CHAPTER 21

55 3 0
                                    

PROMISE BOOTH

CHAPTER 21

RAIN POV.

“wag nyo syang pansinin, just continue…” utos ko pa sa mga kabanda ko, nasa harapan ko ngayon ang babaeng sumira?.

Parang ang bigat naman nun, basta ang babaeng nagbigay ng miserableng buhay na nararamdaman ko ngayon.

“kausapin mo nga ako Rain.” Sabi pa ni Lian sa akin habang nasa harapan sya. Pinagtitinginan na sya ng mga tao pero parang wala lang sa kanya.

“We gonna play KASALANAN by Orient Pearl, hope you like it guys.”

Sabi ko pa sa mga Audience namin.

Ayaw kong masira ang unang performance ko. At kung si lian lang ang sisira nito hays wag na.

Nagsimula ng tumugtog ang banda ang nagsimula narin akong kumanta.

Ang panahong sinayang ko.”

“pasakit na dinanas mo”

“noo’y di ko nakita, ang iyong pagdurusa”

Tumingin ako kay lian. Nakita ko na umiiyak sya. Hindi ko maintindihan bakit sya umaarte ng ganito ngayon sa ganitong oras at sa ganitong pagkakataon.?

di kaya ng alaala”

“buhayin ang pagnanasa”

“ngunit sabihin mo sa akin kung panong…”

“pupunuan ang pagkukulang ko ohhh”

Ihinito ko ang pagkanta ko dahil sa narinig ko.

At nagulat din ang mga tao. Pati ang mga teachers at mga ibang magulang  na nandoon

sa party na iyon.

“buntis ako Rain.” Sigaw pa ni Lian. Sinabe nya ito habang natulo ang luha nya.

Buntis sya?

Sinong ama? Ako?

Almost 2 months na kaming wala ni Lian. Oo may nangyari sa amin. Pero hindi ko naman alam na..

Inihinto ko ang pagkanta tsaka bumaba ako at lumapit kay Lian.

Hinila ko sya palabas ng venue. Pinagtitinginan na kami ng mga tao. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya basta may nararamdaman  ako na kelangan naming mag-usap at may kelangan akong ayusin sa kanya.

Sa isang bukas na classroom, pumasok kaming dalawa. Binuksan ko ang ilaw ng kwartong iyon. Wala akong pakialam kung pagagalitan kami kapag nakita kaming nasa loob ng classroom without permission basta I really need to talk to my ex. Girlfriend.

Pagdating namin sa loob. Ay kaagad na binitawan ni Lian ang pagkakahawak ko sa kamay nya.

Tumitig sya sa akin, yung titig nya na parang sobrang galit.

Sabay mabilis na dumapo ang kamay nya sa mukha ko.

Plak.

“para yan sa akin.”

Plak. Isa pang sampal sa kaliwa ko namang pisngi.

“at para naman yan sa baby ko.”

Hindi ko alam kung magagalit ako sa ginawa nya, pero noong narinig ko yung salitang baby. Ay parang naawa ako sa kanya.

“tapos ka na?.” tanong ko pa sa kanya. Tinanong ko kung tapos na sya dahil gusto kong magsalita, marami akong gustong itanong sa kanya.

Unang-una gusto ko syang kamustahin.

Dahil kahit na medyo galit ako sa kanya at namimiss ko parin sya.

“gusto kong magalit sa iyo, gusto kong sampalin ka ng maraming beses ng maramdaman mo kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon. Gusto kitang sipain, sapakin hambalusin, pero….pero….hindi ko magawa.”

Lumuhod si lian sa harapan ko. Habang hawak ang dalawang kamay ko. Umiiyak sya ng oras na iyon habang nakaluhod.

"hindi mo lang alam Rain kung anong hirap ang dinanas ko, hindi mo alam kung gaano ako namomblema sa isang problema na dapat tayong dalawa ang gumagawa ng paraan, pero nasaan ka? Nasaan ka gago ka.”

Hindi ko alam, hindi ko man sya maintindihan pero parang naawa ako sa sitwasyon nya ngayon.

Kaya hinila ko sya pataas, sa pagkakaluhod. At hinawakan ang mukha nya, na patuloy parin sa pag-iyak ang kayang mga mata na kanina pa naglalabas ng tubig luha.

“Please wag ka ng umiyak” hinawakan ko yung mukha nya sabay pinunasan ko ng kamay ko yung luha sa mga mata nya.

Bigla akong naawa sa sitwasyon nya. Hindi ko pa man narinig ang iba pa nyang sasabihin parang alam ko na sobrang nahirapan sya. Buntis sya at sinasabe nya na ako ang ama ng kanyang ipinagbubuntis. Oo kilala ko si lian hindi sya bastusin at balahurang babae. Alam ko na ako lang ang nakauna sa kanya kaya may posibilidad na ako at ako lang at magiging ama ng kanyang pinagdadala.

“sorry.” Sabay niyakap ko si lian.

“sorry dahil hindi ko alam. Sorry dahil natakot ako. Sorry dahil duwag ako. Sorry kung nahirapan ka dahil sa akin. Sorry kung wala ako sa tabi mo. Sorry dahil sa akin nasaktan ka ng ganyan. Sorry dahil sa akin nahihirapan ka. Sorry dahil sa akin umiiyak ka ngayon sorry mahal ko. Sorry lian”

Wala akong sinabe kundi sorry.

Wala akong ginawa kundi humingi ng patawad sa kanya.

Yun naman talaga dapat ang gawin ko eh.

Ang humingin ang patawad at ibaba ang sarili ko. Dahil alam ako naman na ako at ako ang may kasalanan ng lahat kung bakit sya nahihirapan ngayon.

Kung bakit nya nagawa ang bagay na iyon.

Kung bakit sya umiiyak ngayon sa harapan ko.

Patawad lian. Patawarin mo ako mahal ko.

“Bakit hindi mo ako nilapitan, bakit hindi mo ako kinausap,a maiintindihan ko naman eh, oo yung mga panahon na tinatanong mo ako kapag nabuntis kita pananagutan ko ba?. Oo bata pa ako, hindi pa masyadong ready kasi nga yung isip ko nun ay hindi pa ready. Ngayon kasi marami ng taong pumapalibot sa akin, marami ng nagsasabi sa akin ng mga magagandang advices, katulad ni Sally marami syang nasabing magagandang advices sa akin.

Sa buhay na pwede ko pang maranasan, patawarin mo ako Lian. Sana mapatawad mo pa ako mahal ko.”

Minsan yung mga taong akala mo sobrang nakasakit sa puso mo ay sobrang binibigyan mo ng hatred ay sila pala itong magbibigay ng lesson sa iyo in the future, to realize what you’ve done.

………………………………….

PROMISE BOOTHWhere stories live. Discover now