XVII

1.9K 55 8
                                    

A/N: Chapter 17 out of 20.

PS: Next update is on Monday.

Nauna akong nagising at pagdilat na pagdilat ko ay agad akong napangiwi sa sakit ng katawan ko. Tinaas ko ang braso ko at nakita kong namumuo na ang ibang pasa ko dahil sa mahigpit na hawak sa'kin ni Prince kagabi. Nang maalala ko ang nangyari ay napapikit ako ng mariin at mahinang hinampas ang noo ko.

Ano'ng nangyari sa move on drama mo?

Napairap ako. May move on pa akong nalalaman, isang halik lang niya sa'kin bumigay na agad ako. Minsan talaga umiiral masyado ang pagkatanga ko, e. Hindi pala minsan—palagi pala.

Bumuntong-hininga nalang ako at tinignan si Prince na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Gaya ng dati, unti-unti na naman bumibilis ang tibok ng puso ko at imbes na labanan ko ito ay ngumiti nalang ako. Hindi ko alam kung ano na ang mangyayari ngayon, pero isa lang ang hindi mababago: ang desisyon kong umalis.

Yes, gaga parin ako. Mahal ko parin siya.
Pero nangako ako sa sarili ko na tama na ang pagiging tanga ko sakanya at sarili ko naman na ang uunahin ko. And that means committing myself to Clishique. Kung dati si Prince ang priority ko, ang sentro ng buhay ko; ngayon ay hindi na. Hindi na p'wede.

Kahit masakit ang katawan, pinilit kong umupo ng maayos. Sinuklay ko ang buhok niya minsan tapos lakas-loob na hinalikan ang noo niya. Kinuha ko robe ko sa gilid at pumunta ng banyo para mag-ayos man lang. Buti nalang at ang naituro kong k'warto kagabi ay 'yung kwarto ko. Pero mas nagpapasalamat ako na hindi siya nagtaka kung bakit apat ang kwarto dito sa apartment.

Nang harapin ko ang salamin, tinanggal ko ang robe at tinignan ang kabuuan ng katawan ko. Kinagat ko ang labi ko nang makitang ang daming pasa sa buong katawan ko. Aaminin ko din naman kasi na maliban sa isang beses na naging malambing si Prince, 'yung ibang tatlong beses na ginising niya ako ay mabilisan at sa iba't ibang posisyon ay mahigpit akong hinawakan ni Prince. Never letting go.

Winaksi ko ang iniisip ko at nagmumog nalang tsaka lumabas. Tulog parin siya kaya dumiretso ako sa sala kung saan nagkalat ang mga damit namin. Namula ako nang mapatingin sa pinto kung saan niya ako unang inangkin at hindi ko na napigilan ang ngiti ko. Nang makita ko ang polo niya ay tinanggal ko agad ang sinuot kong damit kanina para isuot nalang 'yun. Tinupi ko 'yung sleeves nun at nilagay na sa washing machine 'yung iba.

Habang pinapa-init ko 'yung mantika, pumunta ako sa room ni Jas para kumuha ng sweatpants at shirt na siguradong naiwan ni Derick dito. Nilagay ko 'yun sa kwarto ko at bago ko pa matignan si Prince ay agad na akong lumabas nang mag-ring ang phone mo. Kinuha ko 'yun mula sa sala at dumiretso sa kitchen para magluto ng omelette.

"Hello?"

"What time is your flight again?" tanong ni Ari sa kabilang linya.

"It's at 6PM. Why? Pupunta ba kayo?"

"No, e. Sabi naman namin sa'yo we should've had a despedida last night," nagtatampong sabi ni Ari pero natawa nalang ako. Wala akong sinabi dahil ayokong may pagsisihan when it comes to last night. Dahil kung may pagkakataon akong gawin ulit ang lahat ng nagawa ko kagabi, walang dudang uulitin ko. "Anyway, ako na kumausap kay Bruce. He'll be the one to pick you up sa airport sa New York. It's a good thing talaga na na-transfer na siya sa branch nila doon."

I smiled and transferred the omelette to another place. Pinatay ko na ang stove at sumandal sa island. "Thank God for small miracles talaga, e."

"Hmm... You sound different, Belle."

Mas lumawak ang ngiti ko. "What do you mean, my dearest Ari?"

"I don't know," sabi niya at nai-imagine kong salubong na ang kilay niya. "You just sound really really happy this morning. Ganyan ka ba ka-excited pumunta ng New York?"

Princess Series Three: The Beauty Within A BeastWhere stories live. Discover now