Labingpitong Bagsak!

3.9K 91 6
                                    

Part 17: Labingpitong Bagsak!


(Mitchell)

Napansin ko na lang na halos dalawang linggo nang nag-stay dito sa bahay si Michael. Pero, nakaka-miss pa rin kasi sa couch nga siya natutulog. Sana naman kasi hindi na ako nagtaray noon. May ugali kasi siya na ‘kapag ayaw, wag ipilit’. Kaya naman ito ako ngayon, sising-sisi sa pagtataray ko at pagtataboy sa kanya. Kahit nga sina mama at papa, hindi na siya mapilit na bumalik sa kwarto ko. So ito ako ngayon, parang praning na nakatanaw sa bintana at gabi na rin pala, malalim na ang gabi. Eleven o’seven na kasi sa wall clock.

Wala ngayon si Michael dahil nga pumunta siya sa isang birthday party. All boys naman ‘yun, e. Silang isang team lang din naman ang magse-celebrate. Ito na naman kasi ako sa pagiging anti-social ko kung minsan.

So tiningnan ko muna ang buo kong kwarto. Para naman may magawa ako ngayon, aayusin ko na lang muna ito. Inuna kong ayusin ang mga nandito sa study table ko na naging lagayan na lang ng kung ano-ano. Hanggang sa mga oras na ito, si Michael pa rin ang iniisip ko. Kapag nakakainom pa naman ‘yun, parang baliw lang na salita ng salita! Maingay, pasaway, at higit sa lahat, ang hirap buhatin dahil nga malikng tao siya.

Sumunod ko namang inayos ay ang mga nakasabit sa dingding. Pinagpalit-palit ko na lang ang mga nakasabit. Then, ang mga decorations, papalitan ko na rin. Bukas ko na lang gagawin ang nakita ko kanina sa Facebook! Ang ganda lang kasi no’ng nakita ko na pwede sa kwarto ko.

Napatingin na naman ako sa wall clock. Eleven forty five na rin pala ng gabi. Wala pa rin siya. Nag-aalala na talaga ako. Baka naman kasi kung ano na lang ang nangyari doon! Inayos ko na lang sandali ang mga gamit dito at naupo na lang ako sa kama ko habang pinupunasan ko ang sarili ko dahil sa tumagaktak na pawis.

Sa sobrang pag-aalala, nagulat na lang ako nang mag-ring ang phone ko.

“Hello, Mike! Ano ba? Gabi na! …” napa-stop na lang ako nang matunugan kong iba na ang nagsasalita.

“Mitch! Si Laurence ito. Ihahatid na lang namin d’yan sa inyo si Mike. Lasing na lasing kasi, e.”

“Gano’n ba? By the way, alam n’yo na ba dito?”

“Oo, sinabi kasi ni Michael nung isang araw ang address ninyo.”

“Sige! Pakihatid na lang siya, huh?”

“Sige.”

Napatayo na lang ako sa kama at lumabas ako sa kwarto.

Nandito na ako sa labas ng bahay ngayon at naghihintay. Grabe naman kasi! Kaya ako nag-aalala ngayon kasi baka may nakaaway na naman siya. Feeling ko naman wala kaya medyo nale-lessen ang pag-aalala ko.

Sa tingin ko, masyado na akong over acting ngayon. Parang kasintahan lang niya ako, ‘no? How I wish I would be his boyfriend.

Palakad-lakad ako, pabalik-balik, tingin na tingin na rin ako sa cellphone ko. Then I received a text from Michael. Pero iba ang gumagamit.

Tinawagan ko na lang para mas ma-confirm ko kung ayos lang ba si Michael.

“Hello, Laurence?”

“Yes! Si Michael ba? Puro pangalan mo ang sinasabi ngayon! Ano na naman ba pinag-awayan ninyo?”

“Wala naman! Bakit?”

“Kasi naman nagseselos daw siya dun sa Red.”

“Teka lang! Hindi kita maintindihan?!” sa totoo lang, medyo nakakaramdam ako ng mabilis na pagtiok ng puso ko ngayon.

Bato-Bato Sa Langit!: Michael.[COMPLETED]Where stories live. Discover now