Labingisang Bagsak!

5.1K 115 10
                                    

Part 11: Labingisang Bagsak!

(Mitchell)

Nakakatuwa lang talaga itong si Red. Lagi niya akong napapasaya. Pero bakit parang nakukulangan ako? Masyado rin ba akong napaligaya ni Michael kaya gano'n ang pakiramdam ko? Hindi ko masabi ngayon ang tunay kong nararamdaman para sa kanya, kay Michael.

"Beb, parang ang lalim yata ng iniisip mo?" tanong sa 'kin ni Red na katabi ko sa couch ngayon. Nandito kasi ako ngayon sa bahay nila. Kagagaling pa lang niya kasi sa school kanina.

"Kasi naman ... basta! Hindi ko alam ngayon. Bakit nga ba ako nagkakaganito?" parang timang na ako dito ngayon. Ang hirap naman kasi! Bakit naman nagpakita ka pa sa 'kin, Michael?

"Sandali lang. Magluluto lang ako ng makakain natin." Sabi niya na lang sa 'kin.

"By the way, can I help?"

"Yeah. Sure!" then he smiled. Tapos bigla na lang nag-pop out sa isip ko 'yung kantang 'Oh Chinito'! Hindi ko na talaga mapigilan 'to! Medyo humahanga na talaga ako dito sa lalaking 'to. Pero hindi na siguro lalagpas pa dito ang nararamdaman ko. Aminado naman kasi akong mahirap mag-move on kay Michael.

Lumakad na kami papunta sa kitchen. Wala naman kasing yaya sina Red at Kuya Primo dahil nga mas gusto nilang sa isa't-isa lang sila dumedepende. Parang sa 'min lang pala.

"Anyway, Beb, sino ba 'yung lalaking humabol sa 'tin a week ago?" when I heard that question, parang ayaw kong sagutin. Kabado kasi ako.

Natahimik na lang ako.

"Oy! Bakit parang ang tahimik mo? Sino nga pala 'yong lalaki na 'yon?" parang nangungulit na siya sa 'kin. Hindi ko naman masagot.

Hanggang sa nakayanan ko na lang. "Si Michael 'yon. Friend ko sa dating school ko." Then I just seated on a chair. Tapos naupo rin si Red sa chair na katabi lang nito.

"Alam mo, sa tingin ko, hinahabol ka na no'ng lalaking 'yon." Then he placed his arms on my shoulders as he said those words.

"Wow! Imposible 'yon. Kahit kailan walang naghabol sa 'kin. Lagi nga akong rejected, e. Kaya talagang hindi 'yon mangyayari." I just affirmed, somehow. But I don't want to jump into conclusions. Talaga bang hinahabol niya ako?

"Wag ka ngang ganyan! Hindi mo ba alam na pwede ka rin namang habulin? Kahit na bading ka, posible 'yon." He's full of enthusiasm. In fairness naman dito kay Red.

Napansin ko na lang ang ID niya na nakasabit sa leeg niya. Matagal ko na rin kasing gustong malaman ang totoong pangalan nitong ulupong na 'to.

Kaya naman bigla ko na lang hinila ang ID niya.

Sabay kaming napatayo sa chair at parang nag-aaway lang. Medyo nakayuko na nga itong si Red sa 'kin dahil nga matangkad din siya.

"Oy! Wag! Wag!" nagmamakaawa na siya. Napa-clasp pa nga siya ng mga kamay niya. Begging to me not to have a look on his ID. Kapag kumilos kasi siya hihilain ko talaga 'to.

"EH! Sandali lang!" tapos tinitingnan ko na!

Gosh! Natawa lang ako sa pangalan niya! Redenthor Zapanta! In fairness, huh? May nalaman akong bago ngayon sa pagkatao ng bago kong prospect? Ang landi ko ngayon! Kakahiya!

Sige lang ako ng tawa. Hindi ko mapigilan.

"Redenthor ka pala, huh?!" sabay tawa ako ng malakas. Nakita kong napayuko na lang siya.

Tapos bigla niya na lang akong hinila at inihiga sa couch! Wagas pa talaga ang pagkakahila niya to the point na parang hihiwalay na ang braso ko sa balikat ko!

Bato-Bato Sa Langit!: Michael.[COMPLETED]Where stories live. Discover now