3. Dreaming Alone

4.4K 168 16
                                    

[Dreaming Alone]

RIN DANIEL's POV

May humahaplos sa ulo ko, dinadama ang hibla ng buhok ko habang ang mata ko ay nakapikit, nakahiga ako sa binti niya at siya kumakanta ng paborito niyang kanta noon bata pa siya.

"Twinkle, twinkle, little star
How I wonder what you are"

Lalo akong na himlay sa piling niya, para akong batang hinihele ng mahal niyang ina.

"Up above the world so high
like a diamond in the sky"

Dinilat ko ang mata ko at tinitigan ang maganda niyang mukha, ngumiti siya sa'kin.

"Twinkle, twinkle little star
How I wonder what you are"

Matapos niyang tapusin ang kanta ay unting unti siyang nawawala at nagiging transparent sa paningin ko.

"Rin." tawag niya sa'kin pero hindi ako makagalaw at walang na labas na boses sa bibig ko.

"Rin." Marfie saglit!

"RIN!" Napabalikwas ako at habol ang hininga ko, tumitig ako sa mga palad ko at inikot ang mata ko sa buong kwarto.

"Okay ka lang?" Na bigla ako at na patayo sa kama ko.

"Ma-marfie? A-anong ginagawa mo dito?" Tinaasan niya ko ng kilay.

"Ha? Masama ba pumasok sa kwarto mo? Pinapagising ka sa'kin ni tita Reyly so get up and get change! May pupuntahan tayo." hinubad niya ang sandals niya at sumalampak sa higaan ko, tinulak-tulak niya ko gamit ang paa niya.

"Teka saan tayo pupunta?" Inamoy niya ang unan ko kaya agad ko 'tong inagaw sa kaniya at pakiramdam ko namumula na ang mukha ko.

"Sa school niyo, 'di ba teacher ka doon? Igala mo lang ako then if ever na magustuhan ko mag a-apply na rin ako doon for good." napaupo naman ako at nagtataka sa kaniya.

"Doon tayo grumaduate remember, nakalimutan mo na ba?" ngumiti lang siya sa'kin at tumalikod.

"Wala lang gusto ko lang na ipasyal mo ko this summer." nagbikit balikat na lang ako, akala ko talaga hindi na siya si Marfie na kilala ko pero ito siya sa harap ko katulad pa rin ng dati siguro nag iba lang siya ng pananamit at ayos pero siya pa rin naman siya.

Akala ko nga maiilang kami sa isa't isa pero ngayon parang bumalik lang kami sa age naming sixteen kung saan lagi niya kong ginigising para pumasok kami ng sabay sa school.

Pumasok ako sa CR at naligo, mga ilang minuto lang ay lumabas na rin ako at na gulat ako nang andoon pa rin siya.

"Hoy Marfie!" Lumingon siya sa'kin habang busy na nilalaro ang pusa kong si nekochan.

"What?" Nag make face siya at tinaasan ako ng kilay, teka binabawi ko na ang sinabi ko kanina, ang dating Marfie na kilala ko ay hihiyaw agad makita lang akong nakahalf naked or kung may hindi siya gustong na gawa ko pero ngayon? Nakatapis lang ako sa harap niya wala pa rin siyang paki?

"Hindi ka ba lalabas?" Ako tuloy ang nahihiya ngayon.

"Tsk, nakita ko na 'yan kaya wag kana mahiya." halos malaglag ang panga ko sa sobrang pagkabigla! Kailan niya nakita ang katawan ko!

"Ke-kelan?" Tumayo siya at lumapit sa'kin.

"Nung bata pa tayo, pagpinapaliguan or binibihisan ka ni tita remember? Minsan nga sabay pa tayo maligo so whats the point?" Feeling ko masisiraan ako ng ulo sa mga pinagsasabi niya sa'kin ay hindi lang 'yun sobrang lapit niya pa sa'kin.

Nang aasar ba ang isang 'to.

"Pwede lumabas ka muna magbibigis lang ako." ngumuso siya at binuhat si neko chan sabay sara ng pinto.

My Blood Is Yours [YBIM BOOK II]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora