7. Bienne

3K 133 12
                                    

[Bienne]

RIN DANIEL's POV

Mabilis na lumipas ang mga araw, pero sa mga araw na 'yun masasabi kong nagbago ang buhay ko, 'yung dating boring kong buhay ay ngayon sobrang ingay na dahil sa dalawang 'to.

"Step! Kaya niya nang kumain!" Bisita ako ngayon dito sa bahay nila Stephany 'yung pinsan ni Marfie at kumakain kami sa garden nila.

"Bakit ba coz! Gusto ko lang naman siyang subuan eh." tumalim ang mata ni Marfie sa pinsan niya at ganun din ito sa kaniya.

Habang nagbabangayan sila ay pagkakataon ko ng tumakas at makalayo sa kanilang dalawa.

Napapadalas na rin ang away nilang magpinsan dahil sa'kin, makapal na ang mukha ko para sabihin 'to pero totoo pinag-aagawan nila ako. Hindi ko alam ang motibo nilang dalawa, 'yung pinsan niya halatang nang ti-trip lang pero si Marfie nagtataka ako bakit siya galit na galit pagkasama ko ang pinsan niya.

Pagtinatanong ko naman siya sasabihin niya lang hindi kami bagay ng pinsan niya kaya nilalayo niya ko sa pinsan niya.

Kaya iyon na lang ang iisipin ko kesa sa mag assume ako na nagseselos siya.

"Hayyy." napabuntong hininga ako habang nakatitig sa salamin, buti na lang madameng maids dito na nagtuturo sa'kin ng way papuntang restroom kundi baka naligaw na ko sa sobrang laking mansion na 'to.

Tinignan ko 'yung phone ko at nakita kong may mga text message galing kay Bienne kaya agad ko 'tong binasa at nagreply.

Dal- dali rin ako lumabas ng CR at nag text kay Marfie at Stephany na mauuna na kong umalis dahil may kailangan ako puntahan.

Nag commute ako papunta sa sinabing lugar ni Bienne, si Bienne ay isa sa pinakamatagal ko na ding kaibigan. Kababata ko rin siya dahil anak siya ng kaibigan nila mama na si tita Julienne pero isa siyang mortal.

Alam niya lahat ng sikreto ko at nang pamilya ko pero safe 'to sa kanila dahil matagal na magkakaibigan ang mga magulang ko at sanay na sila sa pamumuhay na meron kaming mga bampira.

"Yo!" Nakita ko siyang nag aabang sa isang waiting shed at agad ko naman siyang nilapitan.

"Bakit Bienne saan tayo pupunta?" Naka jersey lang siya at mukhang galing na naman sa pag be-baseball niya.

"Wala lang hindi lang kita nakikita ng isang buwan haha na miss kita bro!" Niyakap niya ko at pinaggugulo ang buhok ko gamit ang kamao niya.

"Hahaha sabagay pasensya na busy lang talaga ako." tumigin siya sa'kin nang mapanukso.

"Nabalitaan ko nga busy ka daw kay Marfie." Nanlaki ang mata ko sa hiya at sabay tawa niya naman. Akbay-akbay niya ko habang naglalakad kami sa daan.

"Lagi kasi siya na punta sa bahay at ngayon kasama niya na ang pinsan niya." napa "oooww." na lang siya at tumigin sa'kin na mapang asar, mukhang sinusuri niya na naman ako.

Isa lang naman ang lihim ko na hindi ko masabi dito sa best friend ko eh, 'yun ay ang mahal ko rin ang babaeng mahal niya.

"Mabuti na 'yung kasama niya pinsan niya kesa sa kayong dalawa lang nakakaingget na kasi haha." siniko ko siya.

"Yan ka na naman wala namang gusto sa'kin si Marfie." tumawa siya sabay kamot ng ulo niya.

"tingin mo?" tumigin siya sa'kin sabay tawa.

Ito ang ayaw ko eh, 'yung papipiliin ako sa kanilang dalawa, kababata ko silang dalawa at pareho silang importante sa'kin, pwede bang hindi na lang ako mamili?

My Blood Is Yours [YBIM BOOK II]Where stories live. Discover now