Chapter 20 part 2- Coaster Planet

48 2 0
                                    

Jam's POV

"Hahaha kala mo ah! Buti nga sayo."

"Those falls was bullshit! Argh! Basang basa ako."

"Karma strikes dude! Hilig mo kasi mangasar ayan binawian ka tuloy. Buti na lang ako sa shorts lang nabasa hahaha."

"That would be the last. Hindi na tayo uulit sa ride na yun." asar na asar talaga siya "Para akong naligo! Ughh! Ang baho pa naman ng tubig nun."

"Ang arte mo naman, nakalagay naman sa wall nila bago tayo pumasok sa ride na yun 'Expect to get wet.' kaya wag kana mag inarte dyan."

"Psh"

"Tara mag wet rides nalang tayo tutal basa na tayo eh." yaya ko sakanya.

Sumakay kasi kami sa 'Pirates Lake', sasakay ka sa parang boat thingy pero pa-bilog tapos may mga upuan. Iikot kayo sa route niya na puro tubig, para nga talaga siyang lake pero may mga falls at may mga malakas na streams kaya mababasa ka talaga. Medyo malayo ang track ng ride na yun kaya for sure pagtapos ay basang basa ka, swerte ko lang at hindi ako natapat sa mga waterfall kaya hindi ako masyadong nabasa, yung alon lang ang nakabasa sakin. Di tulad ni Derich na lahat ng waterfall sakanya talaga tumapat halos lahat kaya badtrip siya ngayon dahil daig niya pa ang naligo sa ulan.

"Ayoko. Wala tayong dala na extrang damit."

"Nakakita ako ng souvenir store kanina may mga shirt silang tinda dun and board shorts."

Tinaasan niya ako ng kilay at binigyan ng areyoureallyserious-look.

"Pretty please." at nag blink blink pa ako ng mata na parang nagbu-beautiful eyes.

"Argh! Fine! Fine!" asar ang tono ng boses niya pero binalewala ko nalang. Nagiinarte lang naman siya haha.

--

"Ahh Derich ayoko na. Baba na tayo." halos maiyak na ako sa takot.

Sinunod kasi naming sakyan ang 'Log Safari' yung sasakay ka sa log tapos aalunin ka hanggang sa mapunta kayo sa may parang hill at mahuhulog kayo mula sa tuktok nun. Nung una excited pa ako pero nung nakasakay na ako at napansin kong wala palang support at tanging paghawak mo lang sa grills ang makakapag ligtas sayo para di ka mamatay, natakot na ako. Tapos nakita ko pa na dalawang beses ka mahuhulog sa hill at mas mataas yung pangalawa. Lord ligtas mo po ako! huhuhu.

"Ikaw naman ang nag yaya kaya kapit ka la-"

"Ahhhhhhhhhhh!" sabay na sigaw namin. Napapikit na lang ako at naramdaman ko nalang na inaalon na naman ang log namin.

"You alright back there?"

"Yea. Pero baba na tayo ayoko na." I know parang maiiyak na ang boses ko.

"Anu ka ba naman Jam hindi naman tayo pwedeng bumaba. May isa pang hill." at parang on cue naramdaman ko na paakyat na naman ang log namin. Nakapikit kasi ako kaya hindi ko na alam kung anu nang nangyayari.

"Kapit ka sakin."

"Ha?"

"Are you deaf? Sabi ko kumapit ka sakin!"

Nakahawak kasi ako sa grills ng log. Nakakatakot kasi at walang belts or something, kailangan mo lang talaga kumapit ng maige para hindi ka mahulog and if you don't, sigurado maya maya lang binibigyan kana ng abuloy.

"Wag ka nang maarte!" nakakatakot yung boses niya kaya napakapit nalang ako at nang maramdaman ko na nasa taas na kami hinigpitan ko ang pagkakapit o yakap? Anyway basta hinigpitan ko sa sobrang takot ko.

"Wooooooo!" sigaw ni Derich.

Parang nahihiwalay yung buong kaluluwa ko sa katawang lupa ko at hindi nga ako makasigaw sa sobrang takot, I can't bear it anymore! buti na lang at yakap ko siya medyo safe ang feeling ko. Eh! anu ba tong naiisip ko!

