XX

2.2K 66 4
                                    

The final chapter.

I can't believe Prince and I were having an awkward moment!

'Pag pasok niya kanina sa apartment, tahimik na nagngitian lang kaming dalawa at pinanood ko siyang ihanda ang pagkain ni Cherry. Medyo hindi parin ako makapaniwala na isa na siyang dog owner, pero nang makita ko kung paano niya lambingin 'yung tuta ay aaminin kong mas nahulog ang loob ko sakanya.

Unfortunately, nang kumakain na si Cherry ay naging tahimik na ang buong apartment. Sinubukan kong bumalik sa pagkain ko para magkaroon ako ng dahilan para 'di magsalita pero parang mas lumala lang ang awkwardness sa aming dalawa.

Gusto ko ngang matawa kasi para kaming mga teenagers na nagsusulyapan pero 'pag nagkatinginan kami, unahan naman kami sa pag-iwas ng tingin. Hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari sa aming dalawa, pero sana matapos na. Naiilang na kasi talaga ako. Hindi ako sanay na hindi siya komportableng kinakausap. At mas lalong hindi ako sanay na maaliwalas ang mukha niya—hindi parang Biyernes Santo ang aura.

Tumikhim ako. "Kain ka," aya ko sakanya. Nakita kong ngumiti siya at dahan-dahan na umupo sa harap ko. "Pasensya ka na, konti lang 'to. I don't think Gabby knew I would be having company tonight."

"Gabby?" kunot-noong tanong niya.

"My secretary," sagot ko tapos napangiwi. "Well, secretary ni papa. Pero parang secretary ko narin siya in more ways than one."

Prince leaned back on his chair. Ngumiti siya ng malumay. "Oh yeah. I keep forgetting you're not exactly Belle Roxas."

Namula ako sa sinabi niya at agad akong napainom. Nahihiyang ngumiti ako sakanya. "We never really talked about.... that."

"We did," kumpirma niya tapos umayos ng upo. "But it's okay, Belle. Tapos na tayo doon. Hindi na 'yon importante. Ang importante ngayon.... 'yung ngayon."

Tinignan ko siya at nakita kong nagsasabi siya ng totoo. Hindi ko in-expect na ganito kalaki ang pagbabago ni Prince. Dati kasi mabilis siyang magalit at hindi siya takot na ipakita kung gaano siya kagalit.

But this... This Prince in front of me is a newer—and obviously better—version of the man I fell in love with all those years ago. Ibang-iba na siya pero pakiramdam ko kilala ko parin siya. He changed, but not drastically.

I smiled. "How are you pala? You know... With your past and all."

Nagkibit-balikat siya. "Kinausap ko si dad. It was pretty emotional, pero napagusapan narin namin. It's been hovering over us for years now. Ngayon lang namin pinagusapan."

"He's not mad?" tanong ko at sumimangot siya. "Na hindi mo pinakasalan si Cecilia."

He shook his head. "No," sabi niya at ngumiti. "He's been waiting for me to settle down, pero lagi kong sinasabi na ayoko daw. It's why he finally set me up. Might as well make me useful, he said. But I backed down."

"Ano'ng sinabi niya?"

"He told me he was happy. Finally daw magpapakasal na ako."

Nanlaki ang mata ko at ramdam ko ang pamumula ng buong mukha ko. "Ang advance mo naman ata?"

"I want you, Belle," seryosong saad niya sa'kin. Napalunok ako. "And I'm not letting you go. I'm in this for keeps. I'm in it for real. Sana ikaw din."

I stared at him and slowly smiled. Inabot ko ang kamay niya at hinigpitan ang hawak dito. I kissed his knuckles. "I'm in it for real, Prince."

"Then good. We'll get married."

Tumaas ang kilay ko. "Walang ligawan?"

"Kailangan pa ba non?" Sumimangot siya. "I'm not familiar with courtship. I don't know how."

Princess Series Three: The Beauty Within A BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon