Chapter 7

591 18 5
                                    

Chapter 7

Sophie


Buong araw kong hindi nakasama si Derrick dahil na nga dun sa sinabi niya na may kailangan siyang puntahan na meeting. Of course, a rich man like him has affiliations somewhere his business is concerned. Hindi na lang ako nagtanong kung para saan iyon dahil sobra naman kung pati iyon ay pakikialaman ko.

All day, I stayed inside my room sa hotel. Nanood na lang ako ng mga palabas sa TV hanggang sa makatulog ulit ako. Hapon na nang napagpasyahan kong umalis muna sandali para magpa body massage sa pinakamalapit na spa.

Nag search din ako online kung saan kami pwedeng kumain ni Derrick para bukas. I opened my Facebook account to check what's happening to the world and I saw how messed up politics is, because of some hypocrite senators.

I just kept on scrolling until I stopped when I saw a post from Daryl. Ayaw ko mang tingnan, pero hindi ko mapigilan na hindi ito makuha ang atensyon ko. He posted a photo of him together with that girl I saw last time. It's a selfie of them, nasa loob sila ng sasakyan ni Daryl.

Naramdaman ko ang sakit na unti unting umuusbong sa dibdib ko. I shouldn't be feeling like this. I moved out just to forget everything. The pain, the betrayal, the lies, everything that can make me think of him. Pero hanggang sa social media ay susundan pa rin pala ako ng mga iniiwasan ko.

Hindi pwede ito. Kung gusto kong makalimot talaga ay siguro ay dapat ring tanggalin ko na lahat ng connections na namamagitan sa amin. I visited Daryl's profile and pressed the block button. Ganoon na rin ang ginawa ko pati sa iba pang social media sites. Kung masaya na siya, hindi ko na ipipilit ang sarili ko.

Pumunta na lang ako sa swimming pool area ng hotel. I need to make my mind and body calm. Ayaw kong masayang ang ipununta ko rito sa Davao. I swore to myself on my way here that I would do my best to heal myself.

Gabi na at konti lang ang taong makikita sa may pool side. Naligo ako sandali, just enough to make me go back to the normal state of mind. Umahon ako sa pool at dumeretso sa sun lounger kung saan naiwan ang towel at phone ko. I checked my phone and I saw a text from Derrick. Yes, he has my number dahil ibinigay ko ito sa kanya kagabi.

Derrick: Are you in the hotel?

Ako: Yes. Still in the meeting?

Derrick: Not anymore. You're just in the hotel the whole day?

Ako: Oo, wala ka kasi.

Derrick: That's good.

That's good? So natutuwa pa siya na hindi ako umalis na wala siya? Nagpunas na ako ng katawan at isinuot ang bathrobe ko. It's getting chilly outside. Kailangan ko ng bumalik sa room ko. Just right on the time na nasa hallway na ako ng floor ko, tumawag si Derrick. Sinagot ko naman iyon.

"Hey. Napatawag ka?" Bungad ko habang papalapit na ako sa room ko.

"You didn't reply." Aniya sa mababang boses. Mukhang pagod ata siya.

"Oh, nasa pool kasi ako kanina," nilingon ko ang pinto sa kwarto ni Derrick na katapat lang ng kwarto ko. "Hindi ka dito sa hotel matutulog?"

"Hindi na. I still have loads of paper works to do," Medyo na dismaya naman ako.

"Ah, ganoon ba? So hindi ka pwede bukas?"

"Who told you that? Busy ako, but I will be with you tomorrow. Hindi pwedeng hindi matuloy 'yun." Napakagat ako sa labi ko dahil sa sinabi niya. I almost thought he's not gonna come with me. "I'll call you tomorrow Sophie. I'll pick you up para sabay na tayong pumunta sa kung saan mo gusto mag dinner. Okay?"

Out of Bounds (Ugly Past Series #2)Where stories live. Discover now