Promise 3: Loyalty 2.2

76 5 1
                                    

########

PROMISE 3: Loyalty 2.2

########

                Nakapasok na ulit ako pagkalipas lang ng tatlong araw. Nakakaboring na kasi sa bahay, magaling narin naman yung mga pasa ko, at yung mag sugat bagaman di pa tuluyang magaling ay pinilit kong pumasok. Ayaw kong kasing masayang yung mga araw na siyang pwede ko pang magawa sa loob ng paaralan. Kahit na pasaway ako, di ko pinapabayaan ang pag-aaral ko. Nasa loob ako ng library, hinahabol ko kasi yung na-skipped kong lesson. Kaya ako ito mag-isang nagreresearch at nagseself studies. Noong kukunin ko na yung isang libro sa isang section ng science book ay napasigaw ako sa nakita ko noong pagkatapos ko itong hilain.

                “Halimawwwwwwwwwwwww.” Malakas na sigaw ko. Napatingin sa akin ang mga tahimik na estudyanteng nagbabasa ng minutong iyon. Lumapit pa sa akin yung halimaw. Ay di pala halimaw. Mukha lang pala.

                “Hoy di ako halimaw,” sabi pa niya. Sabay kuha sa librong kinuha ko.

                “Hoy akin yan, halimaw.” sabi ko sa kanya.

                “Di nga sabi ako halimaw,” muli niya akong hinarap.

                “Edi hindi na. akin na yang libro na yan,”

                “Edi sa iyo na. isaksak mo diyan sa walang kwentang puso mo,” sabi pa nito sa akin. Saka umupo doon sa dulong sulok ng library. Lumapit ako sa kanya at tumabi, siyempre nagtaka siya.

                “Magsosorry ka? Sanay na ako. Okay apology accepted.” Sabay kuha nito sa librong hawak ko. Ano kaya yun?

                “Di ako magsosorry, at bakit naman ako magsosorry sa iyo?” tanong ko sa kanya.

                “Tanga ka ba? Binastos mo kaya ako kanina. Tinawag at sinigawan mo pa akong halimaw, tsk!”

                “Yun ba? Sorry, kasi naman bigla-bigla ka nalang kasing alam mo na…”

                “Pero di ako halimaw Rain.”

                “Kilala mo ako?”

                “Tanga ka talaga no? Siyempre! Ikaw yung bagong lead singer ng Backspace. Gwapo ka sana kaso ang tanga mo lang.” saka siya nagmake face. Shet! Ang pangit na nga nagmake face pa. shet!

                “Ah? Okay,” walang ganang sagot ko.

                “Pero sa totoo lang, nagkita na tayo dati.”

                “Wag mong sabihin na galing ka sa future,” sabi ko na may pagtataka sa aking mga mata.

PROMISE BOOTHDonde viven las historias. Descúbrelo ahora