4. Letters

3.7K 147 13
                                    

[Letters]

RIN DANIEL's POV

Naiwan kaming dalawa ni Claire sa clinic at inintay niya muna dumating ang sundo ko bago siya tuluyang umalis.

"Master, tara na po nag iintay ang sasakyan niyo sa labas." nagbuntong hininga ako, hindi ko pa talaga gusto umuwi dahil wala na naman akong ibang gagawin kundi magbasa sa kwarto ko.

"Ah pwede dito muna ako? May tatapusin lang ako tawagan ko na lang kaya mamaya pag-uuwi na ko." ngumiti ako sa kanila habang hawak ko pa rin ang ulo ko.

"Sigurado po kayo master?" Tumango ako at doon umalis na sila, pumunta ako sa music room at binuksan ang case ng keyboard ng piano.

Pinundot ko ang kakaunting parte nito na nakagawa ng maliliit na ingay sa buong kwarto, medyo tahimik na sa school at palubog na ang araw.

Napatingin ako sa labas ng bintana at kulay orange ang ulap, lumapit ako para buksan ang bintana ng matanaw ko ang isang babae na nakaupo doon sa garden ng school.

Kulay palang ng maganda niyang buhok alam ko siya na 'yun. At alam ko rin na naramdaman niya na na nagmamasid na ko sa kaniya kaya nilingon niya ko at inirapan.

Natawa na lang ako at pumunta sa kinauupuan niya.

"Akala ko umuwi kana?" Sabay upo sa tabi niya.

"Nag bago isip ko." matipid niyang sagot at tumingala sa langit sabay buntong hininga.

Pakiramdam ko may tinatago siya sa akin at may mga bagay siyang ayaw sabihin katulad na lang kanina anong ibig sabihin ng sorry na 'yun at hindi na kami mababalik sa dati?

"Marfie galit ka ba sa'kin?" Hindi ko rin alam ba't ko na tanong, siguro ramdam ko lang na galit siya sa'kin?

"Im being straight to the point, naiinis ako sayo kaya tinatarayan kita kaso hindi ko pala kaya." lumingon siya sa'kin sabay ngite na pilit.

"Bakit naman? Ano bang na gawa ko?" Wala talaga akong alam.

"Anong na gawa mo? Actually wala. Kaya ako na iinis kasi wala kang ginawa." na confused naman ako.

"Ha?" Nagbuntong hininga siya.

"Hindi mo man lang ako sinulatan! 'yung kwento ko kaninang umaga? Na busy ako? Oo busy ako kaso hindi ako na palya kada araw na magtanong kung may sulat ka ba tapos nalaman ko na lang din nakablock pa ko sa fb mo." Na gulat naman ako at na patayo sa galit.

"Ako ang hindi pumapalyang magsulat sayo kada linggo at ikaw ang walang response kahit chat man lang tas ikaw ang nang block sa'kin!" Nakita ko ang pagkabigla rin sa mukha niya.

"What? Papaano!! Ako ang nag iintay sa sulat mo!" Umiling ako

"No! Ako!" Tumayo na rin siya.

"Hindi! Ako ang pinaasa mo!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Ako pa paasa eh, binigay ko lahat ng oras ko sa pag iintay ng reply niya na miske hi or okay wala.

"Ako! Ako ang nag intay sa reply mo! Araw-araw hindi ako makapag-concentrate sa pag-aaral ko kakaisip sayo! Kung kailan ka mag re-reply at kung nakalimutan mo na ba ako!" Nawala ang pagkatahimik kong tao dahil na ilabas ko lahat ng nasa loob ko. Nakita ko siyang tulala at nakanganga labas pa ang pangil niya.

"What did you say?" Papaulitin niya pa sa'kin? Actually hindi ko na matandaan kasi lumabas na lang talaga sa bibig ko 'yun.

"Your waiting for me at lagi mo kong iniisip?" 'yung gulat niya napalitan ng pamumula ng mukha niya.

Hindi lang siya kundi triple ang balik sa'kin nung makita ko ang reaksyon niya, crap! Mukha na kong kamatis nito.

"Ah eh, syempre 'di ba childhood friend tayo tapos parang kapatid na kita." okay Rin you lie! Parang storya 'yun ng mama at papa niya.

My Blood Is Yours [YBIM BOOK II]Where stories live. Discover now