Labinlimang Bagsak!

4.6K 98 8
                                    

Part 15: Labinlimang Bagsak!


(Michael)

Sa totoo lang, tanong ko sa sarili ko, bakit ko ba parang pinapahirapan ang sarili ko? Pero sa kabilang banda naman, parang ayaw ko na rin talagang mahalin pa si Mitchell. Baka kasi lalo lang akong masaktan. Ang puso ko naman iba ang sinasabi. Ang sinasabi nito? Mahalin ko daw si Michael.

“Mitch, punta tayo ng mall ngayon? Di tayo natuloy last time, e.”  I asked while fixing my things.

Biyernes na naman kasi ngayon ng hapon. So mag-aaya talaga ako.

“Sige lang. Libre mo ba?” sabi niya habang nakatanaw sa bintana at tinitingnang mabuti ang langit sa labas. Ang asul na langit.

“Talaga? Pumapayag ka na?” I excitedly asked again.

“Hindi!? Hindi ako pumapayag! Paulit-ulit?” bulalas niya habang tatawa-tawa pa siya.

Tapos tumabi ako sa kanya. “Ikaw talaga, Mitch! Lagi mo na lang ako pinapasadahan ng mga ganyan mo! Pero, kaibigan naman kita, e.” then, inakbayan ko na lang siya.

Inaalis niya ang braso ko sa pagkakaakbay ko sa kanya.

 “Alam mo, Mitch. Gusto ko nga kapag iniiwas mo ang sarili mo sa pag-akbay ko. Mas lalo akong ginaganahang i-please ka.” ‘yan na lang ang nasabi ko. Tapos, inakbayan ko ulit siya.

Wala na lang siyang nagawa. Ganyan naman ako lagi.

“Well, if you can do that, I’ll just give in.” He hissed.

“Well, you can’t please me to do so. When I called quits, then it would end, I guess.” I startled. Tapos nakita ko na lang na nakatanaw lang si Mitchell sa bintana. Tila luluha na naman siya.

Was I the one who hurt him? If I did that, bakit hindi niya masabi ng diretso ang mga dahilan kung bakit siya ganyan sa ‘kin?

“Sige na, magbibihis na ako at nang mapagbigyan ko na ang gusto mo.” Ibig sabihin ba ay napipilitan lang siya?

Sinundan ko na lang siya ng tingin at nakita kong parang nagkukusot siya ng mga mata niya. Tapos, kinuha niya na lang ang cellphone niya. Parang may dina-dial siya.

“Redenthor! May class ka ba ngayon?” Narinig ko na naman ang pangalang ‘yan! Pero medyo napahalakhak na lang ako nang marinig ko ang real name ni Red.

Napatingin sa ‘kin si Mitchell. He has a thrown dagger look on to me. Napatingin na lang ako sa mesa. Nakita ko doon ang picture naming dalawa. Tumayo ako at tinungo ang table niya. Kinuha ko na lang ang letrato at tiningnan ko ito nang maigi.

“So makakasama ka ngayon?” narinig ko na lang na natutuwang bulalas ni Mitchell.

Napatingin na lang ulit ako sa picture na ito. Inalala ko na lang ito. Nasa field trip kami nito. We were seven years old at this picture na kung saan dito kami unang nagsama bilang magkaibigan. That time, alam na naming lahat ng hindi straight si Mitchell. Kasi ang pagkakaiba sa ‘ming dalawa ay mapapansin na agad.

Siya kasi noon, bukod sa maselan, hindi mahilig sa basag-ulo. Hindi kagaya ko na marami na yatang nakaaway nang dahil na rin kasi kay Mitchell. Lagi ko rin naman kasing pinagtatanggol ‘yan. Kahit na bading pa siya, kaibigan ko pa rin kasi siya. Alam kong hindi naman ako obligadong gawin ‘yun. Pero ginagawa ko ‘yun kasi mahal ko na rin siya bilang kaibigan ko. At saka, ginusto ko rin naman kasing gawin ‘yun.

“Yehey! Talaga, Red? Makakasama ka?” narinig ko na naman ang natutuwang si Mitchell.

Ang hindi ko lang maintindihan ngayon, ano ba ang mayro’n sa Red na ‘yun at gusto niyang makasama? Nandito naman ako?

Bato-Bato Sa Langit!: Michael.[COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt