5. His Mine !

3.4K 148 14
                                    

[He's mine]

RIN DANIEL's POV

Pagtapos kong makita ang laman ng kahon ay agad kong sinuot ang hoody ko at binuhat ang kahon palabas ng bahay.

"Saan ka pupunta Daniel?" Tanong ni mama at sumakay na ko sa bike ko.

"Kala tita Fiolee po." at sinimulan ko ng pumadyak sa bisekleta ko, hirap na hirap ako dahil mabigat ang dala-dala ko pero na kaya ko naman makarating sa mansion nila ng buhay.

"Sir Rin tulungan ko na po kayo, "nakita ko ang kakaparada palang na sasakyan nila at iniluwa noon si Jake ang head ng mga butler nila sa bahay.

"Ah salamat," sabi ko at binuhat niya iyon gamit ang isang daliri niya dahil madame pa pala siyang bubuhatin at tig iisang supot ang bawat daliri niya sa kamay, hindi mo akalain na lagpas na nang isang daang taon ang lalaking ito dahil mukha lang siyang 30 or 40 pataas.

"Saan ka galing Jake?" Daredaretsyo nitong nag lakad papuntang pintuan.

"Pinabili ako ni Ms.Fionna ng bago niyang damit dahil ayaw mo daw ng mga suot niya." napangiwe naman ako, ako pala ang dahilan ng pag sho-shopping ni Jake sa dis oras ng gabi.

"Ay pasensya na, bawiin ko na kaya 'yang kahon ako na magbibitbit," sabi ko pero iniwas niya ang hawakan ng kahon kaya hindi ko ito nakuha.

"Ako na po Sir.Rin, tutal iisa lang naman ang pupuntahan na'tin," sabi niya at nag bobow ang bawat taong makakasalubong niya sa mansion.

"Ay sige tama ka." hindi na lang ako makaimik, tahimik ang malaking mansyon na ito pag wala ang mag-asawa na sila tita Fiolee at tito Marshall dahil sila lang naman ang maingay dito at isa pa puro maids at butler na ang kasama nilang pamilya bukod kay lolo James .

"Paki katok na lang po ang pinto." utos niya sa'kin kasi puno na ang kamay niya ng mga gamit na hawak niya.

"Ah okay okay."

*tok tok tok*

"Bukas 'yan Jake!" Pinihit ko ang seredula ng pinto at nakita ko si Marfie na nakain sa sahig at panay ang laro sa isang bote.

"Ano 'yan?" Tanong ko nung lumapit ako sa kaniya at na gulat siya.

"Anong ginagawa mo dito?" Hindi ko siya sinagot at tinulungan si Jake ibaba ang mga pinamili niya, pagtapos ay umalis na rin siya agad ng kwarto.

"Maiwan ko na po kayo Master, pakitawag na lang po ako kung may kailangan pa kayo," tumango si Marfie at hinagisan si Jake ng chitchirya.

"Smile-smile ka naman d'yan." ngumiti ng pilit si Jake at sinara na ang pinto.

"Napakaseryoso ng mga tao dito nakakabagot tuloy buti pumunta ka haha," sabi niya sabay lagok ng dugo sa bote.

"Iniinum mo 'yan ng ganiyan? Parang tubig lang." hindi pa rin ako sanay makakita ng ganun kadaming dugo kaya umiwas ako ng tingin dahil nagsisimula nang bumaliktad ang sikmura ko.

"Oo, kasi mas masarap pag ganito kesa sa patagalan pang sumipsip," sabi niya at kuha ng chips.

"Oo na oo na, teka andito ba si lolo James?" Umiling siya.

"Umalis silang tatlo kanina pagdating ko." tumungo na lang ako.

"Ano 'yang kahon na 'yan?" Muntik ko na makalimutan bakit ako pumunta dito buti na lang na pansin niya ang kahon.

"Ah eto 'yung mga sulat ko sayo bumalik lahat sa'kin kanina." kumunot ang noo niya at binuksan ang kahon, napahawak siya sa bibig niya at tumigin sa'kin sabay yakap.

My Blood Is Yours [YBIM BOOK II]Where stories live. Discover now