XVIII

1.9K 52 9
                                    

A/N: Five comments for the next chap.

And thank you for being so patient.

Bago kami lumabas ng limousine, tinulungan muna namin si Ari na mag-ayos dahil ayaw naman namin na makit siya sa tabloids na ganon ang itsura. The tension inside the car was really heavy—hindi dahil sa sinabi ni Ari, kundi dahil sa hindi niya sinasabi sa amin. We all knew something was up, pero ayaw niya lang magsalita o magsabi man lang sa amin. And we don't want to force her into saying anything dahil magsasabi naman siya kapag handa na siya.

As for I, hindi ko na alam ang gagawin ko. Naguguluhan ako dahil sa mga sinabi ni Ari. Yes, I do love Prince and I've forgiven him for what he did to me. Pero alam ko naman sa sarili ko na hindi pa ako handa para papasukin ulit siya sa buhay ko. I'm not burning bridges—I'm just choosing not to cross it right now. Sapat na siguro 'yon sa ngayon.

"Ari, you sure pupunta ka pa?" nagaalalang tanong ni Erella.

Tumango si Ari at ngumiti, pero alam naming lahat na pilit lang 'yon. "Yeah, I'll be fine. We're about to own this ball."

"You said it, girl," nakangising sabi ni Jasmine.

"Well, we're here," saad ko at tumingin sa labas ng bintana. The red carpet was buzzing and the paparazzi caused the constant flashes. Medyo kinabahan ako pero kinalma ko ang sarili ko. I'm not nervous about the spotlight I will surely receive, pero mas kinakabahan ako dahil paniguradong makikita ko si Prince dito.

We separated on a good note, pero hindi ko din maipagkakaila na hindi maganda 'yung timing ng pagkakahiwalay namin. He needed me that time to help him heal and move on from his past, he asked me to stay and mend him. Pero umalis ako dahil nangako ako sa sarili ko na ako muna. I wanted to stay and just be there for him, lalo na nung lumuhod siya sa harapan ko at desperadong umiyak para hindi ako umalis; but I won over. Paano ko siya mabubuo, kung mismong ako ay may kulang?

I closed my eyes. I will abide by Ari's wish at hindi ko sasaktan si Prince, hindi ko siya tuluyang iiwan o itutulak palayo. Pero kailangan kong ipaintindi din kay Prince na ito ang kailangan ko. Time and distance.

"Tara na," aya ni Jasmine at inayos ang lipstick niya. Nakita kong sinulyapan niya muna si Ari bago huminga ng malalim at binuksan ang pinto. "Let's go, bitches. Time to slay."

Natawa nalang kaming lahat sa sinabi niya at tinulungan siyang makalabas dahil hindi siya masyadong makayuko.

"Still can't believe she's pregnant," rinig kong komento ni Erella at maski ako ay natawa nalang.

Nang makalabas na kaming lahat, I was immediately blinded by the camera flashes and deafened by the questions thrown our way. Pero natuto na ako sa mga nakalipas na Business Ball na huwag nalang pansinin. Just smile, pose, waltz, then enter the venue.

But of course Erella had to stop to promote the expansion of Clishique, kaya mas nag-ingay ang mga tao sa dami ng tanong pero sumunod nalang ako kay Jasmine na halatang nainis na sa ingay. Pumasok siya at inakay ko si Ari papasok. Bahala na si Erella doon, sanay naman siya limelight.

"Wow..." Napasingap ako nang makita ang buong venue. It was so Greek! Ang ganda ng white and gold drapes. Everything was so.... Greek. I love it.

"Now this is a party," manghang saad ni Jas. The interior designer in her must be in Heaven.

Ari smiled beside me. "I love the paintings and sculptures," saad niya, the Arts major in her. "Talagang pinag-handaan ni Madame."

"And to think tayo ang in-charge sa Business Ball next year." Madame Heigns promised that after the expansion of Clishique, kami na ang hahawak sa Business Ball. It was such a privilege for us! Malaking bagay 'yon para sa kumpanya namin, and to think halos baguhan palang kami.

Princess Series Three: The Beauty Within A BeastWhere stories live. Discover now