4 | F2: Best Friend

528 26 4
                                    


A/N: Guys, this is still the continuation of ViCo's friendship. So, flashback pa rin ito but in Coco's POV. Kapag may letter F tas number sa title, ibig sabihin "flashback" siya. Ex: 4 | F2: Blahblahblah.

COCO

2nd year highschool. Ang bilis nga naman ng panahon. Parang no'ng isang araw, kakagraduate ko pa lang ng elementary. Ngayon, 2nd year na 'ko. Ang dami talagang pwedeng magbago sa panahon. Ang bilis bilis pa kung dumaan. 'Di mo nalang mamamalayan...

"Florante, Floranteng mahal ko, ika'y mag-iingat. 'Wag na 'wag mong ipapahamak ang iyong sarili sapagkat hindi ko iyon kakayanin," nag-aalalang sambit ni Laura.

"Pangako, Laura. Ako'y babalik. Babalik ako para sa'yo," sagot naman ni Florante.

Dahan-dahang naghiwalay ang kanilang mga palad. Makikita mo sa mata nilang dalawa na tila ayaw nilang mawalay sa piling ng isa't isa. Totoong pagmamahal ang iyong mapagmamasdan kapag sila'y iyong tititiga---

"AND CUT!" sigaw ng direktor.

Nagpalakpakan naman ang lahat. Whooo.

Sa wakas, natapos na rin ang isang buong araw na puros practice lang ang ginawa para sa live play ng Florante at Laura. Nakakapagod pero... masaya rin naman.

"Ang galing mo talagang gumanap bilang Florante!" sabi ng isa kong kaklase. Ngumiti lang naman ako.

"Oo nga. Bagay na bagay kayo ni Vice este ni Laura!" dagdag pa ng isa.

"Panigurado, section natin ang mananalo sa play," sabi naman ng pangatlo.

"Salama---"

"EP EP EP!"

Pinutol ng magaling kong kaibigang si Paul ang dapat kong sasabihin.

"Hoy, Coco. Si Enrique 'yong kausap nila. Hindi ikaw," sabi ni Paul sa'kin. Napailing nalang ako at bagot siyang tinignan.

"Eh bakit? Sila rin ba 'yong kausap ko?" tanong ko naman sa kanya pabalik.

"Sino pa ba? Eh ngiting-ngiti ka ngang nakatingin sa kanila kahit nasa malayo ka. Balak mo pa ngang magpasalamat sa hangin kung hindi kita pinigilan eh," sagot naman niya.

Inis kong kinuha 'yong props na damo na ginamit nila sa practice kanina. Hay, oo na. Propsmen lang ako.

"Hoy, mali ka ng iniisip ah!" sabi ko. Isang kasinungalingan. "Hindi ko iniisip na ako 'yong Florante 'no. Kahit na ako naman talaga dapat..."

Sabi ko ngunit, binulong ko nalang 'yong huli kong pangungusap. Pinagpatuloy ko nalang ang pagliligpit ng props. Kinuha ko ang lahat ng mga damo at nagtungo sa backstage para doon ito itago.

"Ako pa bang lolokohin mo, Martin? Kilalang-kilala kita," sambit ni Paul na nilapag ang mga dala niyang tela sa bin kung saan nilalagay ang mga costumes na ginamit. "Narinig nga kita no'ng isang araw sa CR eh. Sabi mo pa nga, 'gagong Enrique. Porket naka-Florante lang eh, chumachansing na kay babes ko'."

Sabi niya at ginaya pa 'yong way ng pagsasalita ko.

"Chismoso ka rin talaga eh 'no?" sabi ko naman at nilagay sa isa pang bin 'yong mga props na damo.

"Seloso ka rin talaga eh 'no?" pabalik naman niyang pang-aasar sa'kin.

Leche. Hindi ako nagseselos!

"For all we know, seloso talaga 'yang si Coco," sabat naman ng isa ko pang kaibigan (?????????? Kaibigan ba talaga?) at katropa na si Toni.

Until Eternity | ViCoWhere stories live. Discover now