2. Do you remember me ?

4.9K 223 16
                                    

[Do you remember me?]

RIN DANIEL's POV

Huminga ako ng malalim bago pumasok sa main door ng mansion nila tita Fiolee, sumalubong sa'kin ang napakadaming tao sa loob, hindi lang tao kundi mga bampira.

Halo-halo ang bisita ngayon hindi katulad ng pormal na okayasyon sa'min ngayon ay may mga mortal na kasama dito, hindi mo mapapansin ang pagkakaiba ng mga mortal at mga bampira dahil ang mga bampira ngayon ay kayang kaya na makipagsabayan sa pamumuhay ng mga tao.

"Daniel! Anak kamusta na?" Hinalikan ako ni tita Fiolee at niyakap ko naman siya, medyo kinakapitan na ko ng kaba at mapapawis ng palad habang papalapit ako ng papalapit sa maliit na stage sa likod ng mansion kung saan ginaganap ngayon ang kasiyahan.

"Kinakabahan po ako." natawa siya at tinapik-tapik ang likod ko.

"Sanay ka na naman tumugtog sa harap ng maraming tao ah, ngayon ka pa ba kakabahan? Asan ang mom mo?" Tinuro ko sila mama na nakikipag-usap doon sa iba pang bampira at kanegosyo nila.

"Okay maiwan muna kita kailangan ko makausap ang mama mo, maya-maya lang tatawagin kana sa stage gambatte Daniel kun," tumango ako sa kaniya at huminga ako nang malalim.

Umupo muna ako sa sulok at kinalma ang sarili ko, kumuha ako ng inumin at habang hawak-hawak ko 'to ramdam ko ang panginginig ng kamay ko.

"Yow Dandan!" Halos mahulog ko 'yung hawak kong inumin sa paghampas ng lalaking 'to.

"Ginulat mo ko Bienne." tumawa siya at umupo sa tabi ko.

"Bro nakita mo ba si Marfie? Ang ganda at ang hot niya ang laki ng pinagbago niya men." nakita niya na si Marfie?

"Nakita mo na siya? Saan?" Tinuro niya 'yung isang bintana sa mansion.

"Pumasok kasi sila mama kanina doon kaya sumunod ako tapos 'yun nagbatian sila then binati ko rin siya." Lalo tuloy akong kinabahan.

Andito na talaga siya, magkikita na kami!

"Men nakikinig ka ba?" napatingin ako sa kaniya.

"Ah yes haha." napakamot ako ng ulo ko, natutuliro na naman ako.

"May I call Mr Rin Daniel Smith on the stage." siniko ako ni Bienne at naglakad patungo sa stage, tagaktak na ang pawis ko sa kamay at sa mukha dahil sa kaba kahit malamig dito sa garden ng mansion.

Lumunok ako at humarap sa mga tao, nag bow at umupo sa harap ng piano.

"Ahm, Good evening everyone." lahat sila nakatingin sa'kin pakiramdam ko tuloy lalamunin ako ng mga tingin nila.

"I will play my own composition its entitled purpose so please have fun." Nagpalakpakan sila at ngumiti ako pero 'yung hinahanap ng mata ko hindi ko pa rin matagpuan.

"And Ms Marfie Fionna Ferez? Can you hear me? This song is for you." iyon na lang ang huling sinabi ko kahit hindi ako sure kung maririnig niya ba 'to.

Nag cstart ako tumugtog, feeling ko sasablay ako dahil sa pasmado kong kamay pero hindi pwede ngayon, wag ngayon Rin dahil kahit hindi mo nakita si Marfie sa crowd pinagpraktisan mo 'to ng ilang week para sa kaniya.

Feeling like I'm breathing my last breath

Feeling like I'm walking my last steps
Look at all of these tears I've wept
Look at all the promises that I've kept

Isinulat ko talaga ang kanta na 'to para sa kaniya hindi ko lang alam kung ito ba ang tamang panahon para iparinig sa kaniya, sana naririnig niya dahil ito ang sinisigaw ng puso ko para sa kaniya.

My Blood Is Yours [YBIM BOOK II]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon