Chapter 6- Reyna ng sablay

91 4 0
                                    

Derich's POV 

"Sakay na." sabi ko sakanya.

Sinabi kasi sakin na umalis na daw si Jam, at mag isa lang siya, ni hindi man lang nagpaalam. Alam ko kasi nagco-commute lang siya, nakasabay ko nga siya sa bus kanina di ba. Parang automatic naman nagsalita ung bibig ko at kumilos ung katawan ko, kaya nung malaman ko na ganun nga ung nangyari, hiniram ko ung kotse ni Jeric. Marunong ako mag drive kahit wala akong sariling kotse, hindi naman kasi kami kasing yaman ni Jeric. May kotse din kami pero sa daddy ko kasi yun at hindi niya un pinapagamit sa akin unless may emergency. 

"Huy sakay ka na." Hindi pa rin siya tumitingin, tapos bigla siyang tumakbo. Bumaba ako sa sa kotse at hinabol siya. 

Naabot ko ung braso niya. "Kuya maawa na po kayo sa akin, eto, eto na lang po ung kunin niyo, wag niyo lang po ako sasaktan." inaabot nya ung bag niya, ang engot naman netong babae na to haha natatawa ako sa ginagawa niya..

"Bakit naman kita sasaktan?" hindi ko mapigilan tumawa. Hindi pa rin siya humaharap sa akin nakayuko lang siya tapos paulit ulit ung sinasabi niya. 

"Wag niyo po ako saktan manong parang awa niyo na." Grabe hindi ko talaga mapigilan tumawa, hinawakan ko ung pisngi niya at hinarap sa akin. 

"Anu ka ba si Derich to." tapos napatingin siya sa akin "Grabe kung nakita mo lang itsura mo kanina malama-" natatawa kong sabi, napatigil ako nung bigla niya akong niyakap. 

"K-kala k-ko talag-ga..." humihikbi siya, teka lang, umiiyak siya? This girl is pain in the ass. Pero ganun pa man napayakap na din ako sakanya. 

"Sshh ikaw naman kasi, malamang kung anu anu pinapanood mo kaya napa-paranoid ka." hinimas ko ung likod niya para kumalma siya. 

"So-sorry hindi dapat kita niyakap." bigla niyang tinanggal ung pagkakayakap niya sa akin. Pinunasan niya yung luha niya ng mga kamay niya. 

"O!" alok ko sakanya.

 "Anu yan?" ayy tanga lang?

"Panyo anu pa ba? Mukha bang bedsheet?" take note of the sarcasm.

"T-Thank you."

"Halika na ihahatid na kita." pinagbuksan ko siya ng pinto bago ako sumakay sa kotse.

Jam's POV 

Puro kapalpakan na naman yung nagawa ko kanina, haay nakakahiya talaga kung anu anu ung sinabi ko sakanya, napaparanoid na nga siguro ako. Nakakapag taka lang kapag lumalapit siya o malapit siya sa akin puro kapalpakan nagagawa ko, reyna ata ako ng sablay kapag kaharap ko siya. 

Tahimik lang ung naging byahe namin hanggang sa nagsalita siya. 

"Bakit ba kasi umuwi ka agad? Dapat nagpalipas ka na lang ng gabi kina Leika e." 

"May gagawin kasi ako bukas." 

"Aa oo nga pala may trabaho ka, anu bang pangalan ng bar na kinakantahan mo?" 

"So Whut Superclub" 

"Aa" tapos tumahimik na uli. 

Nabingi siguro siya sa sobrang tahimik kaya binuksan niya yung radyo, nasakto naman na ung song ay favorite ko pa. Napasabay tuloy ako sa kanta. 

...When love is all that I need, And I found it there in your arms, it isn't too hard to see. We're in heaven....

"Ang ganda talaga ng boses mo" napahinto ako nung nagsalita siya, ewan ko ba sa lahat ng nag compliment sa boses ko sakanya lang ako biglang na conscious at nahiya. Nag init ung mukha ko. 

"A-a salamat."

Tumingin siya sa akin at ngumiti. 

Mahaba pa ung byahe at hindi ko namalayan nakatulog pala ako. 

--

"Uyy, nandito na tayo kaso hindi ko alam kung san mismo dito." nagising ako nung nakaramdam ako ng yugyug.

"U-uh ano sorry nakatulog ako, kaliwa ka nalang sa kanto tapos ung may red na gate dun na." pag mulat ko ang lapit ng mukha niya sa mukha ko, hindi tuloy ako komportable. Umiwas din naman siya agad at bumalik sa pagmamaneho.

"Dito na lang. Salamat ha at hinatid mo pa ako." bababa na sana ako pero pinigilan niya ako.

"Sandali"

"Bakit?" anu kayang problema nito at ayaw niya pa ako pababain. 

Maya maya papalapit ng papalapit ung muka niya sa akin, bumibilis ung tibok ng puso ko, anu bang ginagawa niya. Para akong nabato. Napapikit na lang ako at nag salita "A-anu bang g-ginagawa m-mo?" 

Naramdaman ko nalang na parang lumuwag ang pakiramdam ko..  

"Tinanggal ko lang ung seatbelt mo, para ka kasing sira, bababa ng may seatbelt. Nananaginip ka pa ata."  Ah. Ok. Sabi ko nga. Sorry kakagising lang eh! 

"Ikaw a kung anu anu iniisip mo." with pang-asar tone.

Ngumiti nalang ako ng pilit ignoring his pang-aasar.

"Thank you ha, kahit pagod ka na hinatid mo pa din ako." bababa na sana ako kaso pinigilan niya ako uli. 

"Hindi ako tumatanggap ng thank you e." napalunok naman ako nung unti-unti na namang lumalapit yung mukha niya sa akin "may kapalit yan." 

"A-anu naman ung kapalit?" nagwawala na naman ung dibdib ko at hindi ko na naman alam ang gagawin, anu ba! Badtrip!

Bigla naman tumunog ung phone niya, woo buti naman

"Hello?... Oo nahatid ko na siya ... oo pre salamat .. sige ... bye" tumingin siya sa akin "Si Jeric, kinukumusta ka lang."

Ngumiti lang ako sakanya. "Late na, pumasok ka na sa loob." sabi niya 

Bumaba na ako ng kotse "Salamat ulit." 

"Hindi nga ako sabi tumatanggap niyan, you owe me bigtime Jam." hala anu kaya ung kapalit na yun,. Hindi ko nalang pinansin ung sinabi niya at ngumiti nalang. Kumaway ako noong nagsimula nang umandar ung kotse at pumasok na sa loob ng apartment ko. 

Nagpalit ako ng pang tulog at nahiga sa kama, bigla ko naalala ung panyo na binigay ni Derich sa akin. Tumayo ako ng kama at kinuha iyon sa bulsa ng damit ko kanina at humiga uli. "Derich Martin Satillan, anu kaya ung kapalit na hihingin mo?." kinakausap ko ung panyo niya, ang weird ko noh! Maya maya bumibigat na ung mga mata ko, hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.

The OneHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin