Chapter 7

1.2K 22 0
                                    

MICHELLE'S P.O.V.

Nandito ako ngayon sa sementeryo para dalawin ang kapatid ko.

Makapal ba mukha ko?

Kasi ako ang na nga ang pumatay sa kanya, may gana pa kong dalawin siya?

Oo na. Makapal na kung makapal ang mukha ko.

Wala akong pake.

Kapatid ko pa rin siya, at nagsisisi na ko sa ginawa ko.

Matagal ko ng pinagbayaran ang kasalanan ko.

"Kumusta naman ang guardian angel ko?" Narinig kong sabi ng isang lalake

Sumandal ako dito sa may puno at nanatili muna dito.

Si Renzo, nandito na naman at dinadalaw ang kapatid ko.

Kahit ano talagang gawin ko, kapatid ko pa rin ang panalo.

Pero okay na. Tanggap ko na. Kaso huli na.

"Kumusta ako? Eto, buhay pero parang patay" dagdag pa niya

Kundi dahil sakin hindi siya magdudusa ng ganyan.

Kundi dahil sakin hindi siya maghihirap ngayon.

Kasalanan ko lahat.

"Alam mo ba na gusto ko ng sumuko sa kanya? Kasi pagod na ko kakahabol eh. Kaso naalala ko, kulang pa 'to. Haha. Tanga ko kasi noh? Sana pala hindi ko siya iniwan at siya ang pinili ko. Tanga ko kasi nagpakasiguro ako na may babalikan pa ko" sabi ni Renzo

Tanga ang tingin niya sa sarili niya?

Sa tingin ba niya hindi siya lumaban?

Anong silbi ng pagsasakripisyo niya kung hindi niya yun itinuturing na laban?

"May mahal na siya eh. Ni hindi ko nga alam kung mahal pa niya ko o hindi na. Kung may pag-asa pa ba kami o wala na. Pero lahat tinitiis ko kasi mahal na mahal ko siya" sabi ni Renzo

Renzo loved her, more than he loved my sister.

Siguro nga hindi siya ang first love ni Renzo, pero kitang kita at ramdam ko na siya ang greatest love niya.

At ang swerte niya, kasi sa kanya napunta yung posisyon na pinangarap ko.

"Wala akong masabi. Hays. Sa susunod na lang ulit. Babalitaan kita. Tulungan mo ko huh? Haha. Sige bye" sabi ni Renzo

Saka na siya tumayo.

Nagulat siya ng makita niya ko.

"Hindi ako multo para magulat ka" sabi ko

Saka ako naglakad papunta sa puntod ni Mielle.

"Hey twin, musta ka na?" Tanong ko

Saka ko nilapag ang bulaklak sa puntod niya.

Tumaas ang mga balahibo ko ng biglang humangin ng malakas.

"So, how's life?" Tanong ko

Saka ko hinarap si Renzo.

"Okay naman. Still going on" sagot niya

"Ah. Renzo" sabi ko

Saka ako tumalikod at hinarap ang puntod ng kapatid ko.

"Bakit?" Tanong niya

"I'm sorry. Sorry for ruining you and my sister. I'm sorry for hurting you. Sorry for being a disaster in your life. I'm sorry you can't have her back now just because of what I did" sabi ko

True Love (Completed)Where stories live. Discover now