Chapter 14

423 11 0
                                    

Chapter 14


Sophie

Nagising ako nang maramdaman ang pagtama ng mainit na sikat ng araw mula sa bintana. I woke up and looked over my shoulder to check if Derrick is still sleeping but he's not there. Siguro ay nasa labas na siya o kaya nasa bathroom.

Bumangon ako at nag inat. Sinuklay ko ang buhok gamit ang kamay at inayos ang bed sheet ng kama pagkatapos. Lumabas ako sa kwarto at sinalubong agad ako ng mabangong amoy ng tocino. Derrick's cooking?

Lumapit ako sa kusina at tama nga ako. Nakatalikod siya sa akin at busy sa kanyang pagpiprito ng tocino. He's just on his sleeping clothes and matched it with apron. Napangiti ako sa nakikita ko. I've never imagined him doing house chores. Tahimik akong pumasok sa kusina at lumapit sa refrigerator para makakuha ng tubig.

"Good morning." Bati ko at nagsalin ng tubig sa baso.

Nilngon niya ako at ginawaran ako ng ngiti. "Good morning. How's your sleep?"

"Good." Sumimsim ako sa basong hawak ko at tumikhim. "Salamat nga pala kagabi. Hindi lang talaga ako makatulog." Oo, I never forgot what he did last night. He did me a favor by sleeping beside me.

Kumuha siya ng pinggan at nilagay doon ang mga naluto ng tocino. Nilapag niya ito sa mesa katabi ng mga naluto niyang fried rice at sunny side up. Binalingan niya ako habang nakatukog ang dalawa niyang kamay sa mesa.

"Don't ever do that again." Aniya.

"Do what?"

Labag ba sa loob niyang makatabi ako sa kama niya? Well he can always say no. Hindi naman ako namimilit. He drew a deep breath before uttering the words. "Staying out late. I know you've been working on your thesis and you have a deadline to meet, but it's not enough to risk your safety. Umuwi ka na ng mas maaga."

"Oo na. Nagkataon lang talaga na nagabihan ako. I performed with the band in different social places late nights before, but I've never experienced being harassed like last night. Minalas lang talaga ako."

"Kung hindi ako dumating kagabi, baka mas malala pa roon ang nangyari." He pulled a chair for me and prepared our plates. "You should be more cautious to people you just met Sophie."

Tumango ako. He's right. Kahit na mukhang sinesermonan niya ako ngayon, hindi naman ako makapalag dahil may point din naman ang sinabi niya. That's what I realized last night.

Kinuha ko ang bowl na may fried rice at nilagyan ang pinggan niya at ang akin. Siya naman ang naglagay ng ulam sa'kin at sunod yung kanya. We were acting like its normal for us to do these things, but hey... I'm just being nice. After all, he's not new to me anymore.

"By the way, pano mo nga pala ako nakita kagabi?" Tanong ko.

"I was driving home and saw the commotion. I know something's not right and by just looking at those men, I knew already what I had to do."

"Kahit hindi ako yung nando'n sa sitwasyon, tutulong ka pa rin?"

"Yes. Bakit naman hindi?"

Hindi ko tuloy mapigilan na hangaan siya. He's too good to be true. Kung sino man ang magiging girlfriend ng taong 'to, for sure she'll live like a princess. Naiiisip ko pa lang na may girlfriend siya, naiinggit na ako.

What the hell?! I shouldn't feel that way, right?

"Nasaan na sila? I mean yung mga lalaki kagabi?" I asked as we continued eating our breakfast.

Out of Bounds (Ugly Past Series #2)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang