Dalawampu't-tatlong Bagsak!

3.4K 72 3
                                    

Part 23: Dalawampu't-tatlong Bagsak!

(Michael)

Lumipas na ang mga buwan. Hindi pa rin kami nagbabago. We always miss each other. Busy kami sa pag-aaral ngayon. I'm still happy to have Mitchell in my life. Without him, I don't know how to balance everything. Sa isa't-isa kasi, nagtutulungan kaming dalawa. Kapag busy ang isa, hindi pwedeng istorbohin. Kapag may date naman kami, kailangang mag-set ng date and time. Wala dapat talkshit dahil unfair sa isa. So ang naisipan naming gawin ay magsunduan na lang. Pero dahil sa romantiko ako, ako ang mas madalas na magsundo sa kanya.

Walang umaaktong babae sa relasyon namin. Babaliin ko ang isa sa mga myths kapag nakita ka nilang may karelasyon na kapwa mo babae o kapwa mo lalake. Pareho pa rin kaming lalake. Sadyang na-fall in love ako sa kanya kaya paano naman nila masasabi na hindi balance ang relasyon namin dahil pareho kaming lalake. Mas nagkakaintindihan pa nga kami dahil alam namin ang pangangailangan ng bawat isa. Halimbawa na lang sa mga usapang lalake, lagi kaming nagkakasundo. Pareho rin kami ng pinapanood like basketball at ibang sports channel. Sa kaso naman kasi ni Mitch, medyo girly siya kaya hindi ko masakyan kung minsan ang trip niya. Kadalasang pinapanood niya'n ay America's Next Top Model. Pero ngayon, natutunan ko na ring ma-appreciate ang gusto niya dahil gano'n din ang ginawa niya sa mga gusto ko, pinilit niya ring i-appreciate.

Mahalaga ang bawat oras naming dalawa, lalo na't isang taon na kami next week. Ang bilis din naman ng mga araw. I am smiling right now while having a practice game with Xavier School dahil kay Mitchell. I always tend to imagine that he's there at the bleachers and watching me. Sobrang hibang na ba ako? It's just because of him.

After ng game ay agad-agad na akong nagbihis pang-alis dahil may date pa kaming dalawa. Alam naman ng coaches na kaming dalawa. Hindi naman nakaapekto 'yon sa performance ko sa loob ng basketball court. Marami akong naririnig na murmurs o di kaya naman mga pasaring galing sa ibang school about our relationship. Well, hindi ko naman obligasyong ipaliwanag sa kanila ang mayro'n kaming dalawa. Para saan pa kung magpapaliwanag ako at wala rin namang may ganang makinig. Sigurado rin naman akong after kong mag-explain ay babatikusin pa rin ako.

I rode the jeepney. Sa ngayon, hindi na bago sa 'kin ang maraming tumitingin dahil sa naging public na ang relasyon naming dalawa. Pero wala kaming balak ni Mitchell na makipagkita sa mga 'fans' daw namin at magkakaroon ng fan meeting. Ayaw ko no'n. Mas gusto kong ganito lang kami ni Mitch. Ayaw ko ng mga gano'ng bagay. Ang problema nga lang kasi ay hindi na kami halos makagalaw. Kaya ngayon siguro, doon na lang kami magde-date sa kanila.

I heard my phone rang.

I looked on to it. Si Mitchell lang pala ang tumatawag.

“Hello, Mitch. Pupunta na ako diyan, huh?”

“Sige! By the way, I will take a bath pa lang naman.”

“Anyway, nakasakay pa rin ako sa jeep. I'll try to call you kapag nasa gates na ako ng subdivision ninyo. Is that OK?”

“Of course! Sige lang, Mike. Papasok na ako sa bathroom. Bye!”

Bato-Bato Sa Langit!: Michael.[COMPLETED]Where stories live. Discover now