8. INU

2.6K 128 14
                                    

[Inu]

MARFIE FIONNA's POV

"Kung may manliligaw sayo anong gagawin mo?"

Umieko pa rin sa tenga ko 'yung tanong niya nung nakaraang gabi, 'yun 'yung araw na tumakas siya sa'min ni Steph at pagpunta ko sa bahay nila iyon agad ang unang topic niya.

Sobrang kinabahan ako doon, at para akong tanga na kinikilig pero syempre hindi ko ipapaalam sa kaniya. Ang na sagot ko lang ay 'magiging masaya ako kung ganun' at gusto ko sana ihabol 'yung salitang 'kung ikaw ang taong yun' kaso nahihiya ako at alam ko namang best friend lang ang tingin niya sa'kin.

"Haysss nakakaloka naman kasi." napapout na lang ako, alam ko naman kung sino ang gusto niya eh.

Si Claire, middle school palang kami nun nakikita ko na kung gano siya kasaya pagkasama niya si claire, maalalahanin kasi at sobrang bait ng babae na 'yun kaya hindi aio mag tataka kung magustuhan siya ni Rin.

"Ano ba 'yan!" ba't ba kasi ako 'yung pinakamagaling magpanggap at magsinungaling dito? napakagaling ko itago 'tong nararamdaman ko kaya siguro hindi man lang nahahalata na sobra ko siyang gusto.

*tok tok*

Napalingon ako sa pinto sabay sabing "Pasok." at nakita ko si papa mula sa harap ng salamin na ginagamit ko ngayon.

"Yow." bati niya sa'kin kaya sumimangot ako at dinilaan siya.

"First day nag pagtuturo mo ngayon anak goodluck." tinaas niya ang kamay niya at nag form ng McDonald pouse, 'yung pa heart.

Natawa na lang ako at humarap sa kaniya sabay ikot at pose.

"What do you think of my uniform dad?" Inilagay niya ang kamay niya sa baba niya at nag-isip.

"Mukha kang istudyante anak." umusok ang ilong ko at pinagsisipa siya palabas ng kwarto ko.

"Labas hukluban labasss!" Naisara ko ang pinto at humarap ulit ng salamain.

Mukha nga kong istudyante, anong magagawa ko eh, bata pa naman talaga ako, huminga ako ng malalim at nag mukhang mataray at seryoso sa harap ng salamin.

"Okay class goodmorning." tinitigan ko ang sarili ko at na uwi lang ako sa pagtawa sa sarili ko.

Hindi bagay sa'kin 'yung mukhang terror at masungit, pano ko kaya sila ihahandle? Siguro naman mababait naman sila.

Madami na naman akong bagong maamoy na dugo este madami na naman akong makikilala ngayon.

Kailangan ko mag concentrate sa pagtuturo ko, dito ko magagamit ang ilang taon kong pagkontrol sa pagiging bampira ko, kailangan kong isipin na mga mahahalagang tao sila at mahalin sila na parang anak ko at hindi ituring bilang mga pagkain at inumin.

Isa rin akong tao! Iyan ang itatatak ko sa utak ko sabi nga ni lola sa'kin, tao pa rin ako dahil minsan na naging tao ang mama ko at tao naman ang lola at lolo ko kaya tao rin daw ako.

Napangite ako at muling sinuklay ang buhok ko.

"YOSH! KAYA KOTO!"

••*••

Gosh kinakabahan ako, mukhang hindi ko ata kakayanin, iba't ibang klase ng dugo ang na aamoy ko, lahat ito fresh pa kasi naman middle school ang tuturuan ko around 11-15 ang age nga mga 'to at the other side naman ng building ay ang mga high senior student.

Doon magtuturo si Rin at Claire, kami naman ni Bienne dito sa building na 'to pero iisa lang ang building at faculty naming apat kaya medyo masaya na rin ako kasi makakasama ko sila dito.

My Blood Is Yours [YBIM BOOK II]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon