Apat na Bagsak!

5.8K 113 5
                                    

Part 4: Apat na Bagsak!


(Michael)

Sabado na naman ngayon. Binalak kong magpunta ulit kina Mitchell. Guguluhin ko na naman kasi ang Sabado niya. Pagsusuutin ko ulit siya ng pambabaeng damit. Siguro naman ay bumili na ng marami si Auntie Susan. Matagal niya na rin daw balak damitan ng pambabae si Mitch. Kaya naman magkasundo kaming dalawa.

Naglalakad pa rin ako nang makasalubong ko nga si Oliver at ang mga classmates ko.

“Tol! Saan tayo ngayon?” tanong nila.

“D’yan lang.” hindi ko na balak pang ipaalam sa kanila na pupunta ako kina Mitchell ngayon.

“Sige na, mauna na kami!” paalam nila.

Tapos, naglakad na naman ulit ako. Medyo mainit na naman ngayon dahil nga tirik na tirik na naman ang araw ngayon. Parang gusto ko lang siyang pag-trip-an ulit. Pero, aaminin kong na-turn on ako sa kanya nang makita ko siyang naka-shorts at naka-make up. Pero, sa tingin ko naman maski wala siyang make-up, maganda pa rin naman siya.

Sa totoo lang kasi, mahal ko ‘yang si Mitchell kasi nga kaibigan ko siya. Siya lang kasi ang nakakintindi sa ugali ko. Kita n’yo naman. Tutulungan niya daw talaga ako para makipagbalikan kay Ciara. Ang saya ko lang ngayon.

Ang bait-bait talaga ni best friend sa ‘kin! Siya na talaga ang the best.

Pero, dahil nga sa isa siya sa mga rason kung bakit nakipag-break sa ‘kin in Ciara ay kailangan niyang sundin ang mga gusto kong mangyari.

Hanggang nandito na lang ako sa harap ng bahay nina Mitchell.

Kumatok ako.

Pinagbuksan ako ni Tita Paula, ang mama niya.

“O, nandito ka ngayon, Mike?” she was surprised dahil nga matagal-tagal na rin siguro akong di nakakapunta dito sa kanila.

“Good morning po. Si Mitch po?” tanong ko agad sa kanya.

“Ayun, tulog pa rin. Puntahan mo na lang sa kwarto niya.”

“Sige po, tita.”

Umakyat na ako sa taas at tinungo ko ang kwarto ng pinakamamahal kong best friend.

Kumatok lang ako sandali. Hindi pa rin ako pinagbuksan ng pinto. So pumasok na lang ako nang diretso. I don’t care if he’ll be shocked.

Dahan-dahan akong pumasok at tiningnan ko siya nang maigi.

I was too pleased by his room. It’s clean and organized. Baklang-bakla talaga! Hanggang sa napatingin na lang ako sa isang parte ng kwarot niya. Nakita kong puro libro lang. Palabasa nga pala ‘to ng mga stories. Kinukwento niya lang sa ‘kin ‘yon. Nakukuha ko naman agad ang mga stories na kinukwento niya sa ‘kin. Well, that’s not the thing.

I get the stool under his study table and I sit. I just took glances at him. Nakita ko na naman ang legs niya. Naka-boxer lang kasi siya. Ang kinis pala ng legs nito. No’ng una kong makita ‘yon, napa-wow ako sa loob-loob ko.

“Ang sexy pala ng best friend kong bading.” I muttered. Then I noticed that he moved on another direction. Nilipat ko rin ang stool nang dahan-dahan sa kabilang direction ng kama niya. Napatingin naman ako ngayon sa mukha niya.

Sana lagi na lang siyang tulog para hindi niya ako natatarayan. Ayos rin kasi ‘tong best friend ko kung minsan. Hindi ko maintindihan kasi ang lakas ng mood swings niya!

Tapos, medyo parang kumukurap-kurap na ang mga mata niya! Napatago na lang ako agad.

“Hoy unggoy! Bakit ka nandito?” napasigaw na lang siya sa sobrang gulat.

Bato-Bato Sa Langit!: Michael.[COMPLETED]Where stories live. Discover now