Bato-Bato Sa Langit!: Michael: Isang Bagsak!

21.2K 202 28
                                    

Part 1: Isang Bagsak!

(Michael)

Pa’no ko nga ba sisimulan ang lahat? Hindi ko kasi alam. Pero, ito na naman ako at kasama ko na naman si Mitchell, ang kaibigan ko for years. Magka-school din kaming dalawa. Anyway, nandito na naman kasi ako sa gym. Nanonood lang siya. Siya daw kasi ang biggest fan ko. I can’t believe that he stayed with me this long, knowing that he is a gay. Oo, tama kayo sa pagkakabasa ninyo. He’s gay. Ang sa ‘kin lang naman, wala akong pakialam kung ano ang sasabihin ng iba ‘kin dahil sa kanya. Besides, malaki ang respeto ko sa kanya. Talino niya kasi. Samantalang ako, ga-munggo lang ang utak ko. Pero … mag-iiba na pala ang lahat simula ngayong araw na ito.

“Go Mike!” narinig kong sigaw niya mula sa itaas ng bleachers namin.

Napatingin na lang ako sa kanya at nginitian ko lang siya. Kinawayan ko na rin.

Katabi niya ang girlfriend ko, si Ciara.

Nakita ko namang walang kabuhay-buhay ang babaeng nagpatibok ng puso ko. Parang wala namang siyang ginagawa. Parang siya pa ang nahihiya sa ginagawa ni Mitchell. Wala naman kasi sa hitsura niya ang pagiging bading niya kasi lalaking-lalaki lagi ang dating niya.

Then the practice game just ended. Pinuntahan ko na lang silang dalawa.

“Ang tagal namang matapos ng game mo! May date pa tayo, e!” napakabugnutin talaga ni Ciara. Hindi naman siya ganyan dati. Kaibigan kasi namin siya ni Mitchell.

“Sige na, I’ll make it quick for you.” Sabi ko na lang para hindi na siya mairita.

Nakita ko namang paalis na si Mitchell kaya naman pinuntahan ko muna siya.

“O, sa’n ka naman pupunta ngayon?” tanong ko sa kanya.

“Uuwi na ako. May gagawin pa kasi akong assignments. Kailangang matapos ko pa ang mga projects. Pasensya na, huh?”

“Lagi namang ganyan, e. After ng game ko, bigla ka na lang aalis.” Medyo nagtatampo rin naman ako sa kanya.

“Pasensya na talaga. Alam mo namang importante din naman ang gagawin ko, ‘di ba?” he just smiled at me.

Then he left me.

After that I took a shower in the dug-out.

Napansin kong ako na lang pala ang tao. Natapos na pala ang mga team mates ko. Kaya naman dinalian ko na lang ang paliligo at nagbihis na rin ako.

Ano kaya ang problema ng girlfriend ko at mainit na naman ang ulo niya?

Kung hindi ko lang siya mahal baka kung ano na ang nagawa ko sa kanya. Palibhasa kasi ako ‘yong tipo na cool lang lagi. Hindi rin naman kasi ako madaling mainis o mainip.

Motto ko kasi ay ‘everything waits’. Kaya naman maghintay siya d’yan.

“Ang tagal-tagal mo naman! Kakainis ka na, huh?” she just rolled her after slurred it to me.

“Sorry naman!” I just hissed. Medyo naiinis na rin kasi ako.

We just ride a taxi cab and gone straight from the gym to Araneta Center. Sa Gateway kasi kami ngayon kakain.

Napatingin na lang ako kay Ciara. Ang liit niya nga talaga compared sa ‘kin. Ang laki ko kasing tao. Well, kaya nga ako nakuhang player para sa school namin. Dagdag na lang ang mga skills ko sa basketball.

Then we are here at Starbucks. Kape lang muna kaming dalawa.

“By the way, kanina ko pa napapansin na parang naiinis ka. Ano bang problema natin?”

Bato-Bato Sa Langit!: Michael.[COMPLETED]Where stories live. Discover now