Chapter 4

755 20 2
                                    

Chapter 4

Sophie


Hanggang ngayon hindi pa rin masyadong nag sisink in sa utak ko na si Mr. D at si Derrick ay iisa. Fate could really turn the tables and let two strangers meet in any possible way. When I met him, I was unaware of what's happening around me, and as for him maybe he's thinking I'm a pain in the ass for meeting me in a not so good and unlady like state.

Like what I said, he is the perfect example of a gentleman. Dati 'yon, I mean that was like 3 or 4 days ago pero ngayon na nakakausap ko na siya, nag-iba na ang pakikitungo niya sa akin. Naging masungit na siya tulad ng pagtrato niya kagabi sa akin. Parang mas gusto ko tuloy na bumalik sa dati kung saan hanggang sticky notes lang 'yong way of communication namin. Alam mo yung feeling na taliwas sa standards mo yung piniling actor na gaganap sa role ng ultimate crush mo sa isang story? That's how I feel. Sayang kasi 'yong nabubuo kong imagination tungkol sa kanya. Mas mabuti na lang na bumalik ang lahat sa dati.

Nasa harap na ako ng kwarto ni Derrick. Actually, maaga talaga akong gumising para maligo at makapagbihis. I can't wait to see him again. Napag-isipan ko kasing mamasyal pero hindi ko kabisado ang lugar so technically I need a companion. Para kung in case na mawala ako, may karamay ako. Pack 1, pack all to mga dre.

Kumatok ako ng dalawang beses sa pinto ng kwarto niya. Dali dali ko namang inayos ang buhok ko. I'm just wearing a high waist jeans and white crop top shirt, tapos naka converse shoes. Hinintay kong bumukas ang pinto pero walang sumagot. Tingin ko, tulog pa siya. It's still 6am in the morning though.

"Derrick! Gising ka na ba? Buksan mo naman ang pinto o." Sinabayan ko ito ng katok. I waited for 3 minutes pero wala pa rin.

Nang hindi pa ako nakuntento, kumatok ulit ako ng pagkalakas. "Derrick! Are you there? Open the door please."

Kakatok pa sana ulit ako ng sakto namang bumulaga si Derrick sa harapan ko.

"Ano ba? Ba't ang ingay mo?" Iritado niyang bungad sa akin.

Di ko napigilan ang paglunok ko ng paulit-ulit. Oh sweet heavens! He's not wearing any shirt. Tanging boxers lang ang nakikita kong saplot sa katawan niya. And I swear ang ganda ng pagkakahulma ng mga abs at biceps niya.

"What do you want?" singhal niya sa akin.

"Ikaw."

"What?"

Ay, ano bang pinagsasabi ko? Nakakawala kasi ng ulirat ang mga pandesal niya sa katawan. Nakakatakam tuloy.

"Hehe, I mean... Gusto kong mamasyal ngayon."

Nakita ko naman ang pagkunot ng noo niya. My gosh! He looks so edible early in the morning kahit nagsusungit siya.

"Edi mamasyal ka. Ba't ka ba nang iistorbo?"

"Hindi ko naman kasi kabisado ang Davao. Gusto ko sana mamasyal na may kasama. I'm just wondering if you're free." Binigyan ko siya ng pagkatamis tamis na ngiti. Sige na please, pumayag ka na.

"NO." Utas niya gamit ang blankong ekspresyon sa mukha.

Ambang pagsasarahan niya ako ng pinto pero mabilis kong napigilan ito kaya ang ending naipit ang kamay ko.

"Aray! Shit! Ang sakit!" Sigaw ko, kaya naman mabilis niyang binuksan ulit ang pinto at hinawakan ang kamay kong naipit. He looked so shock with what happened.

"Naipit ka?" Untag niya habang marahang hinahaplos ang kamay ko.

"Ano sa tingin mo? Sasakit ba 'yang kamay ko kung hindi mo sinara bigla 'yong pinto? Tingnan mo! Mamamaga 'yang kamay ko maya maya."

Out of Bounds (Ugly Past Series #2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora