Chapter 23 part2- Nightmare on Paradise

85 4 1
                                    

Masaya naman ang tanghali namin, nag grill kami ni tita Jean ng barbeque for lunch at yung magkapatid naman nag prepare ng fruits, si tito Edward kasi ang sumama kay manong Ernesto mamili sa palengke kaya tapos na ang part niya.

After lunch may dumating na van sa rest house, pinsan nila DM at kapatid ni tita Jean. Pinakilala naman ako ni Derich sa mga ito, tita Maricris ang pangalan ng kapatid ni tita Jean, kung titignan mo parang suplada ito pero mabait naman, may pagkakahawig din siya kay tita. Tapos yung mga pinsan nila na si Arah- ka edad siguro ni Kai at panganay, Adrian, at Ann. Lalo tuloy naging masaya ang bakasyon namin.

Namiss ko tuloybiglasila Mommy, Daddy and Janella...

"Hey! you're spacing out again.."malumanay naman ang tono nito. "..you sure you're okay?" tumango lang ako.

”Pupunta muna ako sa kwarto ha." paalam ko sakanya.

"Sige puntahan ko din muna si dad."

Nauna akong umakyat papunta sa kwarto namin ni Kai, share kasi kami dahil tatlo lang ang kwarto  sa rest house.

Pagpasok ko sa kwarto nakita ko si Kai na nakasilip sa bintana.

"O bakit nandito ka lang? Ok ka lang ba?" napalingon ito sa gawi ko at tumango.

Ngumiti ako sakanya at inayos ko ang mga gamit ko.

"Ate Jam.." automatic na napatingin ako sa direksyon niya, parang may mali.

"Bakit?" lumapit ito sa akin, walang emosyon ang mukha niya at may hawak itong bagay sa kanang kamay niya.

Huminto siya sa tapat ng kama at itinapon doon ang bagay na hawak nito.

"Anu to?'' nanlamig ang buong katawan ko nang makita ko ang bagay na to. "..ate Jam, ay mali, Miss Ella, Ella Davis.."

hindi ko pinatapos ang sasabihin niya "..l-let me explain K-Kai.''

"Why are you hiding? Bakit ka napapanggap? Bakit si kuya?" tuloy tuloy ang mga tanong niya at umagos na ang luha sa mata ko, ito na ba yun? Yung time na malalaman na nila at kamuhian ako? Kasalanan na bang maging masaya?

"K-Kai hindi ko niloko ang kuya mo..." I mustered all the strength I could para makapag salita.

"E anu!? Anu to? Pinagmumukha mo kaming tanga!? Sorry for the words miss Ella, pero hindi ko maintindihan!" ramdam ko sa bawat salita niya ang galit. Ang napaka.sweet at masayahing bata na ito ngayon kinamumuhian ako.

"Mahirap maging ako Kai, sana hayaan mo akong mag explain o kung ayaw mong makinig sa mga explanations ko sana hayaan mong ako nalang ang magsabi sakanila, alam ko naman na mali ako pero..."

"Babe.. ang tagal mo naman ata dyan." nagulat ako nang may kumatok at tumawag saakin sa pinto, mabuti nalang at naka.lock ito.

Pinunasan ko ang mga luha sa mata ko "..please kai, hayaan mong ako ang magsabi sakanya." hindi ito sumagot at pumunta siya sa may pinto at pinagbuksan ang kuya niya.

"Sorry kuya tulog si ate Jam." narinig kong sabi nito. "..balik ka nalang mamaya." dagdag niya at at bago pa makasagot si ang kuya niya sinaraduhan niya na ito ng pinto.

"Bwiset ka talaga Kai!" pagmamaktol ni Derich.

Bumalot ang katahimikan bago ko napagpasyahan na magsalita.

"Kai.."

"Mag.explain kana makikinig ako." hindi tulad kanina, mas mababa na ang tono nito.

"Hindi ko itatanggi na ako nga si Ella Davis, pero Jamella talaga ang pangalan ko- Jamella Kaye M. Davis..."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 19, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The OneWhere stories live. Discover now