Promise 1: Responsibility 4.4

118 6 0
                                    

A/N: i would like to dedicate this chapter kay Cute_Kiana, dahil sya ang pangatlo sa reader ko ngayon haha dumadami na sila tatlo na sila oh? akalain mo...keep reading loveyouguys.

xoxo

wackymervin

########

PROMISE 1: RESPONSIBILITY 4.4

########

                “Bakit ba kasi nakaharang kasa dinadaanan ko?” iritableng tanong ko sa isang babaeng nagkalat ang mga gamit noong madaanan ko siya. Nasa loob kami ng cafeteria at dahil sa pagsigay ko sa kanya, nakuha ko na naman tuloy ang atensyon ng mga kumakain sa paligid ng cafeteria.

                “Ang ingay mo, kalalaking tao mo. Aba ah? Ikaw na nga itong nakabangga tapos ganyan ka pa?” sagot pa nito sa akin. Tinigitan ako nito ng husto, pero ako? Umiwas ako ng tingin sa kanya kasi ang weird niya. Ganun din ang makapal na kilay at ang brace sa ngipin niya. Yung kulot niyang buhok, at yung makapal niyang eyeglass. Ang weird niya. I was about to leave her, sa ganun sitwasyon niya nang bigla nalang niyang tinawag ang pangalan ko. Na parang nagdadalawang isip kung yun ba talaga ang pangalan ko.

                “Ram?” kunot noong tanong niya sa akin. Muli ko siyang hinarap, pero this time hinila ko siya sa isang gilid. Kasi di ko gusto na may ibang tumatawag sa akin ng ganun. Tanging si Athena lang ang tumatawag sa palayaw kong iyon.

                “Nasasaktan ako,” reklamo pa nito, saka ko na siya binitawan.

                “Adik ka? Sa tingin mo gusto kitang hawakan? Ang pangit mo kaya!” bulong ko pa sa kanya.

               

                “Eh mas adik ka! Bakit mo ako hinila rito sa gilid ano bang gusto mong gawin sa akin?” tila na tatakotna arte pa ng babaeng baliw na ito.

                “Nagpapatawa ka ba? Wala akong gagawin masama sa iyo, wag kang mag-assume di kita type. Kilala mo ako?” tanong ko sa kanya, tumango lang siya bilang sagot niya.

                “Tsk. Weird pero di kita kilala,”

                “Ang tanga mo! Sinong di makakikilala sa iyo? E diba nga sikat ka sa paaralang ito?” sarkastikong sagot niya sa akin. Tama nga naman siya, di ko naisip yun ah?

                “I mean paano mo nalaman na Ram ang pangalan ko?”

                “Rames. Ram duh? Ako lang ba ang weird sa kwentong ito o ikaw rin?” mas lalo tuloy gumulo ang isip ko sa mga walang kwentang pinagsasabi niya.

                “Aalis na ako, wala ka namang kwentang kausap. At isa pa? bakit nga ba kita kinakausap?”

                “Ewan ko sa iyo, ikaw ang nagdala sa akin dito.”

                “Fine, aalis na ako.” Pagpapaalam ko pa sa kanya.

                “Wait,” sigaw niya pa ulit sa akin. Muli ko na naman siyang hinarap, ewan ko ba bakit ko ginagawa ito? Weirdo na rin ba ako katulad niya?

                “Di mo ba talaga ako naalala?” umiling ako bilang sagot ko sa kanya.

                “Fine, ako si Sallie yung sa Promise booth noong nakaraang school festival. Ano? Natatandaan mo na ba?” marami kaming nadaanan ni Athena noong nakaraang school festival, pero may isang booth na siyang nakapukaw ng pansin namin. Walang gaanong mga taong dumadaan man lang sa booth na iyon kaya naisipan naming dalawa ni Athena na puntahan yun at suportahan. Tama! Promise Booth ang pangalan ng booth na iyon. Na kung saan kaya raw nitong maitago ang pangako mo sa isang tao, wala naman ibang kaya gawin ang booth na ito. Magsusulat ka lang ng pangako mo sa isang tao, tapos wala na. ihuhulog mo sa tinatawag niyang promise box na kung saan maitatago nito ang pangako mo doon sa taong bibigay mo ng pangako. Sa totoo lang? I find it interesting. Kakaiba siya sa lahat ng mga booth na napuntahan namin. Gaya kasi lagi ng mga kasabihan, ang pangako raw ay laging napapako. Gaya ng una kong sinabe, wala naman gaanong espesyal sa booth na iyon. Naging espesyal lang yun dahil sa pangako mo doon sa tao.

                “Oo na natatandaan na kita, o ngayon?” maangas pang tugon ko sa kanya.

                “Wala lang. Gusto ko lang sanang itanong kung kumusta na yung pangako mo na isinulat mo doon sa booth?” then she smiled. Creepy! Bakit siya ngumingiti sa akin?

                “Yun ba? Sige bye maglulunch pa kasi ako,” saka tuluyan na akong tumalikod at di na muli siya hinarap. Kinabahan ako, yung totoo? Tinago at di ba talaga niya binasa yung mga sinulat namin doon? Creepy. Wala naman akong pakialam kung mabasa niya yun? Sasabihin ko rin naman yun kay Athena, kapag nagkaroon na ako ng tamang panahon. Kung kelan yun? Di ko pa alam.

                Noong nasa cafeteria na ako, nagulat ako noong may bigla nalang tumabi sa akin. At walang iba kundi yung weirdong babaeng na naman yun.

                “Anong ginagawa mo rito?” pabulong kong tanong sa kanya sabay tingin sa paligid ko kasi baka kung anong isipin ang mga tao sa akin.

                “Iniisip mo kung anong iniisip ng ibang tao sa iyo? Dahil ano, may katabi kang weirdo? Wag kang mag-alala di naman ako magtatagal, gusto ko lang sana na…” di ko na siya pinatapos sa pagsasalita at kaagad na akong nagsalita.

                “Kung tinatanong mo kung anong nangyari sa akin sa doon sa sinulat ko sa booth? Eto! Nakikita mo ako? Mag-isa ako ngayon. Magkaaway kami ng bestfriend ko, at higit sa lahat kinamumuhian na niya ako ngayon. Ano? Ano? Hindi naman totoo yun eh. At nakakainis naniwala ako doon.” Sandal siya natahimik, pero di parin niya inaalis ang pagtingin niya sa akin.

                “Di ko naman sinabe na totoo yun ah. Diba? May sinabe ba akong maniwala kayo? Pangako niyo yun eh, dapat kayo mismo angmaniwala sa pangako niyo. Di ako, promise keeper lang ako. Pero kayo parin ang gumagawa ng pangako niyo, kayo parin ang may hawak ng pangako niyong iyon sa taong pinangakuan niyo di ako. Alam mo ang mali sa inyo? Gumagawa-gawa kayo ng promise tapos di niyo naman kayang patunayan. Di niyo naman kayang gawin, hanggang pangako lang kayo, hanggang salita.” Ang dami na niyang sinatsat pero sa totoo lang lahat ng mga sinabe niya ay tumatak sa puso’t isip ko. Tama naman talaga siya.

                Di na ako nakasagot sa kanya, hinawakan niya ang kamay ko at sinabe niya na, na naniniwala siyang kaya kong solusyunan ang problema kong ito. Mabuti pa siya naniniwala sa akin. Kahit na di ko pa siya lubusang kilala. Kahit na marami na ata beses na sinabihan ko siya ng di maganda, nandiyan parin siya.

PROMISE BOOTHWhere stories live. Discover now