33 | Maling Akala

311 27 9
                                    

GENERAL



"After 2-3 days from the operation, she must be awake," sambit ni Dr. Falcon sa kanilang lahat nang mailipat na si Vice sa private room. "Don't worry dahil kapag nagising na siya, we just have to take some tests and check ups on her then, she's free to go."

Lahat ay nakahinga ng maluwag.

"Salamat sa Diyos," sambit ni Susan sabay nag-sign of the cross.

"Salamat talaga, Lord!!!"

"Sa wakas! Magigising na talaga si Tita!"

Dr. Falcon smiled a little, "If there's anything you need or kung may napansin man kayong gumalaw si Vice, just inform the nurses and they'll call us right away."

"Thank you so much, Dr. Ejay. You're an angel," nakangiting sambit ni Emma kay Ejay.

Ejay nodded and smiled back.

"Walang anuman. Salamat din."

Ejay excused himself and went out of Vice's room.

He walked himself through the hallway to go back to his clinic when someone called his name.

"Dr. Falcon."

Napalingon naman siya sa kanyang likuran. Natigil siya sa paglalakad at hinintay nalang niyang makalapit sa kanya ang huli.

"May kailangan po kayo, Ms. Tina?" tanong ni Ejay nang makalapit sa kanya ang huli.

"Bakit hindi si Dr. Martin ang nagsagawa ng operasyon?" diretsong tanong nito.

With that question, Ejay gulped and breathed before answering her.

"Dr. Martin has some things to accom---"

"Dalhin mo 'ko kay Coco," pagpuputol ni Tina kay Ejay. "Gusto ko siyang makita."

"I'm sorry, Ms. Tina pero mukhang wala sa ospital ngayon si Dr. Martin."

"Wala ba talaga?" tanong ni Tina. "O nawala na talaga?"

Ipinagpatuloy ni Ejay ang pagpapatay-malisya.

"Ms. Tina, hindi ko po alam kung nasaan ngayon si Dr. Martin. I believe he's in his home right now," sagot ni Ejay.

"Bakit ba kailangan mo pang magsinungaling?" tanong ni Tina in a higher tone. "Malalaman at malalaman din naman naming lahat ang ginawa niya."

"Hindi ko po alam kung anong pinagsasabi niyo, Ms. Tina," sagot naman ni Ejay.

"Nasa'n ang katawan ni Coco?" tanong ni Tina. "Ipakita mo sa'kin ang katawan niya."

"Ms. Tina, ano po bang pinagsasabi niyo?"

"Dr. Falcon, with all due respect, I have the right to know where the donor's body is placed!" 

Tuluyan nang nataasan ng boses ni Tina si Ejay. Ejay was stopped at bahagyang napaiwas ng tingin.

"S-si Kuya?"

Awtomatikong napalingon si Tina nang marinig ang boses na iyon sa kanyang likuran. Maging si Ejay ay nadako ang tingin sa huli.

"N-Nadine..."

Isang mangiyak-ngiyak na Nadine ang bumungad sa kanila. Her eyes were starting to water. Nararamdaman niya ang pagsikip ng kanyang dibdib. Nagsimula nang tumulo ang mga luha sa kanyang mata at ramdam niyang bumibigat ang kanyang lalamunan. Her breathing started to get rapid and everything in her world was starting to fall apart.

Until Eternity | ViCoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon