9. Secrets

2.6K 166 30
                                    

[Secrets]

MARFIE FIONNA's POV

Nakatitig siya sa'kin, kami na lang dalawa ang natitira dito sa room dahil lahat ng classmate niya lumabas na. Mata sa mata pangil sa pangil.

"Ano sasabihin mo na ba sa'kin kung saan ka galing?" Matapang niyang tinumbasan ang matalim kong tingin sa kaniya at umiling lang siya dahil hindi siya makapagsalita.

"idiin mo pa 'yan at isusuplong kita sa principal office." lalong dumiin at lalo ding nanlaki ang mata ko sa batang 'to. Pangil laban sa mata MADAYA siya!

"OO NA OO NA HINDI NA AWW AWW." ibinigay ko sa kaniya ang class record ko at bumitaw siya sa pagkakakagat sa braso ko, isa sa kahinaan namin ay ang pangil ng isang lobo.

"Buti naman paniki," sabi niya sa'kin at pinangdilatan ko siya ng mata, kung luluwa lang ang mata ko kanina pa 'to lumuwa dahil sa batang 'to eh.

Kinuha niya ang records book ko at pinalitan ang pangalan niya doon, nilagay ko kasi Inu Arcega eh, nalaman niya ang meaning nun sa classmate niyang otaku.

"Okay na Cher." ngumiti siya sa'kin ng kaplastik plastik kaya na imbyerna ako.

"Babawi ako sa grades mo tandaan mo 'yan aso." ngumiti siya sa'kin at bago lumabas ng room ay may pahabol pang pinaggalaiti ko talaga.

"Sure para may proof na talaga akong na namemersonal ka, alam mo naman kaya ako pumasok sa school na 'to dahil pantay ang mga lobo at mga bampira dito."

"Che!" Sabay hagalpak niya ng tawa sa corridor kaya ng mukha siyang baliw doon at saka lang na pansin nung madami nang nakatingin sa kaniya.

Hahaha buti nga sayo bata! Masisira agad ang image mo sa unang klase palang ng school year mo.

Lumabas din ako ng may malaking ngise sa mukha ko.

"He he he walang magkakagusto sayo bansot." bulong bulong ko habang naglalakad sa corridor bitbit ang itim kong bag.

"Teacher siya? Ang creepy niya naman"

"Shh baka marinig tayo kulamin pa tayo." napayuko ako. Sheeet ako rin sira na ang image ko.

"Yo." biglang akong napatingala at nakita ko si Bienne. Inagaw niya sa kamay ko ang mga gamit na dala ko at naglakad katabi ko.

"Salamat," sabi ko sa kaniya at ngumiti lang din siya.

"any plans?" umiling ako.

"Same Place?" Tanong niya at tumango ulit ako.

"Tara tayong apat." ngumiti rin siya at sabay kaming pumunta sa faculty, habang naglalakad ay nagkukwentuhan kami ng mga nangyari ngayong araw.

"Ano okay naman mga student's mo?" Tumango ako kaso na alala ko 'yung Kier na 'yun.

"Okay naman pwera lang sa isa kong istudyante." nag lean ako bandang tenga niya.

"Werewolf siya." parang hindi siya na bigla kundi na mula ang mukha niya.

"Hey walang nakakakilig sa sinabi ko," sabi ko sa kaniya kaya na bigla siya saka tumawa nang malakas.

"Hahaha hindi sa sinabi mo! Mismong sayo." ako naman ang na gulat at na mula. gad hindi man lang siya nagpaalam na babanat pala siya.

"Che hahaha." pagtataray ko sa kaniya, ganito naman si Jacob lagi nagloloko kaya dapat masanay na ko.

"Bienne Marfie!" Sumalubong sa'min si Rin at Claire, nakaayos na ang mga gamit nila at kakalabas lang ng faculty.

"Dating gawi?" Tanong ni Claire at ngumiti lang ako sa kaniya, sinilip ko naman si rin na nasa likod ni Claire at nakasimangot 'to.

My Blood Is Yours [YBIM BOOK II]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon