1 | Dr. Martin

1K 39 18
                                    

"Doc, doc! Patient Gutierrez in ICU is losing his breath. We need you ASAP, doc," tawag ng isa sa mga nurse sa kanyang telephone line.

"Papunta na 'ko," sagot niya at binaba ang telepono.

Agad agad niyang sinuot ang kanyang lab gown at mabilis na naglakad palabas ng kanyang clinic. He immediately rode the elevator and clicked the button of the 4th floor kung saan ang ICU. Seconds later, the elevator door opened and he stormed out of it. Dali-dali siyang naglakad patungo sa ICU at sa labas nito ay naabutan niya ang humahagulgol na pamilya ng kanyang pasyente.

"Doc," humahangos na sabi ng ina ng pasyente habang sinasalubong niya ang doktor. Hinawakan niya ito sa magkabilang bisig at tinignan ang doktor nang may pagmamakaawa. "Doc... nakikiusap ho ako. Iligtas niyo ho ang anak ko. Mahal na mahal ko ho ang anak ko at hindi ko po kakayaning mawala siya."

Nakaramdam ng kirot ang doktor. Binigyan niya ng isang simpleng ngiti ang ina.

"Naiintindihan ko ho kayo. Gagawin ko po ang makakaya ko basta't magdasal lang ho kayo," sabi niya. Binitawan na siya ng babae at dumiretso na agad siya sa loob ng ICU.

The nurses were everywhere at agad nilang tinulungan ang doktor. Ibinigay agad ng isa sa mga nurse ang defibrillator at agad naman itong pinagdikit ng doktor at nilagay sa dibdib ng lalaking pasyente.

"Clear!" sigaw ng lahat.

Ngunit, walang nangyari. He tried again.

"Clear!"

Wala pa rin.

"Clear!"

Rinig na rinig pa rin ng doktor ang umiiyak at humahagulgol na pamilya ng pasyente. He shrugged. Lord, 'wag 'tong pasyente na 'to. Please. He said to himself.

"Clear!"

Wala pa ring nangyayari.

"Clear!"

Jesus, please... sa huling pagkakataon.

"Clear!"

And they heard the 'teet teet' sound of the waveline machine. Nakahinga ng maluwag ang lahat. Maging ang mga nurse at lalo na ang doktor.

"Good job, Dr. Martin! You've saved another life," pagco-congratulate sa kanya ng isa sa mga nurses.

Nagpalakpakan rin naman ang ibang mga nurse. Dr. Martin smirked.

"It's not me. It's the machine," he said.

The nurses just chuckled. Pinapasok na ang pamilya ng pasyente at tuwang-tuwa sila na makita ang mga bumababa at tumataas na linya sa waveline machine katabi ng pasyente.

"Excuse me," Dr. Martin said as he was about to go out of the room but one of the patient's visitor stood up at humarang sa pinto habang ang iba ay nagkukumpulan sa kakagising lang na pasyente. "Ahh, may kailangan pa ho ba kayo?"

Ngumiti ang babaeng humarang. Isang ngiti na punung-puno ng saya.

"Napaka-swerte ho ng mundo at mayroong mga doktor na katulad niyo. Katulad niyong hindi lang ginagawang trabaho ang pagliligtas ng mga buhay kundi isinasapuso," sambit niya. Napangiti rin naman si Dr. Martin sa kanyang narinig.

"Oo, tama ka. Isinasapuso ko talaga ang pagiging doktor ko. Sana kasi... lahat nalang ng pasyente ko, maiililigtas ko. Ayokong may mawalan ng buhay," sagot naman niya.

"Malaki ho ang tiwala ng mga pasyente niyo sa inyo, Doc. Kasi ramdam ko pong nakabuti niyo," sabi ng babae. "Sige po. Salamat po ulit ha?"

Until Eternity | ViCoWhere stories live. Discover now