8 | The Truth

562 32 5
                                    

COCO

"K-kapatid? Magkapatid kami?"

Dahan-dahang napatango ang aking ina habang patuloy na tumutulo ang luha niya. Dahan-dahan rin akong napalingon sa lalaking katabi ko.

Ang best friend ko... 'yong lalaking nakasama ko bilang tropa at kaibigan ng halos buong buhay ko... 'yong kasangga ko sa lahat ng bagay... ay siya rin palang kapatid ko?

"Siya ang nakababatang kapatid mo, Deng," mariing sabi ni Papa pero hindi ko siya nilingon. Nakatingin lang ako sa kapatid ko. "Siya si Sebastian Carlo Martin. Siya ang kapatid mong nawawala. Anak ko siya sa ibang babae. Kapatid niyo siya ni Nadine."

Nagkatinginan kami. Nakita kong napaluha siya. Naramdaman kong nanginig ang panga ko. Ang lakas lakas ng tibok ng puso ko. Para bang konti nalang, lalabas na siya sa kinalalagyan niya.

"K-kuya..." halos pabulong niyang sabi.

Wala nang paliguy-ligoy pa. Agad ko siyang niyakap at doon na ako naiyak. Naramdaman kong niyakap niya rin ako pabalik.

Salamat sa Diyos at nakilala ko na rin ang nawawala kong kapatid.

"Ano ba, Paul! 'Wag mo nga 'kong tinatawag na Kuya! Langya, nakakadiri!" sabi ko sa kanya. "Isang taon lang naman tanda ko sa'yo."

Tinawanan lang naman niya ako. Kasalukuyan kaming nasa loob ng play room at naglalaro ng NBA sa Xbox.

Tatlong taon na rin ang nakalipas mula no'ng nalaman kong kapatid ko pala ang walangyang 'to. At ang saya saya ko dahil sa lahat lahat, siya pa talaga. Siya pang kasundo at kakampi ko sa lahat.

"Eh gusto ko lang namang may matawag-tawag na Kuya," sagot naman niya. Tumahimik lang ako at pinagpatuloy ang paglalaro.

Ang sarap pa rin pala sa pakiramdam. Kahit tatlong taon na ang nakalipas... masarap pa rin na malamang buhay pa pala ang kapatid kong lalaki.



Napapikit nalang ako sa mga naalala ko. Oo, kapatid ko nga si Paul. Siya ang nawawala kong kapatid. Nawala siya noong ipinanganak siya ni Mama sa hospital. Isang taong gulang pa lang ako noong ipinanganak siya. Sa tinagal-tagal ng panahon, no'ng oras lang 'yon, tuluyang nakilala si Paul bilang si Sebastian Carlo Martin.

Hindi siya nagpalit ng pangalan dahil iyon na ang nakalagay sa birth certificate niya ng mga magulang niyang kumupkop sa kanya. Paul Soriano pa rin ang gamit niya pero dinagdagan nalang niya ng Martin.

Simula noon ay mas naging malapit kami ni Paul sa isa't isa. Araw-araw kaming magkasama dahil sa bahay na siya tumira matapos naming malaman ang totoo ngunit binibisita pa rin naman siya palagi ng kanyang mga tumayong magulang.

"Kamusta ka na?" lakas loob kong tanong sa kanya.

Nasa loob kami ng kanyang opisina. Kami lang dalawa. Nakatalikod siya sa'kin at nakaharap sa overall view ng Makati. Glass wall kasi ang bumubuo sa isa sa mga pader ng kanyang opisina kaya kitang-kita ang buong city mula dito.

"Ayos lang. Kita mo naman, maayos pa rin naman buhay ko kahit itinakwil niyo 'ko," sabi niya nang nakatalikod pa rin.

Napalunok ako.

Naglakad ako papalapit sa kanya ngunit hindi rin naman ganoon kalapit. Mga isang metro malayo sa kinatatayuan niya.

"Hindi ka namin itinakwil ni Mama, Paul," sabi ko. Hindi siya nagsalita kaya nagpatuloy ako sa sasabihin ko. "Pagkatapos mong mawala sa'min ng ilang taon, hindi namin kakayaning itakwil ka pa," tumahimik lang siya at inilagay sa magkabilang bulsa ng kanyang pantalon ang kanyang mga kamay. "Maniwala ka sa'kin, Paul. Nasabi ko lang ang mga salitang iyon sa'yo dahil ayokong mapahama---"

Until Eternity | ViCoDonde viven las historias. Descúbrelo ahora