Chapter 13

411 17 4
                                    

Chapter 13


"I need my car Derrick." Pangungumbinsi ko sa kanya. Kotse niya kasi gamit namin ngayon at naiwan lang sa parking lot yung akin. Pinupunasan ko ng tissue ang aking mukha dahil mamasa masa pa rin ito ng luha.

Umigting ang kanyang panga habang nagmamaneho. "We need to get you safe first."

"But my car. What if they wake up and break my car? I don't have enough auto insurance. I need to go back there."

I'm sure we can go back and take my car. Natatakot ako na baka magising yung mga lalaki na pinatumba ni Derrick at maisipan pa nilang sirain o basagin ang kotse ko just to get even.

Napahawak ako ng maigi sa aking upuan nang tinapakan niya ang gas dahilan para mas mapabilis ang takbo ng sasakyan. Nilingon ko siya at naabutan ko siyang seryosong nakatingin sa daan. I gazed at his hands maneuvering the steering wheel. His griping it so tight that I think he can break it anytime.

Hindi ko na lang ipinilit ang gusto ko. Ayaw kong mag away kami dahil sa katigasan ng ulo ko. He saved me and I owe it to him. Kung hindi siya dumating, siguro ay nagahasa na nga talaga ako.

Muling nanindig ang aking balahibo nang maalala ang nangyari. I can still feel how those guys attempted to rape me. Someone kissed and licked my neck and harassed me by locking my arms behind me. Shit that scared me a lot! Matapang ako oo, pero kung ganoon naman ang sitwasyon ay mahihirapan talaga akong manlaban.

Iniisip ko na no'n kung anong mangyayari sa akin pagkatapos nila akong gahasain. Iniisip ko na kung ano ang magiging buhay ko pagkatapos ng karumaldumal nilang pangbabastos sa akin. Will I ever be the same? I don't think so. I don't have a family to lean on. I don't have anyone who can save me in my despair. I don't have support. I'm just alone.

Good thing he came. I felt safe when I saw his face. Akala ko talaga ay wala ng tutulong sa akin. I wasn't expecting him to be there. Who would have thought right? Of all people, siya pa talaga ang sasagip sa akin.

Hindi mahaba ang naging byahe namin. Napatingin ako sa building kung saan papasok ang kotse ni Derrick. He parked the car in the basement at pinagbuksan niya ako ng pinto. Tahimik akong nakasunod sa kanya. We went inside the elevator and he pressed the 18th floor. I don't have any idea where we are but I'm sure I can trust him.

"You still think about your damn car even when you're already in danger." Ani niya sa matigas sa Ingles. Tila ay galit siya habang nakapamulsang nakatayo sa gilid ko. "Aren't you thinking Sophie? Why would you want to go back to that place? And by the way, why are you still out at this hour? It's late and you know it's not safe!"

Napayuko na lang ako. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. For a minute I was a bit happy to see myself safe, now I think it was my fault that I was almost raped.

Pareho kaming tahimik habang hinihintay ang pagbukas ng elevator. Tanging ang mabigat na paghinga niya ang maririnig sa loob na ikinabigat din ng dibdib ko.

Lumabas kami ng elevator nang bumukas ito. Nakasunod pa rin ako sa kanya. He opened a door in the hallway which he gestured me to come in. The lights automatically turned on when we were both inside. Napalinga linga ako sa paligid at napagtanto ko na isa pala itong condominium. This is his condominium, the place where I crashed when I was so drunk to go home.

Yes, I remember that night. Iyon ang unang pagkikita namin ni Derrick. No wonder the building was kind of familiar to me.

Dumeretso siya sa living room area at hinubad ang suot niyang suit habang ako naman ay nanatiling nakatayo malapit sa pinto. Mukhang galing siya sa trabaho judging from his outfit. He loosened his tie and unbuttoned the first two buttons of his polo as he stares at me.

Out of Bounds (Ugly Past Series #2)Where stories live. Discover now