Chapter 9

477 15 4
                                    


Chapter 9


Inayos ko ang buhok ko nang sumabog ito sa mukha ko dahil sa malakas na ihip ng hangin. Tiningnan ko ulit ang suot ko at inayos ang guitar bag na nakasabit sa kaliwang balikat.

Lintek lang talaga. Ang tapang tapang ko sa ibang bagay pero nanghihina ako ngayon. I know these guys. Why am I suddenly nervous? I can even feel how my tummy churns like a brat!

Breathe in. Breathe out. Wala na 'tong atrasan Sophie. You've been thinking about this for a month now since the moment you came back here in Manila. Andito ka na. What's the use of turning back?

Bumuga ulit ako ng malalim na hininga at tinulak ang glass door upang makapasok sa studio. Unang naka tawag ng pansin sa akin ang lalaking nag re-refill ng tubig sa water dispenser. He's tall and lean. Mukhang mas bata siya sa akin ng mga dalawang taon. Napatigil siya sa pag-inom ng tubig nang namataan ako sa hamba ng pintuan. Malapit lang kasi siya sa pinto kaya nakita niya rin agad ako. I smiled awkwardly at him.

"Uh, hi! Andyan ba ang myembro ng Euphoria?"

He nodded. He then eyed the guitar bag hanging on my shoulder. "Are you here for audition?"

What? May audition pa lang nagaganap?

"Audition? Para sa anong position?"

Kumunot naman ang noo niya. "Female vocalist."

My eyes widened with the thought. Oh great! Napagkamalan pa akong mag au-audition. E bakit pa kasi ako nagdala ng gitara? My original plan was just to talk with them and if I can get lucky, I could try to persuade them to take me again for the band.

"Oh well, yes. I'm... going to audition some piece." Sige, pagsasamtalahan ko na lang 'to.

He smirked. "Okay, mag handa ka ng dalawang kanta. One pop and one alternative rock. After fifteen minutes, I'll call you to come to inside."

And just that, he walked off and went inside the sound proof room. Shit! I'm not prepared and I only have fifteen minutes to practice two songs! Wala akong nagawa kundi umupo sa sofa na naroon at binuksan ang guitar bag.

Sino nga ba yung lalaking yun at kung maka asta parang myembro siya ng banda? Or was he really a part of the band? Wala na kasi akong balita sa banda pagkatapos kong bitawan ang position ko bilang vocalist at guitarist.

Kinuha ko ang gitara at sinimulan na ang pag ensayo. Ngayon lang ako ulit magpapakita sa kanila kaya kailangan kong galingan. I opened a playlist from my phone and played along with the music. Sana lang talaga magustuhan nila itong kakantahin ko. Dahil kung hindi, ewan ko na lang talaga!

Napa ayos ako sa pagkaka-upo nang bumukas ang pinto ng studio. Mula roon sa loob ng kwarto ay sumungaw ang ulo ng lalaking kausap ko kanina. Ang bilis naman ng oras!

"You ready?" he asked like as if I have a choice.

Tumayo na lang ako kesa sumagot. Biglang nanuyo ang lalamunan ko. Makakakanta pa ba ako nito ng maayos? Kinuha ko ang guitar bag ko at sinabit ito sa balikat. Mas nilakihan niya naman ang pagkakabukas ng pinto upang makapasok ako sa loob.

Shit! I'm really doing this now.

Hindi ko nilingon ang ibang tao na nasa loob ng kwarto at dumeretso na sa gitna kung saan naka handa na ang mic stand. I turned my back and prepared the wirings for the guitar and speaker while listening to voices inside the room. I bet they haven't seen my face yet when I entered here. Ano kaya magiging reaksyon ng mga ex bandmates ko pag nakita nila ulit ako?

Out of Bounds (Ugly Past Series #2)Where stories live. Discover now