mo ba? Tumigil ka na. Tigilan mo na ko. Ayoko na sayo. Hindi na ko babalik sayo kahit kailan. Kasi ayoko ng masaktan!" Sigaw niya

True Love (Completed)Where stories live. Discover now