Hanggang sa narinig ko na ang splash ng tubig at naramdaman ko na tinatangay na naman ang log namin.

"Enjoy na enjoy ah." may halong pang aasar sa boses niya.

"Ma'am Sir may iba pa pong sasakay pwede na po kayong bumaba." that hits me! so tapos na pala ang ride.

Teka

Wait

So kaya pala! Arghhhh!

Bumitaw naman agad ako sa pagkakapit o yakap? Any of that two! haha sakanya nung narealize ko ang mga bagay bagay. BV talaga to si Derich!

"In your face dude!" at padabog akong bumaba ng log, nauga naman ito kaya nawalan ako ng balanse. Pag sineswerte ka nga naman!

"Hey easy." naramdaman ko ang mga kamay niya sa waist ko, at malamang siya ang simalo sakin, obvious naman di ba? Alangan naman si LOG?

So ayun sinakyan pa namin yung ibang wet rides like 'Swan Lake' para ka lang nagbo-boating pero swan nga lang at ipapadle mo siya na parang nagbi-bike. Basta mahirap iexplain hehe! Relax lang naman ang ride na yun pero masakit sa legs, swear!

Sumakay pa kami sa mga natitirang wet rides at nang nasakyan na namin lahat nag yaya nako pumunta ng souvenir shop para bumili ng pamalit na shirt at shorts.

"Good Afternoon Ma'am, Sir" bati samin ng tindera pagpasok ng shop.

Marami silang tinda na pwedeng pasalubong at souvenirs. Pwede rin magpa-personalize ng shirts, bags, keychains, etc., may mga stuffed toys pa, tumblers, hats, notepads at marami pang iba.

Busyng busy ako maglibot at tumingin ng mga stuffed toy ng may nag-abot sa akin ng puting shirt "Wear this." tinignan ko lang siya "You're soaked and wet. Baka magkasakit ka pag natuyo yan." tinitignan ko parin siya at napansin ko na nakapagpalit na pala siya ng damit. Ang cool nga ng shirt niya nakalagay kasi 'Derich visited Coaster Planet'

"O-okay. Thanks." para naman akong natauhan bigla nang ngumiti siya sakin. Gwaaaapo! Ehh! Haha.

Pumasok na ako sa fitting room, tinignan ko muna yung shirt na inabot sakin ni Derich, '..with Derich' nabasa ko na nakalagay sa likod ng shirt, hinarap ko at nakita ko may naka-print uli, 'Jamella visited Coaster Planet'

Uh?

Teka!

'Jamella visited Coaster Planet

..with Derich.'

So eto na po ang tamang oras para kiligin ako ng sobra! Buti na lang at nasa fitting room ako, dahil sigurado ako pulang pula ang mukha ko.

Matapos ko magpalit ng shirt at shorts, yep! ibinili din pala ako ni Derich ng shorts color red ito dahil alam naman niya na yun ang favorite color ko. Lumabas na ako at hinanap ko siya.

'..with Jamella' kinilig na naman ako nang nabasa ko ang likod ng shirt ng lalaking nasa tapat ko na tumitingin ng stuffed toys.

"O buti natapos kana kala ko kinain kana ng fitting room." natigil ang pagtingin ko sakanya nang nagsalita siya.

"E-ewan ko sayo!"

"Nagustuhan mo ba yung matching shirts natin?" enebenemenyen! haha kakilig kasi uhh! Derich bakit ka ba ganyan? pinapakilig mo ko ng todo. Okay! Stop na OA kana Jam!

"Uh oo, thank you."

Ngumiti siya ng nakakaloko habang humahakbang papalapit sa akin "You know that I don't accept that word.." ang lapit na nang mukha niya sa akin "..may kapalit yan." napalunok ako nang marinig ko ang huling linya na binanggit niya.

Ang bilis ng tibok ng puso ko at parang napako ang mga mata ko sa titig niya.

Dugdug...

dugdug..

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko "Let's go!" para siyang cellphone na na-full charge dahil energetic na naman siya.

"Saan?"

"You'll see! Tara!" wala na akong nagawa dahil hinila na niya ako palabas ng store.

The OneWhere stories live. Discover now