CHAPTER 20

72 5 2
                                    

PROMISE BOOTH

CHAPTER 20

SALLY POV.

“Ang Ganda mo anak.”

Nakangiti si daddy habang nakatingin sa akin sa harapan ng salamin, first time kong narinig sa kanya ang salitang iyon. Hindi kasi showing tao si daddy, I know that he loves me so much as much as I love him, pero iba yung saya na pati mga mahal mo sa buhay naapreciate yung effort mo. Effort ko? Oo kahit papaano may effort akong ginawa para lumabas yung gandang hindi nila inakala.

“You’re look like your mother.” Maiyak-iyak pang sabi sa akin ni daddy sabay niyakap ako nito. At sabay na kaming bumaba papunta sa kotse.

Pagkalipas ng 30 minutes, nakarating narin kami sa school, kung saan gaganapin ang PROM NIGHT na matagal ko ng inaasam.

“mag-ingat ka anak ah?, daddy loves you so much”. Si daddy na parang naging sobrang caring sa aking this past few weeks hays, gumanda lang ako daddy pero ako parin ito. And I know my limitation parin nuh, at isa pa hinding hindi ako magbabago para lang kanino.

Naglalakad ako papasok palang ako ng entrance ng venue ay marami ng mga tao ang nakatitig sa akin, dati rati naglalakad ako ganito rin marami ring nakatingin, pero may kasamang panlalait, pero iba na ngayon puro magagandang salita ang naririnig ko. As in magandang salita

“ang ganda naman nya”

“ang ganda nya”

“ganda nya”

“ganda”

Paulit ulit? Redundant? Ningingitian ko lang sila. Hanggang sa dahil sa rumarami na ang mga tao ng oras na iyon, hindi ko namalayan at nabangga ako ng isang lalake. Natumba ako, nagworry yung mga tao sa paligid ko, maraming gustong tumulong sa akin ng oras na iyon, yung tipong uhaw na uhaw sila tapos may nahulog na isang ice tubig na tig pipiso. Tapos gusto nilang makipag-agawan ganoon ang narasan ko ng oras na iyon.

Pero noong tumingala ako, nanlaki ang mga mata ko.

“Are you ok?” tanong pa nya sa akin. Yung tingin nya sa akin na parang sobrang yung nangyari sa akin, hinawakan nya yung kamay ko at inalalayan akong tumayo, nagkatingnin ang aming mga mata.

“Ok ka lang ba?, hindi ka ba nasaktan?” tanong ulit nya, sa pangalawang pagkakataon ay hindi parin ako nakapagsalita.

Hanggang sa may humila sa aking kaliwang kamay. Nabitawan ko tuloy yung pagkakahawak nya sa kanan kong kamay. Hanggang sa mag kahiwalay kami nakatitig parin ako sa kanya.

Humaygad ang gwapo talaga nya.

Eksena naman kasi itong si rames at kelangan pang hinalin yung kamay ko.

“makahila wagas?, bakit ba?” medyo galit na tanong ko kay rames.

“Have you seen Athena? Hindi ko sya Makita eh, kinakabahan na ako sa kanya eh, wala sya sa bahay nila, sabi maaga raw itong umalis tapos ngayon wala naman sya dito” si rames na hindi mapakali at halata ngang hinahanap at nag-aalala sa bestfriend nyang si Athena.

“Hay guys”. Isang babaeng wearing pink gown, na nakatayo sa aming harapan. Nakatingin si Athena sa aming dalawa ni rames, biglang tumahimik si rames sa pagsasalita.

“namiss mo naman kaagad ako? Hays, kelangan nating mag-usap”. Si Athena sabay hinila ang kamay ni rames, nakatingin si rames sa akin. Actually dapat date ko si rames at date naman ni Athena si Rain, pero parang may feeling ako na mag-iiba ang ihi ng hangin ngayon ah?.

……………….

ATHENA’S POV

Hinila ko ang kamay ni rames kahit na kinakausap nya pa si Sally. Medyo bastos?. Kelangan naming mag-usap. Yung dibdibang pag-uusap.

PROMISE BOOTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon