II

1.8K 42 7
                                    

Huminga ako ng malalim at paulit-ulit na sinabi sa sarili kong kaya ko 'to. Ilang beses na akong sumama sa mga business meetings ni Papa, pero ngayon lang ata ako kinabahan ng sobra. Of course, normal 'yun dahil makakasalubong ko lang naman at makakausap ang matagal ko ng crush na si Prince Kingsley.

Pareho kami ng Alma Mater. Sa Levine High School ko siya unang nakita. Agaw-pansin siya noon kasi transfer student siya at talaga namang sobrang gwapo niya. Kung hindi lang taken si Jasmine noon ay alam kong aaminin din niyang crush niya si Prince. Hindi naman kami magkakilala ni Prince, pero kilalang-kilala ko siya. Tatlo lang ang naging kaibigan niya at maliban kina Ken, Ardent, at Chris ay wala na siyang kinakausap. Pinaka-sikat sila noon at kilala sila bilang The PACK—Prince, Ardent, Chris, and Ken. Lahat sila naglalaro noon ng basketball, pero ang talagang nakakapagdagdag sa karisma ni Prince para sa akin ay ang talino niya. Madalas ko siyang makita noon sa library na naging dahilan din kung bakit sobrang nagka-crush ako sakanya.

After high school, in-expect kong sa parehong college padin kami pero nag-ibang bansa siya at alam kong sa Harvard na siya nag-aral. Nakapasa siya dahil halos uno na ang grade niya noon. 1.08 ba naman ang final average niya, talagang papasa siya sa Harvard. Ever since then, hindi ko na siya nakita pero madalas akong nagbabasa ng article tungkol sakanya. I guess I never got over him.

"Miss Belle, hinahanap na po kayo ng Papa niyo," sabi ni Gabby at pumasok sa CR.

Huminga ulit ako ng malalim. "Dumating na ba 'yung mga ka-meeting namin, Gabby?"

"Nasa lobby na po sila, Miss."

"Okay," I breathed out. "Five minutes. Five minutes nalang."

"Sige po, Miss," aniya at lumabas.

Nasa Royal ICON kami ngayon, sa branch nila sa Manila. Kanina pa kami andito ni Papa pero sinabihan kaming medyo male-late ang mga ka-meeting namin dahil na-traffic sila. Unprofessional, pero nagpasalamat ako dahil extra time 'yun para mag-handa. I need all the energy that I can get.

"Kaya mo 'to," bulong ko sa sarili ko at lumabas na. Si Gabby ang una kong nakita. "Si Papa, asan?"

"Pumasok na po, Miss," sagot niya at tumango naman ako.

Naglakad na kami papunta sa conference room pero napatigil ako at pinauna nalang muna si Gabby. Mamaya nalang, sabi ko sa sarili ko at umikot na. Dire-diretso ako at hindi ko naman alam ang pinupuntahan ko. Babalik na sana ako nang bumukas ang isang pinto at agad natamaan ang mukha ko. Napamura ako at agad sinapo ang ilong ko. Ang sakit nun!

"Are you okay?"

Tumingala ako at nanigas sa kinatatayuan ko. Bakit ang lapit niya? OMG, lapit pa!

Napailing ako sa iniisip ko at binuksan ang labi para sumagot pero wala akong nasabi kaya naman tumango nalang ako.

Kumunot ang noo niya. "You should watch where you're going, Miss. Especially since the hallways are narrow and there are doors everywhere," sabi niya at halos mahulog na ako. May accent siya!

"S-sorry," sabi ko nalang.

Nanliit ang mata niya at tinignan niya ako. "Who are you?" Sasagot na sana ako pero inunahan niya ako. "Oh, you must be applying to be my secretary."

He's hiring? Asan ang application form??

He shook his head. "I told Mina to post signs." Bumuntong-hininga siya at halos himatayin na ako dahil sobrang bango ng hininga niya. Ang sakit pa ng ilong ko pero grabe! May healing powers ata ang hininga niya. "Miss, the interviews are that way. Wala kang mapupuntahan dito and you're not allowed here. Employees only."

Princess Series Three: The Beauty Within A BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon