7 | Paul

460 29 13
                                    

COCO



"Welcome to Ponytale Inc., Philippines."


Lahat kami'y nakatingala sa napakataas na building na nasa harapan namin ngayon. Hindi ko naman first time na makita ito pero... iba pala talaga kapag nasa harapan ka na mismo. Dati rati kasi sa loob ko lang ng kotse ito nakikita pero ngayon, wow. Ang laki pala talaga.

Sino kaya 'yong may-ari nito?

Napatingin ako kay Toni. Nakangiti siya sa aming lahat. Naalala ko na naman... ang sabi niya, may-ari ng Ponytale ang best friend niya. Posible kayang...? Hay, 'wag umasa, Deng. Masasaktan ka lang.



"Wow..."

"Ang laki pala talaga nito oh."

"Ang ganda lalo sa malapitan!"

"I just want to meet the owner of this right now and praise her for such a good work!"


Tahimik lang naman ako pero 'di ko maiaalis sa sarili ko na talagang nakakamangha naman talaga. Maganda ang itsura ng buong building. Kung tutuusin, para siyang isang malaking mall.



"Ma'am Toni, allow me to accompany all of you inside?" tanong ng isang lalaking naka-pormal na suot. Hula ko, isa siya sa mga empleyadong respetado dito.

"Sure," sagot naman ni Toni.



Humarap naman sa amin si Toni at sinenyasan kami na sumunod sa kanila.

Tuluyan na kaming pumasok sa loob at mas lalo kaming namangha. Napakasosyal ng loob ng building. Mas maganda pa ang makikita mo sa loob kung ikukumpara mo sa makikita mo sa labas.

Syempre, hindi nawala ang kaliwa't kanang bati ng mga tao sa amin. Lalo na kay Toni. 'Di ko maitatanggi na ibang-iba na nga si Toni kung ikukumpara sa Toni na naging kaibigan ko noon. Iba na eh. 'Di mo aakalaing ganyan pala magiging future niya.



"Walanjo," pabulong na sabi ni Vhong na nasa tabi ko. "Ang ganda naman pala ng lugar na 'to!"

"Mala-hotel ang design, brad!" dagdag pa ni Billy.

"This place is so classy! I love it!" rinig kong pagpuri ni Anne.



Napalingon ako sa kanya at nakita kong nagpipicture-picture siya sa lugar at minsan ay nagseselfie pa.



"Uhm, guys... just follow me. We'll be heading to the office of the COO and we'll meet the other employees that will be with us during the medical mission. Aryt?" tanong ni Toni.



Lahat naman kami'y tumango nang may ngiti sa mukha. Well, ako lang pala 'yong walang ngiti sa mukha.

Bakit?

Hindi ko alam kung kakayanin ko bang makaharap muli ang best friend kong lalaki. Si Paul. Pagkatapos ng nangyari noon, hindi ko alam kung paano ko siya haharapin dahil alam kong malaki ang galit niya sa akin.

Diretso lang kami sa paglalakad. Palinga-linga lang din ako sa paligid. Hindi ko maintindihan pero umaapaw talaga 'yong kabang nararamdaman ko. Una, dahil pakiramdam ko, malapit na kaming magkita ulit ni Paul. At pangalawa, binabagabag pa rin ako... kung sino ang may-ari ng Ponytale. Sa sinabi ni Toni kanina na best friend niya ang may-ari nito, hindi ko maitatangging si Vice ang unang pumasok sa isip ko. Pero nagdadalawang isip rin ako dahil hindi naman Fashion Designing ang kinuhang kurso ni Vice noon. HRM kinuha niya dahil hilig niya talaga ang pagluluto.

Hindi naman siguro siya nag-switch ng career diba? Pero... posible rin naman dahil mag-bestfriends sila ni Toni eh. Baka naimpluwensiyahan niya.

Until Eternity | ViCoWhere stories live. Discover now