Chapter 12- Enrollment

85 3 0
                                    

Jam's POV

Monday na ngayon, enrollment na. Wala naman masyadong nangyari noong mga nakaraang araw, usual things lang. Nagising ako ng maaga dahil mahirap mag enroll kapag tinanghali ka na, mahaba ang pila at medyo mabagal ang pag process, eh ganun talaga sa state university hindi naman kasi kasing high-tech ang mga gamit tulad sa mga private colleges.

9:27am na ako nakarating ng school kaya uso na ang pila, kainis. Una kong pinuntahan ung college office namin para kumuha ng mga subjects na ieenroll ko, kinuha ko na lahat para sa sem na to sayang kasi ang panahon, kaya ayun full load ang schedule ko. Nang matapos na ako sa pag kuha ng mga subjects, pumunta naman ako sa accounting office para malaman ko kung magkano ang aabutin ng tuition ko, mura lang ang tuition fee dito mga 10, 000 or less lang kapag full load.

Pagdating ko sa accounting may pila na, hay eto ung iniiwasan ko eh. Habang nasa pila ako tumunog ung phone ko, agad ko namang sinagot.

"Hey Ella, you free today?" si Lester, anu kayang problema niya?

"Medyo busy ako eh."

"Where you at? And why are you busy?" kulit talaga nito, samantalang ang tingin ko pa naman sakanya dati mysterious at silent type siya noong hindi ko pa alam na siya pala un.

"Nasa school po ako at nageenroll tatay." sarcastic kong sagot.

"Whatever. Anung oras ba tapos mo dyan?" ayaw patalo.

"I dunno, it depends. Nauuso na ang pila kasi tanghali na."

Umusog na ang pila, grabe 10years pa ata ako dito, limang tao pa bago ako.

"Meet me after lunch, if possible sharp 1pm." aba! demanding ang kuya mo. Psh

"I can't promise you that, basta update nalang kita if ever na matapos ako agad." pa safe kong sagot hahaha kala niya ha.

"Ok, ang hina ko na sayo eh." hala tinotoyo na siya, kainis naman.

Umusog uli ang pila mga 3 na tao na lang bago ako.

"Saan ba kasi? Psh" gameover na ako, hindi ko kinaya si konsensya.

"Yes! I'll text you where, and gonna send you mms of a map from your apartment to our meeting place. Baka kasi umiral ung ka engotan mo at maligaw ka." nangaasar pa talaga siya.

"K."

"See you later Ella. Take care." napakasaya ng tono ng boses niya, panalo siya ngayon pasalamat siya.

Saktong pagbaba ko ng call ako na ung kasunod. Binigay ko ung papel na may listahan ng subjects ko, may inabot sa akin na papel at pag tingin ko 8, 967 ang tuition ko. Sumunod kong pinuntahan ay ung cashier para magbayad, mahaba ang pila pero mabilis naman kaya mga 10minutes lang siguro natapos na akong magbayad.

Hindi naman kalakihan ang school ko pero napapagod na akong maglakad, isipin mo ang lalayo ng mga pupuntahan ko, para kong nilibot ang buong school.Tinignan ko ang watch ko 10:10am na, mukhang malalate ako sa usapan namin ni Lester kaya minadali ko na ang pagpunta sa Registrar's office para makakuha ng bagong registration form. Yoon na ata ang pinakamabagal na pila, grabe umiinit na dahil dumadami na ang mga estudyante hindi ko nga maintindihan kung bakit matagal eh magpiprint lang naman sila di ba?

After 123456789years nakakuha na din ako ng Reg Form. Last step na at officially enrolled na ako, bumalik ako sa college building namin para ipasa ang mga photocopy ng school documents ko. At voila! natapos na akong mag enroll.

Tinignan ko ang phone ko.

1 sms and 1 mms received

Pag tingin ko nung address at nung map....

The OneWhere stories live. Discover now