Labingapat na Bagsak!

4.6K 97 11
                                    

Part 14: Labingapat na Bagsak!


(Michael)

Linggo na ng umaga. Napabangon na lang ako sa kama na parang may barracks dahil nga may naghihiwalay sa ‘min ni Mitchell, ang mga unan na mahahaba at malalaki.

Napatingin na lang ako sa bintana. Medyo magandang panimula na rin siguro ‘to para mag-exercise ako. Matagal na rin akong hindi nakakapag-jogging sa labas ng training sa school. Ito kasi ang usual kong ginagawa kapag wala naman akong training o wala akong test kapag Lunes.

Siyempre, gusto kong may kasama ako kaya naman ginising ko na lang si Mitchell.

“Oy! Mitch! Gising!”

He moaned. Nag-iba siya ng posisyon.

“Mitch! Gising!”

Medyo pupungas-pungas pa ang mga mata niya. “Ano na naman ba ‘yun?”, he then sleep again.

 Ang cute lang! Medyo napangiti lang ako.

“Oy! Bangon na! Kaya hindi ka na tumatangkad, e!”

“Utang na loob! Puyat ako! Please, patulugin mo ako!” nagreklamo pa siya! Tapos natulog na naman ulit.

“Sige na! Jogging lang tayo!” pinipilit ko talaga siya.

“Ayoko nga, e! At saka, puyat ako! Sige na! Ikaw na lang ang mag-jogging kung gusto mo!” medyo pasigaw na sabi niya. Hindi ko na lang siya pinilit ulit.

Kung ayaw niya, OK lang. Sayang naman! Magpapakitang-gilas pa naman ako sa kanya mamaya. Pero hindi ko na magagawa ‘yun. Ako na lang siguro mag-isa ngayon.

“Sige! Ako na lang mag-isa. Next time na lang kitang isasama.” I just said to him kahit na alam kong natulog na lang siya ulit.

Pumasok na muna ako sa banyo. Naligo na lang muna ako at tamang hilamos lang.

Matapos kong maligo ay bumaba na ako para kumain lang. Tamang-tama naman at nasa baba na rin pala sina tito at tito. Kapwa sila nanonood ng TV show.

“Tito, excuse lang po. May tinapay pa po ba kayo?”

“Meron pa. Nasa cabinet lang.”

“Salamat po!”

Then tinungo ko na nga ang kitchen para hanapin ang tinapay sa mga cabinet. I tried to open the first one. Wala dito. Sa sumunod na cabinet, swerte! Nandito! Tapos may oats din pala! Kinuha ko na rin. Hindi naman makapal mukha ko nito, ano?

“Gusto mo ba ‘yang oats?” nagulat na lang ako sa biglang nagsalita! Si tita lang pala!

As usual, napakamot na naman ako sa anit ko. “Opo, e. Pwede po ba?”

“Sige lang! You can enjoy everything here!” then ngumiti na lang si tita sa ‘kin. Sa totoo lang, parang siya na rin ang tumayo kong mama sa matagal na panahon. Kasi kapag aalis sina mama at papa, siya ang nag-aabala para lang sa ‘kin. She always hitch me a ride kapag nasa school tapos iuuwi niya ako sa bahay namin. Anyway, magkaibigan kasi sila nina papa dati.

“Salamat po!” I said as I get the little casserole to cook the oats.

Nagluto na ako at kumuha naman ako ng apat na slices ng tinapay tapos pinapak ko na lang.

Hindi masyadong nagpapalaman kasi nakakataba. Baka kasi masira ang iniingatan kong abs! Ang hirap pa naman magpalabas nito?

Hanggang sa mga five minutes ay naluto na ang oats at nilagay ko na sa mangkok. May nakita pa akong saging. Kumuha na lang ako ng isa. Binalatan ko na rin at hiniwa para ilagay sa oats. Parang toppings lang.

Bato-Bato Sa Langit!: Michael.[COMPLETED]Where stories live. Discover now