Chapter 22- Bitch sense

56 3 0
                                    

Later that same night pumunta ang barkada sa apartment ko, alam niyo na party party! Dumaan muna kami sa malapit na 7/11 para bumili ng Red Horse at mga chichiryang pang pultutan.

Grabe si James kung makadampot ng beer parang wala nang bukas, anu to bulugan mode? At si Austin naman nagpapa-cute sa kakapasok lang na chix sa store. Si Lester? ayun hindi mo mahagilap, that reminds me, ilang linggo na siyang hindi nagpaparamdam. Anu kayang nangyari dun? hmm

"Anu yan pre? Magsi-swimming ba tayo sa Red Horse?" si Jeric. Siya kasi ang magbabayad, syempre siya ang high maintenance eh.

"Syempre baka mabitin tayo, maige na sigurado!" pagkukumbinsi ni James sakanya, umiling nalang si Jeric pero binayaran din naman niya ang lahat ng dinampot ni James.

Kami ni Leika? Eto tamang inum lang ng Slurpee habang hinihintay silang matapos sa pagbayad.

Teka nga, asan si boyps ko? hahaha wow kina-career ko talaga ang pagiging girlfriend ko. Feel na feel- Oh well!

Hanggang sa natapos na magbayad sila Jeric wala padin ang anino ni Derich.

"Uy Jam anu na ba nangyari kay bebe mo?" syempre ang mapang asar na si James ang nagsabi niyan.

"Aa e-..." I'm about to say something nang dumating na ang demonyo.. este si Derich pala. Peace :)

--

"O bakit may frozen french fries dito?" si Leika, nakarating na kami sa apartment ko at hinahanda ang mga pulutan, halos lahat chichirya- pringles, microwave popcorn, nachos, sama mo narin ung nilagang mani at balut na nadaanan namin sa kanto kahit hindi chichirya. O diba, patay gutom lang ang peg? At eto pa nga, 1kg na frozen fries.

"Ah Jam pwede makiluto?" pakiusap ni James na parang nagpapa-cute pa. Tumango lang ako at agad niyang niluto ung fries.

"Teka may kukunin lang ako sa kotse." paalam ni Jeric bago lumabas sumunod naman si Austin sakanya kahit hindi siya nito niyaya.

l make myself useful, nilagay ko sa ref yung ibang beer na mamaya pa bubuksan.

"Uy bes." nakatayo siya sa gilid ng ref.

"O?"

"Ikaw ha hindi ka nagku-kwento, malalaman ko nalang kayo na pala." nagtatampong sabi nito.

"E kasi naman po, busy ka kay Jeric. And eto na nga o, mamaya magku-kwento ako." paliwanag ko sakanya, mukhang mahaba habang chikahan na naman to.

Ilang saglit pa dumating na ung dalawa dala dala ang isang paper bag na may laman na red plastic cups and... ping pong balls?

"Para saan yan?" nagtatakang tanong ko.

"Ay oo nga pala 17 ka palang, baby ka pa, hindi mo pa alam ang mga ganyang bagay." sabat ni James, agad naman siyang tinignan ni Derich ng masama kaya natahimik ito.

"I guess we're going to play beer pong, babe." by him calling me that makes me shiver, kami na nga pala. I felt heat burning my face and that strikes me, gabi na, anung heat heat ang sinasabi ko? sheez!

Lumapit siya sa akin until an inch away, gosh! parang may nagco-construction sa may heart ko, alam mo yun? Yung feeling na jina-jackhammer sa sobrang lakas ng kabog. Then he whispered to my ear "Babe you're blushing." and for the second time, I felt that electricity flows through my veins again.

"Hoy kayong dalawang lovebirds dyan, lumapit na kayo dito." si Austin.

He hold my hand before heading at the living room, doon kasi nila sinet-up ung beer pong thingy na yun. Good thing at meron akong foldable table at dun nila sinet-up, and sa coffee table naman yung mga pulutan.

The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon