XIII

1.4K 50 3
                                    

A/N: Finished earlier than expected. Please vote and comment :)

The next morning, Monday, I woke up early. Earlier than usual. Naghanda talaga ako para sa trabaho ngayon. 'Yung pakiramdam ko noon na sobrang depressed ako dahil walang progress ay biglang nawala na dahil sa nangyari noong Saturday. Mas ginanahan na ako. Nag-slacks ako sa araw na 'yon, kahit sobrang na-tempt ako na gumamit ng bandage skirt. But nooo, baka mapagalitan pa ako. I don't want the magic from Saturday to disappear.

Dumaan ako ng Starbucks para bumili ng frap ko. Alam ko kasing hindi din iinumin ni Prince 'yung bibilhin ko dito kasi mas gusto niya ng freshly brewed coffee. Black coffee, gross.

Pagdating ko sa office ay todo ngiti ako sa mga nakakasalubong ko. Maaga pa naman at alam kong wala pa si Prince kaya hinanda ko muna 'yung kape niya para ma-brew na. Inayos ko din ang desk ko at sinimulan na 'yung pag-check ng emails niya hanggang sa matapos 'yung kape niya. Nilagay ko muna 'yun sa microwave para i-heat nalang pagdating niya.

At eight-thirty in the morning, kinabahan na ako. Ni minsan ay hindi pa nale-late si Prince sa trabaho, maliban nalang kung malala ang traffic at lagi siyang nagi-email sa'kin kung late ba siya. Was it because of the kiss? Iniiwasan ba niya ako?

Nanlumo agad ako sa naisip ko pero winaksi ko din 'yon. Of course not. Hindi ganon si Prince. If there's one thing the world is right about Prince, 'yun ay ang pagiging mabuti niyang businessman. He's a damn professional. At alam kong hindi isang halik ang makakapigil sakanya na pumasok sa trabaho.

Nag-ring ang telephone line at agad ko 'yung sinagot. "Hello, Mr. Kingsley's office."

"Belle!" sabi ni Mal sa kabilang linya, the receptionist sa front desk.

"Mal, bakit?"

"May naghahanap kay Mr. Kingsley dito sa baba. Nagwawala."

Kumunot ang noo ko. "Ha? Wala si sir dito, hindi siya pumasok. Sino 'yung nagwawala?"

"H-hindi ko alam pero papunta na siya diyan!" Hysterical na siya at napapikit ako. "Sorry, Belle, hindi ko na napigilan."

"Okay lang, Mal. Ako na bahala," sabi ko at pinanood 'yung elevator. Nagpaalam na ako at tumayo. Inayos ko muna ang sarili ko bago ako naghintay malapit sa elevator.

Nang bumukas 'yon, agad lumabas ang isang babaeng halatang may hinahanap. Medyo napatigil pa ako kasi pamilyar siya, hindi ko lang alam kung saan ko siya nakita. Her heels were high—higher than my four inches—pero kahit ganon ay mas matangkad parin ako sakanya. She was wearing a bandage dress that hugged her curves in all the right places at kahit may taglay siyang ganda, hindi ko na-appreciate sa kapal ng make up niya.

"Where's Prince?" asik niya at nilagpasan ako.

Nanlaki ang mata ko at bago pa siya makapasok sa office ni Prince ay humarang na ako. "Sorry, ma'am, pero wala po siya dito."

Inirapan niya ako at nilagay ang kamay sa bewang niya. "Get out of my way!"

Umiling ako. "Hindi po p'wedeng pumasok nang walang permiso mula kay—"

"I don't care! I'm his fiancé so let me in!"

Sa sobrang gulat ko ay naestatwa ako. Hinayaan kong hawiin niya ako at halos matapilok na ako pero nakahawak agad ako sa maliit na stand sa gilid ng pinto. Pumasok siya sa office ni Prince pero hindi ko siya napigilan. Hindi ako nakagalaw.

F-fiancé...

Shit.

There goes my heart—on the floor in pieces.

Princess Series Three: The Beauty Within A BeastWhere stories live. Discover now