Labingwalong Bagsak!

4K 81 8
                                    

Part 18: Labingwalong Bagsak!


(Michael)

That kiss, his lips. That’s Mitchell’s lips. Hindi ko alam kung bakit ko nagawa ‘yun pero siguro dahil sa sobrang kalasingan lang talaga. Ayaw kong sabihing hindi ko rin ginusto dahil nga inaya ko pa nga siyang gawin ang halik na ‘yun.

Sabado na rin pala ng umaga. Naganap ‘yun, kahapon ng madaling araw.

Umaga na ngayon, sa mga oras na ito. Napapangiti na lang ako sa ginawa ko. Bakit kasi mas matamis ang halik niya? Aaminin ko, may iba pang lasa ang mga halik niya, it’s the ‘bittersweet’ taste. Ngayon ko na lang napagtantuan na ako pala ang nagbigay no’n sa kanya. I lost him amidst my happiness. Sa kanya ko lang pala malalasap ang kasiyahan na hindi ko naramdaman sa kahit na sino.

Napansin ko lang, mas nauna pa ang halik ko kaysa sa pag-amin ko? Gusto kong maging pormal sa pag-amin ko sa kanya. ‘Yung tipong kaming dalawa lang.

Kaya naman naisipan kong tawagan si Tom para makausap ko siya ng masinsinan.

“O, Michael, saan ka pupunta ngayon?” tanong sa akin ni Tita Paula.

“Kina Tom lang po sana.” Pagpapaalam ko.

“By the way, isasama mo ba si Mitchell?” tanong niya ulit sa ‘kin.

“Hindi na po. Ako na lang po muna ang lalakad ngayon.” I said while wearing my shoes para makaalis na ako.

“Ingat ka na lang sa daan, huh?”

“Salamat po! Tutuloy na ho ako.”

Then lumabas na ako sa bahay at napapangiti na lang ako ngayon. Hindi ko pa rin kasi makalimutan ang halik na ‘yon. Pakiramdam ko ako na ang pinakaswerte sa mga oras na ito. Iniisip ko kung ano na nga ba ang nararamdaman ko. Baka kasi nadala lang din ako noon. Gusto ko rin naman kasing malaman kay Tom kung ano-ano nga ba ang mga pinagsasabi ko no’ng nag-inuman.

Bigla ko na lang naalala ang mga oras na bata pa kaming dalawa ni Mitchell. Naging mabuti siyang kaibigan sa ‘kin. Kung inaakala niyang hindi ko nakikita ang mga ginagawa niya para sa ‘kin, d’yan siya nagkakamali.

‘Yung isang pagkakataon na natorpe ako sa kaklase ko na naging first girlfriend ko. Siya ang tumulong sa ‘kin. Ang ginawa niya pa nga noon ay parang no’ng ginawa niya lang para mas mapaglapit niya kami ni Patti. Nasa isang mall kami noon at kasama nga namin ang nililigawan ko noon.

That time, nasa McDonalds na kami para kumain. Nagtataka lang ako noon kasi bigla na lang nawala si Mitchell. Ang sinabi pa nga noon ni Marisse na umalis na daw si Mitchell. Sobrang shocked ako dahil nga hindi ko expected na gagawin niya talaga ang sinabi niya noon.

“Nasaan na si Mitchell?” tanong ko agad sa kanya.

“Wala na siya, e. Umalis na lang kanina. Akala ko nga magsi-CR lang siya.” Sabi ni Marisse.

Napasampal na lang ako noon sa mukha ko sa sobrang nerbyos dahil nga nakakakaba dahil nga sa first time ko pa lang magko-confess ng pag-ibig sa isang babae. ‘Yung tipong nakakatae sa sobrang kaba. That’s the feeling I had when I talked to Marisse about that thing.

“Marisse.” Untag ko sa kanya. Medyo kabado na naman ako, as usual. Wala namang magbabago do’n.

“Ano ‘yon?”

“Kasi … may sasabihin lang sana ako sa’yo.” I hesitantly said to her.

“Oh, I guess, tungkol sa assignment? Well, tutulungan ka na lang namin ni Mitch.”

Bato-Bato Sa Langit!: Michael.[COMPLETED]Where stories live. Discover now