2 | Masaya?

603 36 9
                                    

"Anong meron?" tanong ni Coco kay Karylle nang siya'y makapasok sa conference room.

Nagpatawag ng isang emergency meeting sa mga doctors ang head office ng ospital. Naunang dumating si Karylle since her office is nearer at sunod namang dumating si Coco. Currently, sila pa lang dalawa ang nasa loob ng room.

Karylle shrugged.

"I don't know," sagot naman niya.

Naglakad na lang si Coco patungo sa tabi ng upuan ni Karylle sa left side ng table. He sat on the swivel chair at nag-lean sa table. He placed both of his elbows on the table at nagpangalumbaba.

Maya-maya ay dumating na rin ang ibang mga colleagues nina Coco at Karylle. And of course, dumating na rin ang matatalik na kaibigan nina Coco at Karylle na sina Anne, Vhong at Billy. Tumabi si Anne kay Karylle habang si Vhong ay tumabi kay Coco at sa tabi naman ni Vhong ay si Billy.

"Balita ko, may bago raw project ang agency natin," sabi ni Vhong nang siya'y makaupo.

Nagkanya-kanya namang usap ang mga girls mula sa mga boys.

"Kaya ba tayo pinatawag?" tanong ni Billy.

"Oo, parang gano'n," sagot naman ni Vhong.

"Anong project?" tanong ni Coco.

Vhong and Billy just shrugged. Sakto naman ay dumating na ang CEO at may-ari ng hospital na ito na si Mr. Pascual. Everyone composed theirselves at umayos ng upo to show respect to the CEO.

"Good morning, doctors," pagbati niya sabay inayos ang kanyang coat.

"Good morning, Sir," pormal na pagbati ng lahat.

Mr. Pascual remained standing and looked at all the doctors. Then, he spoke.

"I have called all of you for an urgent meeting because wala na akong ibang panahon para kausapin kayong lahat tungkol sa project na ito since I will be leaving for New York tomorrow evening," he started. "Don't worry. Nandiyan naman si Mr. Avelino to take over my position for a while."

Napatingin naman ang lahat kay Mr. Avelino, the Vice President of the hospital.

"Back to what I was saying," panimula niya. "Mayroon tayong panibagong proyekto. This will be done starting next week. We are going to conduct a help drive with the coordination of the famous clothing line, Ponytale Inc."

"Clothing line?" tanong ni Dr. Manzano.

"Yes, the Ponytale Clothing Line. Siguro ay nagtataka kayo kung bakit tayo makikipagtulungan sa isang clothing line," Mr. Pascual said and everyone nodded. "It is because the Ponytale Inc. is conducting a help drive to all the public schools in Metro Manila and Quezon City. And of course, kailangan ng mga doctors na tutulong para sa check ups. They're conducting this dahil kararating lang ng may-ari at CEO ng Ponytale from the States. Matagal kasi siyang namalagi roon and now, she's planning to share her blessings to the less fortunate Filipinos."

"Ah, Sir? Kami po bang lahat ang sasali diyan?" tanong ni Billy.

"Uh, no. Not all, of course," sabi ni Mr. Pascual. "Not all for the help drive dahil 'yong iba sa inyo ay aattend ng seminars. Those who will be given the sheet of papers will be the one attending the series of seminars. Nandiyan sa mga papel na iyan ang schedule, itinerary at mga makakasama niyong doctors also from different hospitals."

Most of them was given the letters. Maliban nalang kina Coco, Vhong at Anne.

"Omg, K! Why are you given that letter?!" pabulong na pagmaktol ni Anne dahil alam niyang magkakahiwalay sila ng kanyang kaibigan. Karylle chuckled.

Until Eternity | ViCoWhere stories live. Discover now