10 | Ngiti

787 30 7
                                    

GENERAL


1 pm.


Inihanda na nilang lahat ang kanilang mga sarili. Ang mga doktor ay kapwa nag-ayos para sa pakikipagkita nila sa CEO. They were instructed to wear comfortable and casual clothes para maging komportable lang sila mamaya sa trip nila together with the CEO.

Kasalukuyang nakatingin si Coco sa kanyang repleksyon sa salamin. His hair was cleanly done. He wore a blue knitted long sleeve shirt partnered with his orange pants. Nakasuot lang rin naman siya ng navy blue topsider.

Habang nakatingin sa kanyang sarili ay nanlalamig ang kanyang mga kamay

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Habang nakatingin sa kanyang sarili ay nanlalamig ang kanyang mga kamay. Ramdam na ramdam niya ang kaba at hindi maipaliwanag na nginig sa kanyang buong sistema.

Nang makita niya si Vice kanina ay hindi na niya alam kung ano ang kanyang gagawin. Lalo na sa pinakita nitong reaksyon na tila walang halong galit o sama ng loob sa kanya. Hindi niya rin maintindihan kung bakit gano'n na lamang ang pagtatrato sa kanya ni Vice sa kabila ng pananakit nito sa kanya noon.


"Kuys, tama na 'yan. Gwapo ka na," sabi ni Vhong sa kanya.

Nilingon ni Coco ang kaibigan at nakita niyang nasa may pintuan na sila Billy at Vhong at handa nang lisanin ang kwarto. Huminga naman ng malalim si Coco at muling tinignan ang sarili para sa huling pagkakataon sa salamin.

Pagkatapos ay agad naman niyang kinuha ang kanyang sling bag at isinukbit na ito sa kanyang katawan. Sumunod naman na siya kina Vhong at Billy palabas.


Sakto naman ay kakalabas lang din nina Anne, Jugs, Teddy at Ejay mula sa kani-kanilang mga kwarto. Nagkatinginan naman sina Coco at Anne. Anne smiled at her friend. Lumapit siya rito and gave him a tap. Coco managed to smile a bit.

"Tara na, guys!" masayang pagyayaya ni Jugs.

"Excited na 'kong makilala 'yong CEO! Porsyur, chix din 'yon parang si Toni!" ngingisi-ngising sabi ni Teddy nang sila'y magsimula nang maglakad.

"Oo nga! Tsaka, curious na rin ako sa kanya kasi diba? Private person daw 'yon," sabi naman ni Billy.

"Pero hayaan na! Swerte natin at makikilala na natin siya," excited na sabi naman ni Vhong.

Nasa likod naman at nakasunod lang sina Coco at Anne sa mga kaibigan. Dahil si Coco ang kasama ni Anne kanina ay nasabi niya ang lahat-lahat maging hanggang sa muli nilang pagkikita ni Vice sa may CR.

"You'll be fine. Just relax," sabi ni Anne. "Nakita mo naman 'yong reaksyon niya kanina no'ng nagkita kayo ulit diba? She's not mad at you or something kaya 'wag ka nang kabahan."

"Eh lalo nga akong kinabahan dahil sa inasta niya eh. Mas ineexpect ko 'yong magagalit siya sa'kin," sagot naman ni Coco. Anne tapped his shoulder.

Until Eternity | ViCoWhere stories live. Discover now