6. Red Eyes Black Hair

3.1K 142 19
                                    

[Red eys, black hair]

RIN DANIEL's POV


Tumindig ang lalaki sa harap ni Marfie, hanggang dibdib lang siya nito at hindi siya nagpapatinag sa mga tingin ng lalaki sa kaniya.

Nanliit ako, ito na naman 'yung pakiramdam ng isang talunan, ngayon babae pa ang nagtatanggol sa'kin, siya ang knight in shinning amor at ako ang damsel in distress dito. Nakakahiya! Nakakaines! Kung malakas sana ako edi na protektahan ko siya hindi 'yung nakatunganga lang ako dito at nangangatog ang tuhod sa takot.

"Hindi lang matabil ang dila mo madamot ka pa binibini," sabi ng lalaki sa kaniya at biglang sumenyas kaya nataranta ako at isa-isa silang sumugod sa kaniya, teka hindi kay Marfie kundi sa'kin! Anong gagawin ko?

"TAKBO RIN!" Sigaw niya at pinilipit ang braso ng isang lalaking papunta sa'kin, kaso huli na ang lahat dahil nahawakan na ng lalaking nasa likod ko ang kwelyo ko at binuhat ako pataas gamit ang isang kamay.

"Nasa-sakkal a-kko." hindi ako makahinga dahil kinukwelyuhan niya ko pataas.

"Edi maganda," sabi niya at ngumisI sa'kin, dito na ba ko mamatay? Ang bilis naman ng buhay ko? Sabagay mahina kasi ako.

"BITAWAN MO SIYA!" Napatingin ako kay Marfie at unti unting nagbabago ang asul niyang mata papunta sa kulay pula, iba ang pagkapula nito. Hindi matingkad kundi madilim! Parang buhay na dugo.

"Ma-arffie." palapit siya nang palapit ng hakbang at paurong naman nang paurong 'yung lalaking may hawak sa'kin, 'yung dilaw niyang buhok nagiging itim at kitang kita ko kung pano magbago iyon sa liwanag ng buwan.

"Bitawan mo siya." malumanay niyang sabi at na bitawan ako nung lalaki.

"Bibitawan ka rin pala pinatagal mo pa." sabay ngite niya at sabay-sabay ding sumugod sa kaniya ang mga lalaki. Anim silang lahat? Teka pito? Hindi ko makita kahit nakasalamin na ko dahil ang bilis ng galaw nila masyado.

Habang nakaupo ako sa simento ay nakikita ko na lang na may humahagis na parte sa bawat lalaking sumusugod kay Marfie, ulo, kamay, paa? Nang hihilabot ako at bawat napapatay niya ay nagiging abo rin kaagad.

"TUMINGIN KA DITO!" Napatingala ako dahil may malaking boses sa likuran ko at ang sunod ko na lang nakita ay ang pagbagsak ng malaking tipak na simento sa ulo ko.

••*••

"Tita pano pag nagka-amnesia siya?" ano 'yun ang ingay?

"Tatlong araw na siyang hindi gumigising waaaah kasalanan ko 'to!" Minulat ko ang mata ko at nakita 'yung babaeng naka pink na paikot ikot.

"Sabi ng cousin mo nahilo lang siya at nawalan ng malay so magigising din siya don't worry baby," sabi naman ng isa pang babae, teka ano bang nangyari?

"Daniel gising kana! Anaka ko!" napatingin ako sa nasa tabi ko at napangite.

"Hi mom," sabi ko at lahat sila nag silapitan sa'kin.

"Rin!" Niyakap ako ni Marfie nang mahigpit kaya napangiwe ako sa sakit.

"Aray ko." napabitaw siya at todo ngite. Siya ba 'to? Ang labo kasi ng mata ko.

"Buti nagising kana! Sino ako sino ako?" Halatang kabado siya kaya na tawa ako.

"Yung panget na bampira." nagtawanan lahat ng nasa kwarto at nakahinga na sila ng maluwang. Naalala ko na, napasabak nga pala kami sa gulo nung gabing iyon at hinulugan ako ng malaking tipak ng simento sa ulo, buti nagising pa ko.

"Anak ko na miss kita." Hagod-hagod ni mama ang kamay ko at pinaghahalikan 'to.

"Akala ko rin mamatay na ko ma haha." nakita ko naman si papa na nakatayo sa pintuan.

My Blood Is Yours [YBIM BOOK II]Where stories live. Discover now