Promise 1: Responsibility 2.4

142 7 1
                                    

A/N: This is chapter 2 of promise booth at thankful ako dahil may pangalawa na akong reader, kaya idededicate ko ito sa kanya @jhoannaAnchetaOlmos thank you po :) keep on reading!

xoxo

wackymervin

########

PROMISE 1: RESPONSIBILITY 2.4

########

 

                 Tinawagan ko siya ng gabing iyon, pero nakakailang beses na akong nagdadial ng numero niya sa telephono ko ay di parin niya sinasagot ito. Hanggang sa mukhang napagod na ata siya at sinagot na niya yung pang-tatlong pu’t apat na missed call ko sa kanya.

                “Athena, mag-usap naman tayo oh.” Pagmamakaawa ko pa sa kanya.

                “Look. I’m sorry sa mga nagawa ko.” Paghingi ko pa ng tawad sa kanya.

                “Alam mo, kung di lang kita kaibigan di na kita mapapatawad. Pero kasi iba na yung ginagawa mo eh, di na tama. Masyado ka nang lumalagpas sa mga limitations mo.” Sabi pa nito sa akin. Alam kong tama naman siya, naiintindihan ko naman siya pero kasi di ko kaya. Di ko kayang may ibang tao ang lumalapit sa kanya maliban sa akin. Hindi ko nga maintindihan ang sarili ko, simula noong sinabe ko yun kay Lloyd bago siya mawala parang sobra na akong naging overprotective kay Athena na parang di naman dapat. At eto na nga, napapansin na niya ang mga ito.

                “Look. Humihingi na nga ako ng paumanhin hindi mo parin ba ako mapapatawad?”

                “Hindi lang kasi ganun yun Ram. Hindi naman ako yung binastos mo eh, yung  lalakeng iyon. Bakit ka sa akin humihingi ng tawad?”

                “What do you want me to do? Puntahan ko yung lalakeng iyon at saka ako humingi ng tawad sa kanya?”

               

“Patatawarin lang kita, kapag ginawa mo na yun.” Shit! Isa na siguro ito sa pinakamahirap na desisyon na gagawin ko sa tanang buhay ko. Ang lumapit at humingi ng tawad sa isang lalake. Sa tanang buhay ko di ko pa nagagawa ito, kilala ako ng mga tao na walang pakielam, pero bakit parang natatakot ako? Kinikilabutan ako sa maaaring mangyari?  Weird ng pakiramdaman ko ng mga minutong iyon at hindi ko maintindihan ang sarili ko.

                “Ano?” inaantay niya ang sagot ko. Huminga ako ng malalim at mataimtim na nag-isip kung dapat ko nga bang gawin ito?

                “Oo na,” sagot ko sa kanya.

“Saka mo na ako kausapin Ram kapag kaya mo nang gawin niyang sinasabe mo, pero I doubt kung kaya monga . Ang mga mga ma-pride na katulad mo di ginagawa yang mga ganyang bagay, pero umaasa parin ako na magbabago ka na. at matuto sa mga ginagawa mong kalokohan.” Then she hung up my call. Wala nang atrasan ito. This is now or never.

 

########

                Nasa harapan na ako ng classroom nila Rain Mariano. At kanina ko pa inaaatempt na pumasok sa loob, pero magpahanggang sa mga oras na ito di ko parin alam ang gagawin ko. Pinagtitinginan na ako ng mga taong naglalakad sa pasilyo ng minutong iyon. Maya-maya ay papasok na ang guro nila Rain at kailangan ko na siyang makausap. Naglakad ako papasok sa loob ng classroom nila, at hiyawan ang mga kababaihan noong makita akong pumasok sa loob. Di makapaniwala na ang isang Rames Cullamco na isang sikat sa paaralang ito ay papasok sa kanilang classroom.

PROMISE BOOTHWhere stories live. Discover now