XIV

1.7K 52 14
                                    

Manhattan, New York 2015

Business Ball XIX

Nakayuko akong sumunod kina Prince papasok sa venue ng annual Business Ball. Nakita kong may mga photographers na pumansin sa'kin at may nagtanong kung bakit 'di na ako ang date ni Prince pero ngumiti lang ako at diretsong naglakad. Hindi na ako pumila para ma-introduce dahil hindi naman kailangan. Dumiretso nalang ako sa table kung saan kami in-assign ni Madame Heigns.

Nauna ako doon at agad umupo. Hinintay kong ma-introduce sina Prince at ang kanyang date para sa gabing ito. Siguro kung hindi nag-insist si Madame Heigns na imbitahan ako ay wala ako ngayon dito. Hindi naman kasi ako ang date, e—iba na. Hindi ko din alam kung bakit, pero may hinala na ako. Ayoko lang paniwalaan.

Habang naghihintay, umikot ang paningin ko at malumay na napangiti ako nang makita ang mga damit ng mga tao. Isa sa trademark ng Business Ball ay ang papalit-palit na theme nito at may dress code pa. Kung noon ay talagang magd-dress up ka, mas simple lang ngayon. Floral.

All around me, people wore flowers. At aaminin kong sobrang ganda ng iba't ibang mga bulaklak na ginawang design. Nagmukha tuloy botanical garder ang venue sa dami ng halaman. Ang ganda.

Ang romantic.

"—Prince Eaton Kingsley and his date for tonight, the lovely Miss Andrea Williams."

Agad akong napatingin sa grand staircase at ramdam ko agad ang kirot habang pinapanood ko silang bumaba. Kahit ayoko ay aaminin kong ang ganda nilang tignan na magkasama. A very attractive couple. Latina si Andrea pero nanaig parin ang dugong Amerikano niya dahil sa azul niyang mga mata. Pero 'yung kutis niya ay kutis Latina talaga. Walang duda.

"Miss Roxas!"

Napatingin ako sa tabi ko at agad ngumiti nang mamataan si Mr. Ellis, isa sa mga kilalang restaurant magnates sa buong mundo. "Mr. Ellis, what a pleasure."

"Pleasure is all mine," mabilis niyang sabi at hinawakan ang kamay ko. Humalik siya don ng mabilis bago tumabi sa akin. Bumaling siya sa kinaroroonan nina Prince na may kausap na. "What a shock. You're not his date for tonight?"

Pinaalala pa talaga!

Pilit na ngumiti ako at marahan na umiling. "No... Unfortunately not."

Natawa si Mr. Ellis. "Unfortunately for him, that is," pagtama niya sa'kin tsaka ako hinarap. "But for the rest of the single men in this room, it is quite fortunate. We can finally ask you for a dance that you deprived us with last year at San Francisco."

Kahit nanlumo ako ay napangiti parin ako. "Of course, Mr. Ellis."

Tumawa siya at kita ko agad ang wrinkles sa mata niya. Halatang mahilig siyang tumawa at masiyahin siyang tao. May kaedaran na rin si Mr. Ellis. Siguro nasa early 50's na siya pero halata ding may lakas pa siya. At talaga namang nakakabata 'yung pagiging palabiro niya, isa sa mga rason siguro kung bakit ang daming gustong makipag-kaibigan sakanya.

"Mr. Ellis."

Nanigas ako nang marinig ang matigas na boses ni Prince sa likuran ko pero hindi ako lumingon. Nanatili akong tuwid na nakaupo.

"Ah! Mr. Kingsley, how do yo do?" saad ni Mr. Ellis at tumayo para batiin si Prince.

"Quite alright. And you?"

Ngumiti si Mr. Ellis. "Fantastic! Miss Belle here kept me company while I waited for my wife to come back. Bless her kind soul, this young lady of yours."

Princess Series Three: The Beauty Within A BeastWhere stories live. Discover now