CHAPTER 12

110 5 0
                                    

A/N: Dedicated ito sa isang lalakeng sikat na ngayon sa wattpad world, dati isa lang syang reader na kinikilig at nagmamadaling magpa-update sa isa sa mga kwento ko ngayon...napakasikat na nya haha pero naabot ko parin sya...miss u callmesic. mhuaw

xoxo

wackymervin

PROMISE BOOTH

CHAPTER 12

Pagkatapos ng pag-uusap na iyon nagdadalawang isip tuloy ako kung gusto ko pa bang sabihin sa kanya na buntis talaga ako? Eh paano kung malaman nya? Matatanggap pa kaya nya ako? Eh gago sya nagpromise sya na tatanggapin nya kung ano mang ang mangyari sa akin. Tapos ngayon biglang nabahag ang buntot nya? Nakakadismaya sya.

At paano kung malaman rin nila mommy? Syempre hindi ko narin maitatago sa kanila iyon, kapag nalaman nila, lalo na kay mommy kasi syempre babaer rin sya at isa syang ina, alam nya kung nagdadalang tao ang isang tao, hays nakakastress…kawawa naman ang baby ko.

utak: palaglag mo na yan kawawa ka sa parents mo, at kawawa ang future mo kapag hindi mo ginawa yan.

Puso: grabe isip ah? Ilaglag agad? Hindi ba pwedeng pag-usapan? Lahat ng bagay ay nadadaan sa usapan.

utak: puso? Ang daldal mo, tingnan mo nga, sinunod ni Lian ang puso nya anong nangyari? Nganga sya ngayon? Eh kung sinunod nya yung isip nya na hindi sya pumayag sa kagaguhan ng boyfriend nya, 16 years old kelangan ng magsex? Para ano? Malaman na tunay silang nagmamahalan? O tunay silang makakate?

Awts! Sakit nun!

Puso: oo ikaw na matalino utak, kaya ka nga nasa taas eh, dahil puro ka lang isip ng isip, wala kang damdamin, wala kang puso, nangyari na eh, kaya nga nagsisisi na yung tao tapos isusuggest mo pa na ilaglag yung bata? Eh kung mamatay din sya?, bobo ka ba?.

Utak: hindi ako bobo no, hahayaan ko ba naman sya na mapahamak? Eh kung noong una palan sinunod na nya ako, eh di sana hindi sya nasstress ng ganito?. Hays ang sakit nyo sa utak.

Ganyan ang pag-aaway ng utak at puso ko ngayon. Nakakastress kayo………….

 .......................................................

after break ay nakipagkita ako kay Rain, masaya itong lumapit sa akin, hinalikan pa ako nito sa pisngi pero ako itong umiwas sa kanya, gusto ko kasing iparamdam sa kanya ang pagiging malamig at ang pagkainis ko sa kanya yung paraan na hindi sya masasaktan.

"bakit parang nag-iiba ka na ngayon? may problema ba tayo?"

"mag-break na tayo" sabi ko with conviction.

"kabebreak ko palang eh, tapos na ako, ikaw?" shet ang bobo ang wala....ang gusto ko sanang sabihin eh makikipaghiwalay na ako.

"pwede ba seryoso ako, break na tayo, ayoko na, pagod na ako, humanap ka nalang ng iba"

"huh? bakit? may problema ba?"

"oo malaki ang problema ko, natin kaya please wag ka ng magpakita sa akin, wag mo na akong lapitan, tawagan, kausapin. wag mo narin akong mahalin please,  dahil hindi na kita mahal Rain."

until narealize ko na tumutulo na pala ang luha ko.

'nakikipaghiwalay ka sa akin, pero nasasaktan ka?, umiiyak ka? ano? kaya mo ba?"

sarcastikong sabi nito, kahit na wala itong ideya kung bakit ako nakikipaghiwalay sa kanya.

"meron na bang iba?" tanong ulit nito, nakayuko si Rain at tahimik lang, alam ko na nasasaktan sya sa ginawa ko pero, i was so desperate na he break his promise nakakainis sya.

PROMISE BOOTHWhere stories live. Discover now