Chapter 13- Tamis

83 4 0
                                    

Derich's POV

Hinalikan ko si Jam, hindi ko rin alam kung bakit ko ba nagawa un. Dala na rin siguro ng pressure ng mga tao. (palusot.com)

"Tara na babe." oo tinawag ko siyang babe para mukhang totoo.

Tulala lang siya at parang walang naririnig. Hinawakan ko ang kamay niya at lumapit kami kay Lester, masama ang aura niya dahil na rin sa ginawa ko may usapan pa naman kami, patay!

"Dude paheram muna si Jam ha." hindi siya nag salita pati rin si Jam parang wala sa sarili niya. Anu ba tong nagawa ko!

Tumalikod na kami at hawak ko pa rin ang kamay ni Jam kaya wala siyang magawa kundi sumunod sakin.

"Just don't let her cry or else." huminto ako nung nagsalita siya, kahit hindi niya tinapos ung sinasabi niya alam ko na ung pinupunto niya.

Ngumiti lang ako habang palabas na kami ng main building. Ang daming bulong bulungan ng mga babae, parang mga bubuyog ang sakit sa tenga!

"Mamaya lang break na sila." sabi nung isang babae na napakaikli ng suot

"Oo nga hindi yan magtatagal kay Derich." grabe napaka chismosa talaga ng mga babae sa school na to. Kala mo mga squatter kahit mga anak mayaman naman sila.

"Yea girls look at her nga o so plain." narinig ko namang sabi ng isang babae na kulot kulot ung buhok at napaka kapal ng make up, mas makapal pa kay Cindy ba un?

"Eewwww" sabay sabay pa sila. Napikon na ako kaya lumapit ako sa mga babae na un.

"Alam niyo girls you all look pretty and hot...." nag ngitian sila at todo pa cute

"...nung hindi pa uso ang tao." ngumiti ako ng mapangasar na dating, tumawa naman ang iba pang nakarinig kaya halos umusok ang ilong nila sa galit.

Pinagpatuloy ako na ang paglalakad palabas habang hila hila pa rin si Jam, anu ba naman tong kasama ko pasakit! Pasalamat siya at may utang na loob ako sakanya.

"DAMN YOU SANTILLAN!" narinig kong sumigaw ung mga chismosa, hindi ko nalang pinansin at nagpatuloy nalang kami mag lakad.

"Sakay!" utos ko sakanya.

Nakayuko lang siya. Sinuotan ko siya ng helmet.

"Uh anu, b-bakit mo ginawa un?" nagsalita din siya sa wakas!

"Ang alin? Wala naman akong ginawa ha." nakakaloko kong sagot. Humarap na siya sa akin at bakas sa mukha niya ang inis.

"So ganun lang un? Pagtapos mo ko ipakilala na girlfriend mo ko sa harap ng mga babae na yun na hindi naman totoo, at hinalikan ng dalawang beses sasabhin mo na wala kang ginawa?!" binato niya ung helmet sakin. "Mag kaibigan pala tayo ha, ganyan pala ginagawa mo sa mga kaibigan mo, tsk! ibang klase ka." hindi ako makapag salita, alam ko naman kasi na mali ako.

Lumakad na siya palayo, pero sinundan ko siya gusto ko sana mag sorry sakanya, anu ba yan.

Hinawakan ko ung braso niya, humarap siya sa akin at

*SLAP*

Dumapo ng malakas ung mga palad niya sa pisngi ko. Ngayon lang ako nakatikim ng sampal ng babae, masakit pala.

"Kanina ko pa gustong gawin yan!" umiiyak siya, pero umiiyak siya dahil sa galit. Patay ako nito kay Lester.

Nag lakad uli siya ng dirediretso, hindi ko nalang siya hinabol kasi napaka sama ng loob niya. Hindi niya rin ako kakausapin ng maayos, hihintayin ko na lang na lumamig ung ulo niya bago ko siya kausapin.

Jam's POV

Umuwi na ako matapos ang buong eksena sa EU.

"Wala naman akong ginawa ha." paulit ulit sa utak ko ang mga salitang yan. Nakakainis talaga ang lalake na yun!

Hindi naman ako nainis dahil hinalikan niya ako eh, ung nakakainis dun nung tinanggi niya na ginawa niya yun! Napakawalang hiya talaga ng Derich na yan! Akala ko pa naman may tinatago siyang bait sa katawan niya kahit ganun siya sa mga babae, nagkamali ako! Dahil sa ginawa niya napakasama na ng tingin ko sakanya.

Buong araw kong ginawang busy ang sarili ko para hindi ko na maisip ang mga nangyari kanina. Nilinis ko na lang ang apartment ko at naglaba ng mga damit hanggang mag gabi, hindi na ako kumain wala kasi akong gana dahil parin dun sa nangyari kaya diretso na ako sa kwarto pagtapos ko gawin lahat ng ginawa ko at natulog.

Nagising ako sa doorbell, itinali ko ang buhok ko at lumabas para tignan kung sino yun.

"Eto po ba yung bahay ni miss Jamella Kaye?" tanong nung lalaki na hindi katangkaran at medyo malusog.

"Uhm opo ako po yun, bakit po?" anu kayang kailangan ng tao na to sakin.

May kinuha siya sa box ng isang nakaparadang motor sa tapat ng apartment ko.

"Paki sign na lang po maam." tinuro niya yung sa may nakasulat na Receiver.

Pinirmahan ko at kinuha ko ung inabot niya sa akin, may kalakihan ito, mukhang naka box kasi nakabalot pa siya ng mgandang papel.

"Salamat kuya, kanino nga po pala to galing?" nakakapag taka naman kasi.

"Sorry maam pero hindi niya po pinapasabi kung sino siya, pasensya na po mauuna na ako." at sumakay na siya sa motor niya at pinaandar ito.

Pumasok na ako sa loob ng apartment ko at inilapag ang malaking bagay na iyon sa table. Anu kayang laman nito? baka naman bomba, oo nga! hindi pa naman sinabi kung kanino galing, baka may nagpapa patay na sakin.

Haay na ko kung anu anu na naman ang iniisip ko, wala aman sigurong magpapadala ng bomba sa akin noh, konti nga lang ang kakilala ko dito at nakakaalam ng address ko e, kaya napag desisyonan ko na buksan ang laman nun.

Pag tanggal ko ng magandang papel na nakabalot, isang box nga. Binuksan ko ito at tumapat sa mga mata ko ang isang bouquet ng napakagandang tulips, pulang pula ito at umaalingasaw ang amoy. Nakita ko na may maliit na card kaya binasa ko.

("Hindi ko na pinasabi kung kanino

galing, kasi baka hindi mo tanggapin.

Pero sana sa pamamagitan nito,

makita mo na sincere ako.

I'm so sorry Jamella."

-DM)

Hindi ko maintindihan pero imbis na mainis ako at itapon ko ung mga bulaklak, natuwa pa ako at napangiti.

"Sweet ka pala." un nalang ang nasabi ng isip ko.

The OneWhere stories live. Discover now