Promise 3: Loyalty 1.2

80 5 2
                                    

########

PROMISE 3: Loyalty 1.2

########

 

Rain’s POV

 

                Rain…rain go away. Come again another day. Gwapong pogi wants to play. Rain…rain go away.

               

                Kumakanta ako habang nakasandal ang ulo ko sa bintana at pinagmamasdan ang kanina pang patuloy na pagpatak ng ulan. Sayang naman ang kagwapuhan ko? Saying naman kung di ito  makikita ng mga girls sa labas ng paaralan. Tsk!

########

                Loyalty: Pinapangako ko, that I will always be loyal to you. No matter what happens, I’ll stay beside you. Kung pwede nga lang na maglagay ng harang sa mga mata ko, para lang masabi ko na di na ako titingin ng ibang babae. Gagawin ko para lang sa iyo. Kaya kung sino ka man, please oh! Dumating ka na. Promise, mamahalin kita habang buhay.

########

 

                Dakilang playboy. Yan ang tawag sa akin ng mga kaklase ko. Hindi lang ata isa o dalawa sa mga kaklase ko ngayon ang naging girlfriend ko. Mahigit pa ata sa isa o dalawa sa kanila. Di ko alam kung bakit ko ginagawa ito? I find exciting when I have lots of girls na pumapalibot sa akin. Gaya ng sabi nila, the more the merrier. Maraming girls mas Masaya. Sabi nila para lang raw akong nagpapalit ng brief ko kapag nagpapalit ng mga babae ko. Na kapag bumaho na ay doon ko na sila papalitan. Oo I admit na niloloko ko lang ang mga babaeng ito. Nililigawan ko sila, di dahil sa mahal ko sila. Dahil gusto ko lang silang tikman. Alam niyo na yun. Wag na kayong masyadong matanong.

                Rain Mariano is my name. Breaking the heart of girls is my game. Alam kong di mabuti itong ginagawa ko, pero iba kasi ang nararamdaman ko sa tuwing may mga babaeng umiiyak at nagmamakaawa na balikan nila ako. Ito kasi yung naramdaman ko noong iniwan ako ng mommy ko. Nagmakaawa akong bumalik siya sa amin, pero anong ginawa niya? Mas pinili niyang sumama doon sa kabit niya. Langya! Naalala ko na naman, bumalik na naman yung sakit sa dibdib ko.

                “Shit!” mahinang bulalas ko. Hanggang sa pumasok sa isip ko ang isang tanong.

                “Bakit kailangan pang magmahal ng isang tao? Gayong kung alam naman nitong masasaktan rin lang naman tayo?” wala pa akong ideya kung ano nga ba ang true love. Di pa dumadaloy sa dugo ko ang salitang yan. At di ko pa nakikilala yung babaeng magpapahinto sa pagiging gago ko.

                Pero isang hapon, nasa loob ako ng music room. Pinapatugtug yung isa sa mga kanta ng dati kong ex, na nakuhang makipaghiwalay sa akin sa harapan ng maraming tao. Siya palang ang gumawa sa akin ng nakakahiyang bagay na iyon. Sa totoo lang, kakaiba siya sa mga babaeng nalink sa akin. I mean, ang hirap niyang ligawan. Inabot siguro ako ng halos tatlong buwan para lang sagutin ko siya. Pagkatapos lang ng dalawang buwan, festival sa school noong magdecide siyang iend-up na namin ang relasyon naming dalawa. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ginawa iyon sa akin. Nasaktan ako, kasi naramdaman ko na mahal ko na siya. I mean, kakaiba yun ah. Para sa akin, minsan ko lang maramdaman yun. Pero anong ginawa niya? Iniwasan niya ako at ang higit sa lahat nakipaghiwalay siya sa akin.

PROMISE BOOTHDonde viven las historias. Descúbrelo ahora